12

334K 8.4K 1.4K
                                    

Chapter 12

Hawak hawak ko pa rin ang mga labi ko habang nagkaklase. Ni halos wala akong maintindihan sa sinasabi ng matandang professor sa harapan.

I’m lost in my world. No.. I’m lost in his kisses.

Ilang oras na ang nakalipas mula nang halikan nya ako pero hanggang ngayon lumulutang pa rin ang pakiramdam ko. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko eh, pangalawang beses na nya akong hinalikan and I should have been mad at him already. Dapat ay sinipa ko na ito sakanyang precious treasure pero hindi ko nagawa.

Napangiwi na lang ako bigla nang naalala ko ang nangyari kagabi hanggang kaninang umaga..

 

“Rule number four, I am the only one who could kiss any part of you and you will only kiss me, just me and no one else.” He said after ending the kiss and leaving me with confussion in his library.

 

 

Hinihingal hingal akong napaupo sa sahig dahil sa sobrang pagod at pangangatog ng tuhod ko dala ng halik nya. Damn! I let him kiss me and what the hell, I even kissed him back.

 

 

At hindi lang iyon, ang mga sinabi nya pa nya sa rule number four na yan, parang sinabi na nya na sakanya lang ako.

 

Technically speaking, sakanya naman talaga ako dahil binili nya ako, but mind him, I am not a whore.

 

Shit! Sabi ko na nga ba, dapat sinipa ko sya kanina. Hinalikan nya ako. Pero bakit ganun? Bakit ngayon lang ako natauhan na maaring tratuhin nya akong isang maduming babae? Dapat ay kanina ko pa iyan naisip pero.. hindi ko alam dahil naligaw ako sa mga halik nya.

 

 

 

Halos ala-una na ng madaling araw ako nakatulog. Grabe, ganito ba talaga ang epekto ni Marcus sa sistema ko? Pati nga pagkain ko kaninang dinner eh naapektuhan ata. Sa sobrang kagustuhan ko na magtago sakanya eh tinapos ko agad ang pagkain ko.

 

 

Pinilit ko din na matulog ng maaga pero hindi ko rin nagawa dahil sa kakaisip ng nangyari samin. Buti nga eh hindi ako late nagising. Ang totoo nga nyan eh sobrang aga ko nagising – mga 5:00 ng umaga tapos ay hindi na ako nakatulog ulit dahil occupied nanaman ang utak ko ng bwisit na halik ni Marcus!

 

At kahit na 9am pa ang klase ko, bumaba na ako bandang 8:00 pa lang ng umaga. Nagulat nga sakin iyong isang security guard ata na body guard na ewan ko na nakabantay sa main door ng engrandeng mansyon ng Marcus na yon.

 

“Kuya..” tawag ko sakanya. Agad naman itong lumingon pero hindi sumagot. Ano ba ito. Ganito ba talaga ang mga tao dito?

The LeFevre Mafia (1): Sold to the Mafia Boss [PUBLISHED UNDER POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon