Chapter 26

128 5 0
                                    

Kinapa ni Alana sa puso niya kung may nararamdaman ba siyang galit sa nalaman pero wala. Nananatiling buo ang paniniwala niyang hindi si Mr. Stermon si Rio.

"Baka...baka may naglagay lang nito sa bag niya ng hindi niya nalalaman."

Imbis na gisingin si Rio, ipakita rito ang mga dokumento at mga pictures at pagpaliwanagin ay pinulot niya ang mga ito, inayos at ibinalik sa bag. Inisip niyang huwag magpahalatang nakita niya ang mga iyon. Magpapanggap siyang wala siyang nalaman at wala siyang nakita.

"Alam ko sa puso ko na hindi ikaw si Mr. Stermon. Kung ikaw man, i'll grab this opportunity na mapagbago ka. Hindi kita susukuan hanggang sa magbago ka. Alam kong kaya ko pang ituwid ang landasin mo sakaling nagkamali ka."

Naghanap siya ng maisusuot nito, binihisan niya ito at humiga na sa tabi nito at natulog.

***
Nagising si Rio na masakit ang ulo. Bigla siyang napabalikwas ng bangon at tiningnan ang paligid. Nangunot ang noo niya ng malamang nasa kwarto na siya at umaga na, samantalang ang huli niyang naaalala ay nakipag inuman pa siya sa mga mangingisda sa may dalampasigan.

"Sino kaya ang nag uwi sa akin dito? Hmmm. Si Clarisa siguro. Kaming dalawa lang din naman ang magkasama eh."

Napatingin siya ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto nila.

"Gising ka na pala." Nakangiting mukha ni Alana ang bumungad sa kanya. May dala itong isang tray ng pagkain.

"Himala. Kinausap ako. Nakangiti pa. Maganda yata ang gising nito o tapos na 'yong buwanang dalaw." Naisaisip ni Rio.

"Sino'ng nag uwi sa akin dito?"

Tinitigan muna siya ni Alana at inilapag sa lap niya ang tray ng pagkain.

"Wala kang naaalala?" Umiling siya at tinitigan ang inilapag nitong tray. May hotdogs, itlog, fried rice, kape at isang malaking bowl ng lugaw.

"Inakay ka ni Clarisa hanggang sa labas ng bakod. Hindi ka niya kinayang ipasok dito kaya tinulungan ko na."

Umupo ito sa tabi niya at kinuha ang kutsara. Sumandok ng lugaw at hinipan bago inilapit sa bibig niya.

Kunot noo niyang tinitigan ito at ang lugaw sa kutsara. "Ano kaya ang nakain nito? Bakit kaya biglang bumait? Nalasing lang ako nagbago na. Aba dapat siguro araw araw akong makipag inuman doon sa mga mangingisda ah." Natatawang ani Rio sa isip.

Isinubo na lamang niya ang inilahad nitong lugaw.

"Salamat. Sorry na rin kasi i'm sure naging pabigat ako sa'yo kagabi. Ang sarap naman ng lugaw ni Nana Ameng." Puna ni Rio ng subuan siya ulit ni Alana.

"Hindi ako ang nagluto niyan, Hijo. Si Dana ang nagluto ng meryenda mo." Sabad ng kakapasok lang na matanda. May dala itong isang baso ng malamig na tubig. "Naiwan mo doon sa kusina, Hija. Mabuti nalang at may binili kayong maliit na pridyeder. Hindi na dadayo pa sa kabilang bayan para bumili ng yelo."

Inabot ng matanda kay Alana ang tubig at nagpaalam na itong lumabas.

"Wow. Ikaw pala ang nagluto nito? Kaya pala masarap." Nakangiting ani Rio.

Kinuha na niya rito ang kutsara at siya na ang sumubo.

"Gusto mo?" Iling lamang ang sinagot nito habang nakatitig sa kanya ng matiim na wari'y may malalim na iniisip.

"May problema ba, Alana?" Untag ni Rio dito.

"Marry me, Ralph." Halos lumabas na sa ilong ni Rio ang lugaw ng masamid siya dahil sa sinabi nito. Napaubo tuloy siya.

"Okay ka lang ba? Ito tubig oh." Agad naman niyang ininom ang tubig na bigay nito at ng umayos na ang pakiramdam niya ay hinarap niya itong muli.

"Nagbibiro ka ba, Alana? Wagas din kung makapagtanong eh. Aatakihin ako sa puso sa'yo." Biro pa niya.

Imperfectly PerfectWhere stories live. Discover now