18

351K 6.8K 885
                                    

AN: 

There had been no problem sa wattpad. I've posted this chapter kaninang umaga but I had to remove it din agad because I realized there were missing parts. So I had to work on it again. And now, here you go. A looooong update for you guys! Thank you for waiting.

And happy mother's day to all the mothers out there and pati sa mga mommy nyo! ;)

CHAPTER 18

Marcus did what he said earlier. Pinadalhan nga lang nya ako ng pagkain dito. Cecil brought me my dinner pero hindi tumatalab ang pagkabwisit ko sakanya ngayon dahil sa mga revelations nanarinig ko kanina lamang. I was too tired to stare at her and too hungry to hate her kaya hinayaan ko syang umalis ng kwarto ko nang walang imik.

Nakailang lipat na ako ng tv channels kanina pa pero wala talagang nakakakuha ng interes ko. I even started sketching my dream house floor plan para magpalipas oras at magliwaliw. I've read stories online, too, pero hindi pa rin nawala sa isip ko ang mga nalaman ko. And now, here I am, staring blankly at my ceiling. Kung hindi mawawala sa isip ko ang mga bagay na narinig ko kanina ay malamang sa malamang hindi ako makakatulog.

I sighed in defeat. I took the robe that matches my silk sleepwear and went outside. Napagdesisyunan kong magstay sa may gazebo para magmuni muni at huliin ang antok ko. Hindi naman ipinagbawal dati ni Marcus na bawal ang lumabas ng kwarto sa dis oras ng gabi, particularly 1 am.

I tried closing my eyes and thought of happy thoughts. Little did I know, I fell asleep.

I was standing alone in the middle of nowhere. Madilim nanaman. Mag-isa ko. I tried looking around, hoping to see a light. But I failed.


Ramdam na ramdam ko kung gano ako ka-hopeless. I'm just a kid after all.


I hugged my knees as I sat on the ground. I can't stop myself from crying because of fear.

"Natalia.." I heard a voice so familiar.


"P-papa?" Sagot ko habang hinahanap sya sa paligid. "P-papa!" Mas malakas ko pang tawag. Tumayo ako at nagsimulang tumakbo habang paulit ulit kong naririnig ang pagtawag nya sakin. I was crying harder.


I kept on crying until I saw a light. It was so bright that I had to close my eyes.


"Tara na, hinihintay na tayo ng papa mo." Minulat ko ang mata ko nang naramdaman ko ang malambing na paghawak sa maliit kong kamay.


"M-mama!" Sobrang saya ko dahil kasama ko na si mama ngayon. Hindi na ako nag-iisa. Hindi na ako takot. I was smiling widely as we were walking.


"Nasan ba si papa, mama?" I asked her.


She just looked at me and smiled. "Malapit na." Aniya.


I thought the walk will be endless until I saw a familiar figure. "Papa!" Tuwang tuwa kong tawag sakanya. Dali dali akong tumakbo papalapit kay papa dahilan upang mabitawan ko ang kamay ni mama.

The LeFevre Mafia (1): Sold to the Mafia Boss [PUBLISHED UNDER POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon