EPILOGUE

385K 6.3K 715
                                    

EPILOGUE

We decided to get married as soon as possible, habang di pa daw lumalaki ang tyan ko sabi ni mama. Pero ang katwiran naman ni Marcus, para daw hindi na ako magkaroon pa ng pagkakataon na makawala.

Siguro yung isang buwan na preparasyon, kulang yun kung isa kang ordinaryong nilalang sa mundo. Pero dahil sukdulan lang naman ng kapangyarihan at yaman ang mga LeFevre, hindi iyon naging imposible.

Isang buwan na preparasyon? Nakakaloka, nakakastress! Araw-araw may ginagawa. Invitations, mga damit, kung ano ano pang preparasyon dyan – lahat ng yan pinilit matapos bago ang kasal.

Kung gaano ako kabusy sa preparasyon para sa kasal, ganun din kabusy ang mga LeFevre sa paghahanap sa nagtatagong si Greg at Cecil. They have their leads, lagi naman, kaso nga lang laging nauuwi sa bula lahat. Once na mahahagilap na, nakakawala agad. Napakaliit ng pagitan. Sometimes we think pinaglalaruan lang kami.

I guess they already know about my wedding kaya nga mas lalong pinaghigpit ang security.

Well, Kim.. si Kim parang minsan balisa pa rin pero aktibo sya sa mafia. Siguro kung isang normal na babae lang sya, baka sya ang kasama ko sa preparations para sa kasal ko kaso hindi. She's so determined to find Greg kaya sa mafia sya nakikisali. Naiintindihan ko naman.

Kaya si Isabela ang kasa-kasama ko. Pag nahihirapan akong mamili, tinutulungan nya ako. Taga bigay sya ng opinyon, dalawa sila ni mama. Si Daniel ay lagi naming kasa-kasama. Hindi ko sya hinahayaan na mawala sa paningin ko. Sa loob ng maikling panahon, napamahal na sya sakin. Malambing sya, napakalambing.

Gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. 4:30 ng hapon ang oras ng kasal ko. Marami pa namang oras para matulog pero ewan ko ba, naprapraning ako. Hindi rin kasi ako sanay na matulog mag-isa.

I sighed. Sinunod kasi namin ang mga pamahiin. Merong something old at something new sa isusuot ko, ni hindi ko nga sinukat ang wedding gwon ko dahil baka daw hindi matuloy ang kasal, hindi rin ako magsusuot ng any jewelries na may pearl dahil daw baka maging malungkot akong maybahay, ang wedding day namin ay 8th day of the month dahil swerte daw ang number 8 at basta napakarami pang pamahiin.

It was my mom's idea. I even argued na moderno na ang panahon ngayon at hindi na uso ang pamahiin pero ginatungan pa ni Marcus si mama! Aba, natakot na baka malasin kami eh. Kinilig naman ako kaya heto ngayon, wala si Marcus dito sa mansyon kasi bawal nya ako makita ng buong araw.

I sighed. I miss him. Hindi na ko sanay na walang katabi talaga. Okay, hindi ko na to kaya!

Lumabas ako ng kwarto ko at  tinungo ang isang silid kung saan alam kong kinalalagyan ng mama nila Marcus. I stared at her for a while and smiled.

"Mahal ko po ang anak ninyo. Sobra. Salamat po." Iyon lang ang sinabi ko at pinunasan ko na ang luha ko. Sana andito sya para masaksihan ang kasalan namin. Sana nakilala ko sya ng personal upang makapagpasalamat ako at ibinigay nya si Marcus sa mundong ito.

Matapos iyon ay muli akong umakyat at tumungo sa isang kwarto. Kinatok ang isa sa mga kwarto. Walang sumasagot. Kinatok ko uli. Wala pa rin. Kinatok ko ng kinatok hanggang sa may magbukas.

His hair was messy tapos hindi pa maayos ang pagkakasuot nya ng sando.

"Natalia?" Nagtataka nyang tanong sakin.

"Ha? Ako? Si Natalia? Hindi! Hindi ah! Baka ako si Marcus." Loko kong sagot. Sinimangutan nya lang ako. Ngumisi naman ako sakanya. "Nakakaistorbo ba ko?"

Nagkamot sya ng ulo. Okay, I take that as a yes.

"Eh, dalian nyo na! Kukunin ko si Isabela." Sabi ko na ikinagulat nya.

The LeFevre Mafia (1): Sold to the Mafia Boss [PUBLISHED UNDER POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon