13

306K 6.8K 516
                                    

Chapter 13


My world literally stopped when I heard his voice inside my apartment. It took me a few seconds before I was able to react. What is he doing here?

"What?" I asked him as I tried to hide my excitement. Oo, sa di malamang kadahilanan ay para bang natuwa at naexcite ako na andito sya. Malala na ata ako.

"What did I tell you yesterday and what did I remind you this morning?" He said in a warning tone.

"Rule number four." I breathesly said as I walked inside the house.

"Then why on Earth do you keep on doing otherwise!" Mataas na ang tinig nito.

Bahagya akong nasindak dahil bagama't lagi syang seryoso, ni hindi ko pa sya nakikitang galit, ngayon lang.

"H-hindi ko alam ang sinasabi mo." I said.

He massaged his temple and washed his face with his palm. "I don't want seeing you around with other guys, Natalia. When I said you are mine, you are mine alone. I bought you alone na walang kasama and you better stay that way, Natalia." Aniya tapos ay lumakad ito patungo sakin bago muling nagsalita. "I know everything, Natalia. You cannot hide anything from me. I'll always know when you are telling me the truth or not."


Nabigla ako sa mga sinabi nya. Ano bang ibig nyang sabihin? Nalilito ako. May kinalaman ba dito ang pagkakaroon ko ng bagong kaibigan? Teka, on the other hand.. what the hell! I don't even know what my friend's name is. Masyado ata akong natuwa dahil may bago akong kaibigan to the point that I forgot to ask his name! Eh hindi nya rin naman sinabi sakin ang pangalan nya.

"I have eyes every where. You belong to me and only me, Natalia. I don't care kung kaibigan mo sya o ano pa man, when I tell you that you are mine alone, I mean it." Bago pa man ako makapagsalita upang ipagtanggol ang sarili ko, he kissed me. It was a hot and steamy one at kagaya ng dati, all I could do is to answer him back.

"It's either you go by my rules and live or disobey me and die. Don't ever forget that." He whispered between our lips bago tuluyang umalis ng apartment.

I was dumbfounded the whole night. Ni halos hindi ako bumangon dito sa kama ko dahil palaisipan pa rin sakin ang kilos ni Marcus. Why is he being like that? Pati nga yung plano kong pagaayos ng mga gamit ko ay hindi ko nagawa kakaisip kay Marcus.

Letse ha! Pangalawang gabi na to. Hindi na to maganda.

I was about to go pee nang biglang nakarinig ako ng ingay mula sa ibaba. Parang automatic na nabalot ng takot ang buong katawan ko. I felt paralyzed. I suddenly remembered what happened years ago sa bahay namin.. It's the same thing.. dis oras ng gabi, tanging ilaw lang sa labas ng bahay at ang center light ng ikalawang palapag ng bahay ang bukas. Even my lights are off.

Ayokong maulit iyong nangyari dati. I wasn't able to do anything. I was too coward and fragile and I thought I already got over it but then ngayon ko lang narealize na ganun pa rin pala ako. I thought I have transformed into a strong lady, yun pala ay hindi pa.

I tried my very best to walk quietly. Dahan dahan kong binuksan ang side drawer ng kama ko upang kunin ang pepper spray na lagi kong dala. I also grabbed my phone para kung ano man ang mangyari, ay makakatawag ako.

I took a deep breath bago ko dahan dahang pinihit ang door knob ng pintuan ko, trying the best not to make any noise.

I made my way downstrairs quietly. Pinakiramdaman ko ang paligid. My eyes were even watery dahil sa sobrang takot. I suddenly wanted to call Marcus and ask him to take me away from here. Takot na takot ako.

The LeFevre Mafia (1): Sold to the Mafia Boss [PUBLISHED UNDER POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon