8

336K 7.3K 341
                                    


Chapter 8

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin.

Black tight skinny jeans, while sleeveless polo blouse na nakatucked-in, 3-inch high wedge. Hair in a bun, check! Sa totoo lang ay nahirapan akong pumili ng isusuot ko. Eh pano, puro signatured ang nandito at parang napakapormal! Buti na lang at may mga pantalon din at medyo simpleng tops. Pero my gulay! Yung mga sapatos, lahat may takong! Jusko. Buti na lang at nakita ko tong semi-formal na wedge na to. Grabe lang.

Grabe lang talaga. Parang kakagraduate ko lang two months tapos ngayon mag-aaral nanaman ako. Jusko naman. Sawang sawa na ako maging estudyante. Napakatorture ng kurso ko. At isa pa, hindi ko alam kung saan ako mag-aaral, at yung laman nga ng bag ko ni hindi ko pa sigurado kung kumpleto eh. At eto pa ha, ang mga professors! Ayaw ko ng te-

"We're going to be late. Sumunod ka na sa baba. 5 minutes, Natalia." Ay jusko! Biglang may nagsalita kaya agad akong napalingon dito. Nakatayo ang antipatiko sa pintuan. Oo nga pala, ang mahiwagang pintuan.

Kasabay ng pagkagulat ko ay ay pagkakataon upang pagmasdan ito. Seryosong seryoso ito sa suot nyang itim na slacks at puting longsleeves na polo blouse. Omg. Terno kami!

Hindi ko maiwasan ang hindi matuwa nang napagtanto kong parehas kami ng suot. Hah! Ewan ko ba. Ang cute lang. Oo na, ako na mababaw.

"Are you just going to stare at me the whole time, Natalia? Grab your things at sundan mo ko sa baba." Aniya tapos ay sinara na ang pinto.

Nang naibalik ako sa huwisyo ay nagmadali kong kinuha ang bag ko. Halos tumakbo ako papunta sa hagdan pero nang nakita ko iyon, halos malunok ko na ang lahat ng laway ko. I'm wearing heels at kelangan madali kong babain ang engrandeng hagdan na ito!

And then an idea popped out!

Bakit ba hindi ko yun naisip agad.

Wala pang isang minuto ay narating ko na ang sahig. Woooh! Sa sobrang tuwa ko ay napatalon ako at napapalakpak.

"Why are you holding your shoes?" Panandaliang nawala ang saya ko nang marinig ko ang boses na yun. At ang masama pa, tinitignan nya ako ngayon na para akong isang baliw dahil wala akong suot na sapatos, hawak ko ang sapatos ko sa kamay and lastly, tumalon talon ako at walang sawang pumalakpak.

At dahil ayaw ko mapahiya, inirapan ko na lamang ito at muling isinuot ang aking mga sapatos. "Let's go na nga!" Pataray ko pang sabi habang nilalagpasan sya.

Pag dating ko sa malaking front door, isang luxury car ang nakapark sa harap ng mansion. Literal na napanganga ako sa ganda ng kotseng iyon!

Tinungo ni Marcus ang driver's seat, pero bago pa man sya pumasok, sinenyasan nga ang mga matitikas na lalaking nakasuot ng uniporme nilang black suit. Naalala ko ulit ang pangyayari ng mga gabing iyon.. ganon din ang suot ng mga taong pumalibot samin ni Marcus sa gitna ng dancefloor.

Marahil ay napansin nitong nakatanga nanaman ako kaya tinawag nya na ako. Kumaripas naman ako papasok ng sasakyan.

"Seatbelt."

Shit, masyado akong namangha sa kotse kaya nawala sa isip ko na aalis nga pala kami ngayon. Teka, kasama sya? "Bakit ako sasama sayo?" Nagtataka kong tanong sakanya. Kasi diba papasok daw ako ngayon?

"Ihahatid kita. You're going back to school, remember?"

"Oo nga pero hindi mo ako kailangang samahan. Hindi naman ako tatanga tanga para hindi marunong magbasa ng schedule! Alam ko kung pano maghanap ng rooms, o ng kung anong oras ang klase. Duh."

"Talaga?" Nakangisi nitong tanong.

"Hoy! Sumusobra ka na ha! Umalis ka na nga! Ipahatid mo na lang ako at ako na ang bahala sa sarili ko!"


"You are not yet enrolled, sasamahan kita dahil ako ang personal na mageenroll sayo." Halatang nagtitimpi na ito. Marahil ay nakukulitan na. Bwahahaha! Masukat nga kung gano kahaba ang pasensya ng isang to.

"Excuse me, buong college life ko, ako ang nageenroll sa sarili ko kaya alam ko kung papano." Katwiran ko nanaman. Ang sarap din talaga pikunin tong lalaking to. Masyadong seryoso eh. Hahaha.

"Strike two." Seryosong sabi nya. "Isa pang sagot mo sakin, Natalia, at pag hindi mo pa inilagay yang seatbelt mo, makakatatlong strikes ka na. Ready ka na ba maparusahan? Don't test my patience, Natalia." Malamig ngunit nakakatakot nitong sabi.

Namilog ang mga mata ko at halos malunok ko na ang lahat ng laway ko dahil sa takot at kaba. Pakiramdam ko ay naubusan ako ng dugo. It took me seconds bago makakilos at makapaglagay ng seatbelt.

Damn.

 Bakit ba kasi nagbackfire sakin yung plano kong inisin sya! Nastrike two tuloy ako. Kainis!

Tahimik lang kami sa buong byahe. Feeling ko kasi lahat ng salitang sasabihin ko ay ipahamak ako. Oo, ganito talaga kalakas epekto sakin ng strikes na yan. Bukod kasi sa matatakutin talaga ako, wala pa akong ideya sa kung anong klaseng punishment na yun tsaka hindi mukhang nagbibiro si Marcus. Isa pa, naalala ko ang sinabi ni Mama Rose.. maari nya kong protektahan o patayin dahil literal na hawak ni Marcus ang buhay ko.

Napagdesisyunan ko na lang na tumingin sa view. Ano ba to, hindi kaya mapanis laway ko dito? Nadako ang tingin ko sa side mirror ng sasakyan, may isang itim na kotse. Of course, body guards. Sino ba talaga tong Marcus Kier LeFevre na to at talagang may bodyguards ba? Bakla ba to? Hindi marunong ng self defense kaya kailangan pang may taga-bantay? Pfft. Tahimik akong natawa dahil sa naiisip ko.

Pumasok ang isang sasakyan sa isang napakataas(literal na napakataas dahil parang kasing taas ito ng isang bahay) at eleganteng itim na gate. Nagtaka pa ako kung pano kami nakapasok.. uhh.. duh? Automatic doors, malamang. Akala ko nga may mga guards na nagbabantay dun kaso ayun, parang magic, automatic nagbukas ang gate.

Kung namangha ako sa gate, hindi lang yun ang sinapit ko pagkapasok namin sa loob. Isang mahabang daanan na napapalibutan ng puno. Napakalilim ng lugar. May napansin din akong benches sa likod ng mga puno, para bang may park.

Siguro ay inabot din kami ng tatlo hanggang apat na minuto bago nag-iba ulit ang tanawin. Isang malaking arko na may elegante ngunit napakastrong apperance ang pagkakaimprenta ng mga salitang: LeFevre International.

The LeFevre Mafia (1): Sold to the Mafia Boss [PUBLISHED UNDER POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon