PROLOGUE

665 15 0
                                    

"Kamusta ang pinapagawa ko sa kanya? Is she done with it?" Tanong ng lalaking nakatalikod at nakatanaw sa may bintana.

Hindi makikilala ng kung sinuman ang lalaki sapagkat palagi itong nakamaskara. Maski ang alalay nito at mga tauhan ay walang ideya sa totoong itsura ng taong nag uutos at nagbabayad ng malaki sa kanila para sa mga illegal niyang gawain.

"Sino boss? Si Dr. Alana Perey?" Tarantang tanong ng alalay niya. Kapag nagsasalita kasi ito ay halos manginig ang kung sino dahil sa takot. He has that authoritative voice and aura. Nakakatakot magkamali ng isasagot rito.

"Istupido! Malamang! Sino pa ba? My jewel. Ang aking pinakakaingatang yaman. Siya ang magdadala sa akin ng napakaraming kayamanan." Tumatawa nitong sabi habang nilalaro ang dalawang may kalakihang bolang babasagin sa kanang kamay nito.

"Patuloy pa rin po siya sa pagdiskobre sa nawawalang bahagi ng formula ni Dr. Medrano, boss." Sagot ng alalay niya.

Huminga ng malalim ang lalaki na wari'y pinipigilan ang nag uumpisa ng pag alab ng damdamin nito. Nagagalit na naman siya dahil sa narinig niyang pangalan ng Dr. Medrano na iyon. "That asshole! Kung hindi niya lang sana ako niloko, kung hindi niya lang sana ako trinaidor, hinding hindi ko sana siya papatayin. But he didn't give me any choice. I lost trust in him. Pero ang pagkakamali ko lang ay hindi ko nakuha ang buong formula. He tore that piece of paper kung saan nakasulat ang formula niya. Kinain ng gago ang papel bago ko pa makuha sa kanya ito. And now, all I have is a part of it. Dinala ng hinayupak ang formula niya hanggang sa kamatayan." Hindi niya mapigilang maalala ang mga sandaling iyon. Iyong paghina ng kanyang negosyo dahil sa pagkawala ni Dr. Medrano.

"That's why I needed Dr. Alana. Maaaring siya na ang makakabuo ng formula. She's one of the best in that field. Magaling siyang chemist at tiwala akong magagawa niyang marediscover ang formula ni Medrano. Give everything that she needs. Kapag may inuutos siya sa inyo gawin ninyo kaagad. We have no time to waste. Maraming miyones na ang nasasayang. Natatalo na ako ng kalaban ko. Tingnan mo kung may improvement na sa ginawa niya."

Agad namang sumunod ang alalay nito sa utos niya at pinuntahan si Dr. Alana sa laboratory.

"Hello, Doc." Nakangiting bungad ng tauhan nito kay Alana.

"Hi. Is there anything you need?" Tanong ni Alana na hindi manlang tinitingnan ang kausap. Busy siya sa paghahalo ng kung ano-ano sa mga test tubes na nasa harapan niya.

"Ipinapatanong lang ni Mr. Stermon kung kamusta na po ang ginagawa ninyong antidote para sa sakit niya?"

"Hmmm. Maybe malapit ko na ring mabuo ang formula na ito. Bakit ba kasi nawala iyong dating gumagawa ng gamot ni Mr. Stermon? At para saan ba talaga itong ginagawa kong antidote? Para sa anong sakit? Hindi ko kasi magets ang formula na ito." Takang tanong ni Alana na itinigil ang ginagawa para harapin ang lalaking kausap.

"Naku, Doc. Eh hindi pa po ba nasasabi ni Mr. Stermon sa inyo kung ano ang sakit niya?" Alumpihit ito sa pagsasalita. "Huwag mo nalang pong banggitin na sinabi ko ha? Eh ayaw na ayaw kasi niyon na pinag uusapan namin siya. Si Mr. Stermon kasi Doc ay halos 35 years old palang. Pero po ang balat niya nasa 70 years old na. Ang bilis niya po kasing tumanda. Ng madiscover ng dating chemist ang lunas sa sakit ni Mr. Stermon at naibalik nito sa dati ang balat niya ay saka naman ito inatake sa puso. Nabura pa nito ang formula na naisulat niya sa white board kaya hindi malaman ni boss kung papaano niya mapapanatili ang pagkakaayos ng balat niya dahil naubos na ang supply. Medyo bumabalik na kasi sa dati ang kulubot sa balat niya."

Napatango-tango naman si Alana sa naging sagot nito. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit siya hinire ni Mr. Stermon. Anti-aging formula pala itong nirerediscover niya.

Imperfectly PerfectWhere stories live. Discover now