Chapter 41

142 3 0
                                    

Malakas na lagabog ang nagpatayo kay Caevhen mula sa pagkakasandal sa headboard ng kama niya.

Medyo hirap siya sa pagtayo ng maayos dahil may tama pa ang drogang nahithit n'ya kanina lang.

Agad siyang napabalik sa pagkakahiga at napangisi sa sarili.

"Intruder. I don't have to worry. Patay naman na siya paggising ko." anito bago ipinikit muli ang mga mata.

Nakarinig siya ng putukan mula sa ibaba pero hinayaan na lamang niya. Wala siyang pakialam dahil heaven pa rin ang pakiramdam niya dahil sa droga. Nasa ibang dimension ang utak n'ya sa mga oras na ito.

Habang sa ibaba ay halos maubos na ng intruder ang mga tauhan ni Caevhen. Nasorpresa sila sa pagdating nito kaya wala ni isa mang nakapaghanda sa pag atake nito.

Puro tama ng baril sa dibdib o sa ulo ang nagiging dahilan ng pagkatumba ng mga ito ng wala nang buhay.

"Ito ang bagay sa inyo!"

"Ito ang nararapat sa inyo!"

"Mga tang*na n'yo!"

"Lubayan n'yo na ang mga kaibigan ko!"

"Magsama-sama kayo ng amo n'yo sa impyerno! Isusunod ko siya sa inyo!"

Ang maririnig na sigaw niya habang patuloy na ikinakasa at kinakalabit ang gatilyo ng baril n'ya na pumapatay isa-isa sa mga tauhan ni Caevhen.

Hapong-hapo at nanginginig ang kalamnan na napasandal ito sa naroroong pader ng masigurado n'yang ubos na ang mga tauhang nasa bahay na iyon. Napaluhod siya at napahagulgol kasabay ng pagkabitaw niya sa baril na hawak.

"Kinaya ko sila! Hindi ako natakot sa kanila." Natatawang anito habang patuloy sa pag agos ang mga luha.

Sobrang natakot siya kanina bago siya naparito. Aminado siyang isang damukal siyang duwag na palagi n'yang itinatago sa likod ng pagiging mayabang. Pero ngayon, para sa mga kaibigan niyang hindi pinapatahimik ng druglord na si Caevhen ay nagawa niya ito.

"Buhay pa ako! Naubos ko sila." Natatawa pa ring aniya habang tinitingnan ang mga napatay niya.

Nakahandusay sa iba't ibang parte ng bahay ang mga ito at naliligo sa mga sarili nitong dugo.

"Ngayon, Caevhen! Kailangan mo ng mawala sa mundong ito. Hindi dapat nabubuhay ang isang tulad mo."

Kinuha nito ang nabitawang baril at pumasok sa bahay. Dahan-dahan at sigurado ang bawat kilos nito. Ipinapaalala sa sarili na baka mayroon pang mga tauhang naiwan sa loob at armado rin si Caevhen. Hindi siya dapat maging kampante hangga't hindi n'ya napapatay ang animal na iyon.

"Yohoo! Caevhen!" mahina niyang sabi habang isa-isang binubuksan ang mga kwarto.

Nabuksan na niyang lahat ang kwarto sa 1st floor ng bahay pero wala si Caevhen. Nagdesisyon siyang umakyat pero dahan-dahan lang at baka sorpresahin din s'ya ni Caevhen kagaya ng ginawa niya sa mga tauhan nito kanina.

Ilang kwarto muna ang nabuksan niya bago n'ya nahanap ang kwartong kinaroroonan ni Caevhen.

"Andito ka lang palang hayop ka!"

Pumasok siya ng tuluyan sa kwarto habang nakatutok pa rin kay Caevhen ang hawak niyang baril.

"Caevhen!" Sigaw niya rito.

Hindi manlang ito natinag. Bagkus ay nanatiling nakahiga at hindi manlang gumagalaw. Wala rin yata itong planong labanan siya.

Nagtaka siya sa inaasal nito kaya lumapit siya lalo sa kinaroroonan nito.

"High amp*ta!" aniya ng makompirmang nasa ilalim pa ng espiritu ng droga si Caevhen. Nakangisi ito habang nakatingin sa kisame ang mga namumula nitong mata.

"Hindi ko ugaling pumatay ng kriminal na walang laban kaya gumising kang p*tang*na ka!" Sinampal-sampal niya si Caevhen hanggang sa mapansin siya nito. Natauhan yata kaya napabalikwas ng bangon.

"Jockey? Paano ka nakarating dito? Paano ka nakapasok sa kwarto ko?" Kunot-noong tanong nito ng makilala siya.

"Paano? Itanong mo sa mga wala mong kwentang tauhan! Nag iisa na nga lang ako hindi pa nila mapatay! Mga inutil! Maunahan ko tuloy sila! At ngayon? Ikaw na ang isusunod ko!" Nakangising singhal ni Jockey kay Caevhen sabay tutok ng baril n'ya dito.

"Jock! Pwede bang pag usapan natin 'to? Relax lang. Hindi ako lalaban. Wala akong baril oh." Nakangiting turan ni Caevhen sabay taas ng dalawang kamay sa ere.

"Pag usapan? Matapos ng ginawa mo kay Josh? Matapos ang pahirap na ginagawa mo sa mga kaibigan kong sina Rio at Alana? Wala na tayong dapat pang pag usapan, Caevhen! Dapat ka nang mamatay!"

"Jockey naman. Ano ba ang gusto mo? Ilang milyon ba? Ilang kilo ng droga ba? Naikwento kasi nina Justin at Jim na gumagamit ka rin. Ibibigay ko sa'yo lahat. Unlimited. Kahit ilan, kahit magkano pa ang kailangan mo. Huwag mo akong kalabanin. Marami kang makukuha kapag pumanig ka sa akin. Hindi kagaya kina Rio at Alana. Wala kang makukuha sa kanila. Mag isip ka nga. Tingnan mo, ikaw itong nagbubuwis ng buhay mo para sa kanila samantalang sila, nandoon. Nagpapakasaya sa kalayaang mayroon sila, nagtatawanan kasama ang mga pamilya nila. Samantalang ikaw? Andito. Nagpapakabayani para sa mga taong hindi naman naaappreciate ang tulong na ginagawa mo para sa kanila. Tinawagan ka manlang ba nila para alamin kung okay ka lang habang tumatakas sila?"

Natahimik si Jockey at halatang nag iisip kaya lihim na napangiti si Caevhen. Sigurado siyang papanig si Jockey sa kanya. Pero laking gulat niya ng tutukan siya ulit ni Jockey ng baril.

"Huwag mo akong utuin! Pare-pareho ka naming natakasan pero choice ko ang tulungan sila! Choice ko ang protektahan sila at choice ko ang patayin ka!"

Ipinutok ni Jockey ang hawak na baril pero mabilis na nakailag si Caevhen. Galit na galit na agad niyang sinugod si Jockey. Nagpambuno sila at nahawakan ni Caevhen ang baril na hawak ni Jockey. Nagpupumilit na agawin ni Caevhen ang baril pero mahigpit din ang pagkakahawak rito ni Jockey.

"Bi-ti-wan mo ang ba-ril! Ha-yop ka! Ma-ma-tay ka na!" May diing ani Jockey sabay suntok kay Caevhen sa panga ng isa nitong kamay.

Pero wala talagang balak bumitaw si Caevhen. Hindi nito ininda ang nananakit na panga at gumanti ng suntok kay Jockey gamit ang isa ring kamay. "Ikaw ang bumitaw, hayop ka rin!"

Sa ilong ito tinamaan kaya kaagad na umagos ang masaganang dugo mula rito.

Nagpalitan ng suntok ang dalawa habang ang tig-iisang kamay ng mga ito ay nakahawak pa rin sa pinag aagawang baril.

"Bitawan mo sabi eh!"

Aksidenteng nakalabit ni Jockey ang gatilyo ng baril kaya napatigil sa pag aaway ang dalawa at nagkatinginan.

Napatingin sila pareho sa mga katawan nila pero ng masiguradong walang tama ay nagsuntukan ulit at nagpagulong-gulong.

Ang hindi nila napansin ay natamaan ng bala ang lampshade kaya pumutok ito. Nagspark ang kuryente nito at nakalikha ng apoy na gumapang sa naroroong mga unan at kama.

Napatigil ang dalawa sa pag aaway ng mapansin ang pag init ng paligid at paglaki ng apoy sa kwarto. Nadamay na pati ang malaking kabinet sa gilid ng kama at iba pang kasangkapan na pwedeng gapangan ng apoy.

Nagpupumiglas si Caevhen at sinipa si Jockey kaya napahiga ito sa sahig. Akmang lalabas ng kwarto si Caevhen para iligtas ang sarili ng pigilan siya ni Jockey. Todo kapit si Jockey sa paa ni Caevhen kaya pinagsisipa siya nito. Pero nakahanap ng paraan si Jockey para patumbahin ito kaya kapwa na sila napahiga sa sahig.

Nagsuntukan ulit sila at kahit kapwa na nagdudugo ang mukha ay sige pa rin sila sa pag aaway. Hindi iniinda ang lumalaking apoy.

At ilang saglit pa ay hindi inasahan ng dalawa ang nangyari. Nahulog ang kisame na gawa sa makapal na plywood at kahoy.

Kapwa natamaan ang dalawa sa ulo at nawalan ng malay. Kapwa hindi na magawang iligtas ang sarili sa apoy na tumutupok sa kwarto.

Imperfectly PerfectWhere stories live. Discover now