39

211K 4.7K 1K
                                    

CHAPTER 39

“Aray! Ano ba!” Sigaw nya pabalik habang kinakaladkad ko sya sa kanyang buhok palayo kay Marcus. “Masakit!”

“Malandi ka!” Galit kong sabi.

“Bitawan mo ako, ano ba!” Aniya ulit.

“Ang kapal ng mukha mo magreklamo!” Naiinis kong sabi sabay tulak sakanya pababa. Pinatungan ko sya saka ko sya sinabunutan muli and she did the same, sinimulan na rin nyang hatakin ang buhok ko.

“Umalis ka sa ibabaw ko. Aray!” Hindi ko na alam kung ano pa ba ang ginawa ko maliban sa sabunot sakanya. I guess nakalmot kalmot ko din ang mukha nya.

“Gagawa gawa ka ng kalandian tapos pag nasabunutan ka, aaray aray ka!” Puno ng galit kong sabi.

“Natalia! Cecil! Stop!” Narinig kong sigaw ni Marcus ngunit hindi ko pinansin, hanggang sa nakaramdam ako ng paghatak sa mga braso ko. He lifted me and tried to pull me away from Cecil. Nang naitayo nya ako, tinulak ko sya tsaka sinampal. “Ang kapal ng mukha mo!” Sigaw ko sakanya. “Kapal kapal ng mukha mo!” Paulit ulit kong sinasabi habang paulit ulit ko syang sinasampal.

“Lumayo ka, lumayo ka kay Marcus!” Iyon ang narinig kong sigaw ni Cecil bago nya ako buong pwersa na itinulak papalayo kay Marcus.

“Ang dudumi nyo! Nakakadiri kayo!” Sigaw ko sakanila. Sa sobrang galit ko, ni hindi ko naramdaman na kanina pa pala tumutulo ang luha ko. “Ikaw, Marcus, anong ginawa ko sayo, ha, para gaguhin mo ko?!”

Hindi sya sumagot.

“Binigay ko sayo lahat, gago ka! Di pa ba yun sapat, ha?! Kaya naghanap ka pa ng linta?!” Galit na galit kong sigaw.

“Oo, oo! Hindi ka sapat kaya sakin pa rin sya bumagsak! Alam mo kung bakit? Ang boring mo kasi sa kama!” Si Cecil ang sumagot tapos ay nginisian nya ako habang nakakapit sya sa braso ni Marcus. Yung masakit? Hindi man lang ako yung nilapitan ni Marcus, he stayed with Cecil and had let her cling her am onto his.

Di ko binigyang pansin ang sinabi ni Cecil, sa halip ay muli kong binalingan ng atensyon si Marcus. “Sya ba si Miss C?”

Napatingin sya bigla sakin kasabay ang panlalaki ng kanyang mga mata. “Pano mo nalaman?” Tanong nya.

“Sya ba si Miss c?!” Pasigaw kong tanong ulit pero hindi sya sumagot. “Aba eh, putangina mo kung ganun!” Buong galit kong sigaw. Malapit na, malapit na malapit na akong bumigay. Hindi ko na kinakaya eh. Ang sakit. Naghalong galit at sakit eh. “Alam mo kung anong ginawa mo, ha?! Alam mo? Pinaglaruan mo ako eh! Pinasok pasok mo ako sa letse mong mundo tapos ano? Pinaniwala mo kong mahal mo ko eh! Tapos ako naman tong si uto-uto na talaga namang kumagat sa mga pinagsasabi mo! Tangina, binigay ko lahat eh!”

The LeFevre Mafia (1): Sold to the Mafia Boss [PUBLISHED UNDER POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon