4

372K 8.7K 407
                                    

CHAPTER 4



"I-ikaw!" Yan lang ang tanging salitang lumabas sa bibig ko nang makaalis ang DOM. Hanggang ngayon ay halata pa rin sa mukha ko ang pagkabigla.



Hindi sya sumagot, sa halip ay nagsmirk lamang sya sakin.

"Y-you bought me.." Mahina kong sabi habang napapadiin ang pagkakahawak ko sa batok nya upang makakuha ng suporta dahil nangangatog ang tuhod ko. Nanghihina ako dahil ang lalaking antipatikong ito ang nakabili sakin! Itong lalaking ito ang pakikisamahan ko!

He even insulted me a while back!

"The one and only." Nakangiti nitong sabi habang idinidiin ako lalo sa kanyang katawan. Halos manlumo ako dahil sa sobrang lapit na namin sa isa't isa. Gusto kong magprotesta pero hindi ko magawa dahil sinisigaw ng isang parte ng utak ko na wag pumalag dahil pagmamay-ari ako nito. "Where did your guts go?" Pangungutya nito sakin.

I can't believe this! Magsasalita pa sana ako ngunit ay biglang nagsalita ang emcee.

"Ladies and gentlemen, it is about time to reveal the most powerful 10 in our society. Dance will proceed after." Dahil sa sinabi nya ng emcee na yun ay isa isa na kaming nagsipagbalikan sa aming tables.

Kung hindi ka isang keen observer, marahil ay masasabi mong walang nagbago, na parehas lamang ang aura ng lugar gaya ng kanina. But the place is far from what it looked like mula kaninang nagumpisa ang sayaw. Hindi ko alam kung paano biglang napalitan ng isang nakakatakot na aura ang paligid.

Napapalibutan ang kwarto ng mga lalaking malalaki ang katawan na pareparehas ang suot. Body guards? Securities? Lahat sila ay may seryosong mukha.

Ewan ko ba kung bakit nakaramdam ako ng takot at kaba. Anong meron?

Tinignan ko ang antipatikong kasabay ko ngayon na naglalakad papunta saming lamesa ngunit parang hindi naman sya bothered sa pagbabago sa silid.

"And now, to give appreciation to the society's top 10 most powerful, let's all give respect to the highest member of the Invincible Society's committee, the country's president himself, Mr. Alfonso Servantes-Cordova." Halos malaglag ang panga ko dahil sa pagkamangha.

Andito ang presidente! Oh my god! Sana ay may dala akong ballpen para man lang makahingi ako ng autograph! Or kaya camera or cellphone na may camera para makapagpapicture ako kasama sya! But wait, what?! Presidente? Dito? Ano bang meron dito sa Invincible Society na ito?


"Will you please close your mouth? Baka laway mo tumulo." Naibalik ako sa realidad nang naramdaman ko ang malaming na bulong sakin ng antipatikong katabi ko. Agad ko rin naman isinara ang bunganga ko. Damn! Talagang nakabuka nga ang bunganga ko! Nakakahiya! "So unladylike. Maybe not really worth twenty five million."


Natauhan ako sa sinabi nya ay agad agad akong bumawi. "If I am not worth your money, why bother wasting twenty five million just to have me?"

"Looks like hindi naman pala masasayang ang twenty five million ko para sa babaeng katulad mo. You play equally, I won't be bored." Muli nyang hinawakan ang bewang ko at inilapit ako sakanya.

"L-let me go! You.. you.. manyak!" I silently hissed in protest habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak nya sakin.

"Fesity. Just give up. Tanggapin mong akin ka. I bought you, remember?" Sagot nito ng pabulong sakin habang di pa rin pinapakawalan ang bewang ko. And it was as if he's kissing my ears!

The LeFevre Mafia (1): Sold to the Mafia Boss [PUBLISHED UNDER POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon