34

282K 4.9K 810
                                    

AN: Naalala nyo pa si THEODORE "THEO" LEFEVRE? Want to read his story? Maguumpisa na! Click the External Link or hanapin sa profile ko ;)

DEDICATIONS:

@elagsiri @bluebaiyou @ChmgnMDdz @joessa18 @mypreciousgem @Cecania_ @invain @alojen09 @prttymldt @BlackRibbonGirl @BhemelouAlcesto @WendifromNeverland @jinki_griw @rhima03 @sxsxan @Arkeus_14 @ZyraMaee @rai4ever @aikamaeurciada @jhian12 @_CindyJewels_ @_sweetKARMA_ @behbehjaja @LoveArron @sorrowprincess @meow0614  

THANKS FOR VOTING AT LEAVING COMMENTS AT THE SAME TIME GUYS. NAKAKATUWA AND NAKAKALAMBOT NG PUSO. <3 :) 

CHAPTER 34

Exhausted. Tired. Drained. Kulang pa yang tatlong salita na yan para lang madescribe ang kalagayan ko ngayon. I am lying all by myself dito sa isang suite sa hospital. I said can manage, wala naman akong sugat o ano pa man but Marcus insisted that I have to rest. But seriously, suite? Wala na akong nagawa kundi sundin ang gusto nya. I was too tired to argue anyway.

Right after what happened last night, agad isinugod si Kim dito sa hospital. Last night, nakita ko rin si Uncle Jack, iyong lalaking kausap ni Marcus sa apartment noong isang araw, dito sa hospital. When I asked Marcus why is he here, dun ko lang nalaman na sakanya pala tong hospital na to and mula nang naisugod si Kim dito, maging ang patay na katawan ni Lance, ay agad nyang ipinasara ito at mahigpit na ipinagbawal ang kahit anong admission kahit pa emergency cases.

Lance..


He's dead. Really dead.

Ang dapat na plano kagabi ay ibalik sa mga Madriaga ang katawan ni Lance. Ipapadala daw nila ito sakanila pero tumutol ako. I know wala akong karapatan para makialam dahil hindi ako parte ng mafia pero masyadong malakas ang impluwensya ni Marcus sa mga tao nya kaya nagawa pang dalhin ang bangkay nya dito.

I begged Marcus na subukang iligtas ang buhay ni Lance even if alam kong imposible na iyon. I begged him. And when we got here, confirmed na patay na ito.

Yung pakiramdam na parang may malaking parte sa buhay ko ang nawala? Yun ang nararamdaman ko ngayon. Sya ang una kong naging kaibigan mula nang makapasok ako sa paaralan na yun. He treated me good and I know na kaibigang tunay ang turing nya sakin. Alam kong labag sa loob nya ang nangyari.

Sinadya nya lahat. Sinadya nyang padaplisan ng bala si Kim para patayin sya. He wants to be dead. He was even asking for Marcus to kill him. Alam kong dahil hindi nya na masikmura ang pagiging parte ng isang organisasyon. Lance has a good heart and I believe that he loved me and Kim dearly.

"You're crying again." Agad akong napalingon sa pintuan and I saw my man leaning on the wall with his hands in his pocket.

Ngumiti lang ako sakanya sabay punas ng mga luha ko.

"If he's still alive, I'd still kill him. I'd kill anyone that makes you cry, Natalia." Aniya sabay lapit sakin.

Sinubukan kong tumawa nang mahina. I immediately shifted the topic to something else. Lance is a sensitive topic for me. "Si Kim?"

"Alive and kicking." Sagot ng isang boses. Agad kong tinignan muli ang pintuan at nakita ko na si Kim. She was standing with poise kahit halatang masakit ang kanyang bandang balakang. "Get up now, sleepyhead! Dinaig mo pa ako ha." She joked but Marcus hissed at her. "Chill, boss. Just kidding." Then I managed to smile.

"Pwede bang maiwan mo muna kami ni Kim?" Baling ko kay Marcus. At first he looked hesitant but with all the power that I have, sinubukan kong iparating sa mga titig ko sakanya na kailangan ko ngayon kausapin ang kaibigan ko.

The LeFevre Mafia (1): Sold to the Mafia Boss [PUBLISHED UNDER POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon