Chapter 3

275 7 0
                                    

"Ang laki naman ng bahay mo, Kuya. Sigurado mahal ang pagpapagawa mo nito no? Mga ilang kalabaw kaya ang kailangan naming maibenta para makabili din ako ng ganito kalaking bahay?" Tanong ni Alana kay Rio habang papasok sila sa magarang bahay nito.

Ang bahay ni Rio ay nasa isang subdivision. Exclusive subdivision ito para sa mga mayayaman sapagkat malamansyon na ang mga naglalakihang bahay rito. Malayo rin sa isa't isa ang mga kabahayan kaya't kampante si Alana na malayong mangyaring may makakakilala sa kanya sakaling magawi ang mga naghahanap sa kanya sa lugar na ito.

Maganda ang malamansiyon sa laki na bahay ni Rio. Simple lang kapag tinitigan mo ang exterior ng bahay mula sa malayo na napipinturahan ng itim at puti. Pero sa loob, ang ganda. Kumikinang na marmol ang sahig nito at ang pader na puti ay napapalamutian ng iba't ibang paintings na halatang mahal din ang pagkakabili. May malaking chandellier pa na nakasabit sa kisame. At ang mga kagamitan at muwebles ay halatang gawa sa ibang bansa kaya mamahalin din.

"Sobrang yaman mo pala, Kuya." Sabi ni Alana habang nakasunod kay Rio papasok ng bahay.

Hindi niya inaasahan ang pagtigil ng binata kaya napasubsob siya sa likuran nito at sa kamalas malasan ay sa magkabilang pisngi ng puwet pa ng lalaki nakatukod ang mga kamay niya. Mas matangkad kasi ito sa kanya at sadyang hindi prepared ang mga kamay niya sa pangyayari kaya huli na para itaas pa niya ito. Nasa puwet na ni Rio ang mga palad niya bago pa niya namalayan.

Napadiin ang hawak niya sa puwet nito ng subukan niya itong itulak para maiayos niya ang pagkakatayo. Nakasandal na kasi siya sa likod ng lalaki. Ang pisngi niya ay nasa likuran din nito.

"Ano ba, Dana. Nananantsing ka na ah." Asik nito sa kanya ng harapin siya nito matapos itong lumayo ng konti. Kamuntikan na siyang mapasubsob sa sahig kung hindi lang siya naging maagap.

Napangisi ang dalaga sa nakikitang reaksyon ni Rio. Namumula kasi itong parang kamatis.

"Ang lambot pala ng puwet mo, Kuya. Mas malambot pa yata kaysa sa puwet ko. Mas matambok pa yata iyong sa'yo kaysa sa akin eh."

Namula pa lalo si Rio sa narinig mula kay Alana.

"Heh! Stop it! Ikaw nga itong babae ikaw pa itong nanantsing. Ikaw pa may ganang manudyo diyan. Parang ikaw pa itong manyakis ah. Paaalisin na ba kita sa bahay ko? You're starting to annoy me." Sabi ni Rio sa galit na boses.

"Kuya, naman. Hindi na mabiro eh. Sorry na. May pagkain ba kayo diyan? Hindi pa ako kumakain ng breakfast at lunch eh. Gutom na gutom na ako." Nakangiting tanong ni Alana.

"Tss! Amo kita? Maghanap ka doon sa kusina. Huwag ako ang kulitin mo. Pagod ako. Maghanap ka na rin lang ng gusto mong tulugang kwarto. Marami diyan. At huwag mo akong pupuntahan sa kwarto ko kapag hindi kita tinatawag, matutulog ako at ayoko ng iniistorbo. Saka nga pala may show kami bukas sa isang mall sa Laguna. Iprepare mo lahat ng dadalhin kong gamit at damit. Iprepare mo rin pati ang isusuot ko bukas ng umaga. Ikaw rin ang maghahanda ng breakfast ko. Fruits and juice lang. Hindi ako kumakain ng rice sa umaga. And one more thing. Gisingin mo ako exactly 7 a.m. Walang labis walang kulang." Sabi ni Rio sabay talikod.

"Teka, Kuya. Hindi kayo magdidinner mamaya?"

"Kakain ako kapag gusto ko," sabi nito. "At siya nga pala, huwag mo sabi akong tawaging Kuya. Kapag narinig ko pa iyan mula sa'yo paaalisin na talaga kita sa bahay ko." Baling ulit nito sa kanya.

"Opo, Ku- Rio... Rio. Oo, Rio."

"Good." Sabi lang nito at umakyat na sa itaas.

Naupo sa sofa si Alana at tumingin tingin sa paligid. Nahagip ng paningin niya ang isang picture frame ni Rio. Graduation marahil nito sa college dahil nakatogang itim ito.

Imperfectly PerfectWhere stories live. Discover now