47

235K 4.6K 194
                                    

AN: Happy birthday @itskathleenamunoz =)

CHAPTER 47

I was definitely stressed out with my encounter with Cecil last night pero hindi yun enough reason para hindi pumasok sa unang araw ko sa trabaho. Wala naman talaga akong pinagkakagastusan ng malaki since bumalik ako dito sa Pinas but I still have to make money. Alangan naman na hahayaan ko na lang maubos yung naipon ko for four years? Of course, kailangan ko pa magpayaman.

"Alis na ako, ma." Pagpapaalam ko kay mama nang pasukin ko ang kwarto nya. She stopped reading her newspaper while having a sip of coffee. She looked at me and frowned.

"Edi mag-isa na lang ako dito?" Aniya.

Ngumisi ako. "You could always go shopping, may pera ka naman." Sabi ko habang naglalakad papalapit sakanya.

"Ano pa nga ba, kesa naman gardening eh aba ang dami na nilang halaman." She joked. I kissed her goodbye.

"Alright, alis na ko." Muli kong pagpapaalam.

It's already 8:30 in the morning and I am very sure na nasa opisina na si Marcus at ang kanyang aninong si Cecil. I reminded myself na sa opisina nya dumiretso upang klaruhin kung anong trabaho ko sa kumpanya. I wasn't oriented that much yesterday. I was on my way on the front door when I kind of stopped on my track when I realized what I was seeing – it was the car he gave me four years ago, and the same driver. He kept my car? I felt something in me but I chose to ignore it.

"Hi, manong." I greeted. He just smiled and then bowed at me. Wala pa rin talagang pinagbago, ganun pa rin ang protocol.

I sighed as we reached the company building. Marami rin palang pinagbago. I wonder if dun pa rin ang dati nyang opisina? When I entered, I was surprised I wasn't asked by the guard and the girl at the lobby. Hindi man lang sila nagtaka na wala akong ID or something? There were surely staring at me, hindi ko alam kung first time lang ba nilang makakita ng maganda o kaya naman ay nagulat sila kasi nagbalik na ako or baka naman nagulat sila kasi blonde na ako. Or maybe they know me or maybe namumukhaan pa nila ako kahit kulay blonde na ang mahaba kong buhok. Napaisip tuloy ako kung ibabalik ko pa ba sa kulay itim ang buhok ko. Ugh, but I love being blonde.

Agad akong pumasok sa presidential elevator – oo, VIP ako eh. Wala namang tumutol kaya napangisi na lang ako nang nakapasok ako sa loob. Sa loob ng elevator, I studied my appearance -  I was wearing my black corporate dress and my bright red pumps, my handbag was my favorite red Chanel, my long hair was tied up and of course, not to forget my very red lips. I raised my eyebrows up and smirked at myself as soon as I realized how good I look.

Ewan ko ba, I've been this vain ever since 'that' happened between me and Marcus. Oh well,  I just sighed.

When I reached the floor, nakita agad ako ng secretary nya. Hindi pa rin pala sya nagpalit ng secretary.

"Good morning, ma'am Natalia! It's really nice to see you back." Aniya while showing me a genuine smile. Sabi nya it's nice daw to see me back, sinabi rin kaya nya iyon nang bumalik na si Cecil a.k.a. Miss C dito? She's the controversial girl eh. Siguro sya na ulit ang bida dito.

"Good morning, puntahan ko boss mo ha?" Sagot ko sakanya. I saw protest and she was about to speak but I waved my hand at her to cut her off. Wala naman syang nagawa kaya nagdire-diretso na ako.

I was aware na nasa loob si din si Cecil. Aminado ako sa sarili ko na mataas ang chances na baka pag bigla kong binuksan ang pintuan ay may makita akong hindi kaaya-aya. At lalong alam ko na masasaktan ulit ako pag nakita ko silang dalawa. But then, I chose to wear my mask. I conditioned my facial muscles just to cover up my emotions. I have to look fierce and feisty just because when I am in my corporate dress, I am no longer Natalia – I am a queen and I require people to see nothing but royalty within me.

The LeFevre Mafia (1): Sold to the Mafia Boss [PUBLISHED UNDER POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon