6

336K 7.5K 199
                                    

CHAPTER 6

Uhh..

Maliwanag.

Ano ba to! Natutulog yung tao eh. Itinaas ko ang comforter ko hanggang sa ulo ko tapos ay kinuha ko ang isang malambot na unan at tinabunan ang mukha ko. My goodess! Bakit ba ang liwanag? Ang sarap ng tulog ko tapos masisilaw ako sa liwanag na yan. Uhh!

Makabalik na nga lang sa pagtulog. Buti na lang at medyo malamig ngayon dito sa kwarto ko at ang lambot pa ng comforter at unan.

Uhmm..

Ha? Malamig sa kwarto ko? Comforter? Wait, kelan pa ako nagkacomforter at aircon sa kwarto?!

Agad akong napabalikwas ng bangon dahil narealize ko na hindi ko ito kwarto!

And what the hell! Confirmed, wala ako sa bahay. Goodness. Bakit ba ngayon ko lang naalala?

I was bought last night by Marcus Kier LeFerve. Yeah, right. Bought by a man which I am not so damn sure about! And what the hell! I already belong to that Invincible Society – which I do not know if I'm lucky or not!

Oh my god!

 

One thing na bumabagabag sakin ngayon ay kung nasan ba talaga ako! And sino ang nagdala sakin dito at sino ang nagbihis sakin!

Oh my god!

Hindi lang pala yan one thing! Three things pa!

"Miss Natalia?" Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang biglang may kumatok sa pintuan at tumawag sakin.

"S-sino yan?" Nanginginig kong tanong.

"Miss Natalia, pinapatawag na po kayo ni sir Marcus sa ibaba para mag-agahan. Pinapasabi po nyang dalian mo daw po at ayaw nyang pinaghihintay sya."

"A-ah! O-oo sige! S-sunod lang ako, magaayos lang ako kamo!"

My gahd! Medyo napawi naman ang kaba at takot ko. And thank goodness! Nasagot na ang tanong ko kanina. Andito ako sa bahay ng antipatikong bumili sakin at malamang sa malamang sya ang nagdala sakin dito. Hay salamat.

Siguro naman ay pinabihisan nya ako sa babaeng tumawag sakin kanina, diba? Hehehe.

Naghilamos ako at nagayos ng sarili ko tapos ay lumabas na ako ng kwarto.

Pero.. DAMN. Nakakalula!

Akala ko yung mansion kagabi ay masyado nang malaki pero eto? Doble pa ata sa laki! Hindi ako OA, talagang sadyang napakalaki lang. Halos malaglag ang panga ko nang inilibot ko ang mata ko. Nasa bandang gitna pala itong kwarto ko at ang distansya sa kabilang pinto ay.. oh my god! Napakalayo.

Naaninag ko ang hagdan malapit sa dulo ng kaliwang bahagi ng palapag. Siguro naman ang kusina ay nandoon sa ibaba, diba?

Habang naglalakad ako biglang may lumabas sa ikalawang pintuan mula sa kwarto ko. Isa itong babae na nakauniporme..? Ah, baka kasambahay?

Nilapitan ko agad ito at tinanong. "Ah, hi! Bisita kasi ako dito. Pwede malaman kung nasan ang kusina? Baka kasi maligaw ako eh." Tanong ko habang nagkakamot ng ulo.

Akala ko ay sasagutin nya ako pero hindi! Dinedma ako! Nginitian lang ako tapos nagbow sya tapos wala na! Umalis sya bigla.

What the hell was that? Bastusan lang? Uhh! No choice, nagpatuloy ako sa paglakad.

Pagkadating ko sa tapat ng hagdan, nalula nanaman ako. Ang taas! My goodness! Wala bang escalator dito or something? Pakiramdam ko mauubusan ako ng enerygy dito sa hagdan na to. Grabe, napakaagang exercise.

After 83094723982 years, sa wakas ay nakababa na ako sa napakaengrandeng hagdan na yun. Grabe lang. Paguran ang peg? Uhh!

Sakto namang naglilibot ako sa lugar habang nagbabakasakaling mahanap ang kusina ay may nakasalubong akong lalaki nakauniporme ng puting longsleeves na polo shirt, itim na slacks at itim na sapatos. Anong meron sa mga to? Grabe lang, talagang may uniform pa?

"Ah, kuya!" Ngiti kong tawag sakanya. "Nasan po ang kusina? Kuya paturo naman oh. Please" Pagmamakaawa ko na sakanya dahil kanina pa ako naglalakad at napapagod na ako pero hindi ko pa rin mahanap yang lintek na kusina na yan! Sabi pa naman kanina ng tumawag sakin ay hinihintay ako ni Marcus at ayaw nya sa lahat ay pinaghihintay sya. Nakakatakot kaya ang lalaking iyon.

Sa halip na sagutin ako ay ngumiti lamang ito. What the! Hindi ko kelangan ng ngiti. Kelangan ko ng sagot! Tumalikod ito bigla sakin at nagsimulang maglakad. Uhh! Dahil alam kong mawawala ako sa lugar na ito, sinundan ko na lamang ang lalaki.

Lakad lang kami ng lakad, hindi ko maiwasan ang hindi mamangha sa paligid. Tahimik kong pinagmamasdan ang disenyo ng bahay. Grabe. Ang daming paintings, may iilang abstract. Pero ang nakaagaw sa atensyon ko ay ang paintin ng isang babaeng siguro ay nasa edad trenta pataas. Batang bata pa ito tignan. Baka nga mid 30s ito. Kapansin pansin ang masayang ngiti nito sa mukha kahit nagiisa lamang ito sa painting. Kulay itim ang kanyang buhok at maputi ang balat. Itim ang bilugan nyang mata at may matangos na ilong. Napakaganda. Pero parang may kamukha sya. Pamilyar na pamilyar sakin ang mukha nya. Parang nakita ko lang kamakailan, hindi ko lang maa-

"Aray!" Medyo pasigaw kong sabi nang naramdaman kong nabunggo pala ako sa likod ng lalaking sinusundan ko. "Kuya naman eh, sana man lang winarningan mo ako na titigil ka diba, edi sana hindi ako nauntog, edi sana tumi-"

"Natalia." Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagtahimik ko. Ang boses na iyon.

Sumilip ako sa kanang braso ng lalaki at tama nga ako.. "M-marcus." Nanginginig kong bati sakanya.

Umalis bigla sa harap ko ang lalaki kaya naman eto, exposed na exposed ako sa antipatikong to.

Nagbow ang lalaki sakanya, agad naman tumungo si Marcus tapos ay umalis na ang lalaki. What the hell was that?

"You. Sit. Eat." Utos ni Marcus sakin. H-ha? A-ako daw? "Ano pang tinatayo tayo mo dyan? Pinaghintay mo ako ng matagal tapos ngayon tutunganga ka lang dyan? Umupo ka sa tabi ko at kumain ka." Utos nyang muli.

Kumaripas ako ng takbo at agad na umupo sa harap nito. My gahd. Long table pala ito na kasya ang 14 na katao. Pagkaupo na pagkaupo ko pa lang ay may lumapit na saking babae at naglapag ng pagkain ko.

"Uy, thank you!" Masaya kong sabi. Pero as usual, tipid na ngiti lang ang sinagot nya sakin. My gahd, anong meron sa mga tao dito?

Agad agad akong nakaramdam ng gutom nang makita ko ang nasa pinggan ko. Bacon, pancakes with mapple syrup, hotdogs and egg. At may orange juice pa. My goodness!

Agad kong binanatan ang pagkain ko. Ang sarap.

"Uy, thank you nga pala ha. Pero ano nangyari sakin kagabi?" Out of nowhere kong sabi sakanya nang bigla kong naalala ang kagabi.

"You passed out. Wag ka magpasalamat, talagang iuuwi kita dito. I bought you, remember?"

 

"Antipatiko." Mahina kong sabi.

"Strike one, Natalia. Dalawang strikes pa at hindi na talaga kita palalampasin." Aniya habang tinutuloy ang pagkain nya.

Nanatili na lamang akong tahimik at nagpatuloy sa pagkain.

"Are you done?" Tanong nya bigla habang umiinom ako ng orange juice.

Tumango ako bilang sagot.

"Good. Follow me." Tumayo na sya agad at ano pa nga ba, sinundan ko sya. Kesa naman mastrike 2 ako, diba?

The LeFevre Mafia (1): Sold to the Mafia Boss [PUBLISHED UNDER POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon