7

332K 8.2K 766
                                    

CHAPTER 7

Dahil nanliliit ako sa lugar na to at pati na rin sa taong kasama ko ngayon, sinundan ko na lang sya. Hindi ko talaga maiwasan ang hindi mamangha sa lugar na to. Grabe lang!

Tinahak namin ang engrandeng hagdan, pumasok naman si antipatiko sa pintuang katapat mismo ng hagdan kaya sinundan ko sya. Follow him nga daw, diba?

Kung namangha na ako kanina sa bahay, pakiramdam ko ay mas dumoble pa ang pagkamangha ko.

Ang daming libro. Library na to malamang! Ang lawak pa. Napansin kong may isang working table sa gitna sa bandang dulo malapit sa bintana ang library, meron ding pulang sofa sa gitnang bahagi ng lugar. Dalawang malalaking shelves sa kaliwa at ganun din sa kanan pero ang pinakanakakuha ng atensyon ko ay ang mural painting sa kisame -- isang puting rosas na may itim na laso.

"Condolences, mourning." Aniya na syang nakaagaw ng atensyon ko. Nakaupo na pala sya sa upuan ng working table.

"Huh?"

"The mural." Tipid nyang sagot. Napansin siguro nyang tinititigan ko yung painting.

"Ah." Sagot ko habang naglalakad papalapit sakanya.


"Sit." Utos nya habang tinuturo ang dalawang antique na silyang magkaharap. Pinili kong upuan ang kanang silya.

Classical ang bahay, moderno ngunit very classical. Ang mga furnitures ay may touches of vintage. Ewan ko ang hirap iexplain pero napakaganda ng bahay. Hindi na nga ako nagtaka kung bakit antique tignan itong library.

"Graduate ka ng Architecture." Aniya.

"Ha? Pano mo nalaman? Stalker ba kita?" Puno ng pagtataka kong tanong.

"Research." Malamig nitong sagot.

Okay. Pahiya ako dun, medyo assuming din kasi. Uhh! "Well then, yes. Magna cum laude." Taas noo kong sabi.

"Babalik ka ng pag-aaral, Natalia."

"Ha?" Nalilito kong tanong.

"You will have your course review for six months. You just have to refreshen your course and your thoughts. I need you well fit para sa trabaho mo."

"Teka, dahan dahan nga. Di ko maintindihan." Ano ba kasing pinagsasabi nya?

"Hindi dahil binili kita, ibig sabihin nun ay buhay prinsesa ka. I own your life and it's up to me kung anong gagawin ko sayo. I want you to work for me. Based on your records, Magna Cum Laude ka sa kursong architecture." Diretso nitong sabi.

"Eh bakit kelangan ko pa mag-aral?"

"I told you, para lang iyong review. You will start tomorrow. You don't have to worry about anything dahil maayos na ang lahat. Lahat ng gagamitin mo sa pag-aaral ay kasalukuyan nang inilalagay sa kwarto mo ngayon." Aniya tapos ay bigla syang tumayo at naglakad muli. "Follow me."

Uhh! Yan nanaman sya sa follow me follow me nya. Parang aso lang ang peg nya sakin huh! Kanina pa ako sunod ng sunod. My goodness.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at laking gulat ko nang pumasok kami sa kwartong pinagtulugan ko kagabi. Sinundan ko sya dun at laking gulat ko nang may apat na babaeng parang katatapos lang mag-ayos sa isang teka, walk-in closet ba iyon?

Nang nakita nila kami ay dali-dali silang yumuko at lumabas. Tradisyon ba talagang yumuko? Yuyuko na rin sana ako sakanila kaso ay nagsalita si Marcus.

"You are higher than them, don't bow."

Ah, ganun ba yun? Agad akong humarap sakanya tapos ay nagbow ako.

"What are you doing?"

"You are higher than me, I should bow." Mautak kong sagot. Aba! Ayokong mastrike 2!

"I am your owner and yes you are lower than me but I don't want you to bow before me, unless I say so. Understand that?" Maawtoridad nyang sabi.

Shit! Doesn't that count as strike 2? My goodness! Wag sana.

"You only bow before my father, my mother and my two brothers. No one else." Dagdag pa nito.

W-wait. Ano daw? Father, mother and two brothers? Oh god. Bakit ba hindi pumasok sa isip ko na baka may pamilya sya! Dagdag kalbaryo nanaman ito.

Tumango ako bilang sagot.

"Now, let's start here." Muli nyang paninimula. "This is your room. Siguro naman alam mo na ang banyo mo, diba. At ito, your walk-in closet. Lahat ng andito, ito lamang ang isusuot mo. Ang mga dati mong damit ay nasa loob lang ng maleta mo. Ayokong makita na yun ang gamit mo."

"Teka, grabe naman ata yan!" Protesta ko. He glarred at me kaya binawi ko rin agad ang sinabi ko. "Oo nga, sabi ko nga naintindihan ko, diba? Hehe."

"And this door.." Aniya habang naglalakad patungo sa isang pintuan sa bandang kaliwa ng kwarto ko, na malapit sa kama ko. "Adjoins my room."

Nalaglag ang panga ko dahil sa tatlong salitang sinabi nya. "H-ha?"

"You heard it. Isang pintuan lamang ang pagitan natin. I could go to your room as it pleases me but you could never enter mine. Understand?" Muli nyang tanong.

Tumango na lang ako kahit ang totoo nyan ay labas sa kalooban ko iyon.

Lumakad sya patungo sa sofa at umupo. Yes, ganyan kalawak ang kwarto ko. Para akong may sariling living room! Nakakaloka.

"Now, for the most important thing." Aniya sa isang napakadelikadong tono. Napalunok ako ng laway dahil nagumpisa nanaman akong kabahan. "I have three rules, Natalia."

Parang automatic akong lumapit sa kinauupuan nya. Nanatili akong nakatayo habang nakatitig lamang sakanya at tahimik ngunit kabadong naghihintay sa sasabihin nya.

"First, never make mistakes." Tumayo sya at lumapit sakin.

"Second, in every wrong move, there is an equal punishment." Inilapit nya ang sarili nya sakin tapos ay naglakad na para bang iniikutan nya ako.

"And third.." Aniya habang binubulong sa tenga ko. Ramdam ko ang kuryenteng naidulot nito sa katawan ko. Parang nauulit ang paghipnotismo nya sakin kagabi.

"Obey me." Mapangakit nyang saad.

The LeFevre Mafia (1): Sold to the Mafia Boss [PUBLISHED UNDER POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon