Chapter 40

163 4 0
                                    

"Ibaba mo na nga kami dito. Kaya na namin ang sarili namin." Pagbasag ni Rio sa katahimikan.

Nagulat si Alana ng pabiglang sumigaw si Rio matapos ang ilang minuto nitong pananahimik.

"Kaya? Sigurado ka? Kung hindi ako dumating, malamang sa malamang nakakulong na kayo doon. Or worst? They might hire someone to kill the both of you! Iyan ba ang sinasabi mong kaya ninyo?" Singhal naman nito kay Rio.

"And what? How can you help us? Ni wala ka ngang pakialam sa akin. Ni wala ka ngang pakialam sa nararamdaman ko! Why suddenly changed?" Namumula na sa galit si Rio. Parang bulkan na itong sasabog dahil sa pakikipagsagutan sa kanya ni 'Agent Franz'.

"I always prioritize what you need, Ralph Israel! Huwag mo akong kwestiyunin sa bagay na iyan!" anito habang patuloy pa rin sa pagmamaneho ng mabilis.

"Really, Dad? Really huh?! Never mo akong naging priority. You always do whatever you want for us. Hindi mo kailanman inisip kung ano talaga ang kailangan namin! Ni hindi mo nga ako tinatanong kung ano ba talaga ang gusto ko."

"Dad? Mag ama kayo?" Naguguluhang tanong ni Alana na kanina pa tahimik na nakikinig sa pag uusap ng dalawa. Palipat-lipat ang tingin n'ya sa dalawa pero wala manlang ni isang sumagot sa kanya at nagpatuloy lamang ang mga ito sa pagbabangayan.

"Shut up, Ralph! I always make sure na lahat ng pangangailangan n'yo naibibigay ko. Lahat ng dapat para sa inyo ginagawa ko!"

"Shut up? 'Yan nalang ba ang lagi mong sasabihin sa akin? Ano? Magiging sunud-sunuran nalang ba palagi ako sa'yo kahit hindi ko na nagugustuhan, Dad?"

"Is this still about Natalie? For goddamn sake, Ralph! That was 2 years ago. Hindi naman natuloy ang kasal n'yo ah. And besides there's someone you'll soon marry." Sabi pa nito.

Naaki ang mga mata ni Rio sa narinig. Ano'ng may papakasalan soon? Wala siyang ibang gustong pakasalan kundi si Alana.

"Stop the car! Ayan ka na naman sa pangongontrol mo, Dad!" Utos ni Rio dito.

"No! We're going home. Shut up or ibabangga ko 'to!"

Ito na ang mga salitang nagpatigil sa pagsagot-sagot ni Rio. Natahimik na ulit ang loob ng kotse hanggang sa makarating sila sa mansyon.

"My baby! Okay ka lang, baby boy?" Agad na sinalubong ng yakap si Rio ng mommy niya.

"Yes, mom. I'm fine." Sagot naman ni Rio.

Nabaling ang paningin ng mommy ni Rio sa kasama nila.

"You must be Alana? Pretty young lady. Bagay na bagay kayo ng anak ko." Nakangiting anito kay Alana.

"Salamat po, ma'am." Nahihiyang sagot naman ni Alana.

"Ano'ng silbi na bagay kami kung ipapakasal..." Sabad ni Rio.

"Yeah. I agree, Hon. Bagay na bagay nga sila. 'Di ba, balae?" Naputol ang sasabihin ni Rio ng magsalita ang Daddy niya.

Napalingon naman sila sa taong tinanong nito.

"But of course, balae. Siguradong magaganda at ang gagwapo ng mga magiging apo natin sa kanila." Sagot naman nito.

"Dad!" Sigaw ni Alana sabay takbo patungo sa mga ito. Agad niyang niyakap ang mga magulang. "Mabuti po at ligtas kayo."

"Aba syempre naman, anak. Ang galing yatang mang akyat bahay niyang nobyo mo."

Namumulang napatingin naman si Alana sa dako ni Rio. Pero wala sa kanya ang atensyon nito kundi sa daddy niya.

"What did you just say? Bagay kami ni Alana? Tapos tinawag mo pang Balae ang daddy niya?" Hindi nito mapigilang maitanong sa ama.

"Oh bakit? Hindi ba totoong ikakasal na kayo soon? Ano? Ipapahiya mo ang angkan natin? Wala sa lahi natin ang torpe at mababagal." Nakangiting anito.

Imperfectly PerfectWhere stories live. Discover now