Chapter 9

200 5 0
                                    

"Stop staring at her!" Saway ni Rio sa sarili. Kanina pa kasi hindi mahiwalay ang titig niya kay Dana na kasalukuyang naglalalangoy sa infinity pool.

"Haist! I don't like this feeling. I'll never fall for someone that's way too imperfect for me. What the hell is happening with you, Rio? Nag iiba na ba ang taste mo?" Tanong niya sa sarili.

Nanlulumong napaupo siya sa beach chair na nakaharap sa dako ni Dana. Titig na titig pa rin siya dito at hindi niya mapigilang ipagkumpara ito sa babaeng matagal na niyang namimiss.

"She could never be her. Hindi talaga pwedeng maging si Dana iyong babaeng iyon kahit pa sabihing may similarities sila." Nasabi niya sa sarili habang inaalala ang taong iyon.

Naalala niya si Alana Perey kay Dana. She's his classmate and close friend back in Elementary and High school.

"I really miss you, Alana." Naibulong niya sa hangin.

"I miss your perfect smile, iyong hindi ko rin mapigilang mapangiti kapag nakikita kitang ngumingiti. Nakakadala kasi. That pretty face of yours that I really admire kahit pa sabihing naitatago iyon ng chubby cheeks mo. And, your expressive eyes underneath your nerdy glasses. It makes me imagine the future of us, together forever."

Napabuntong hininga si Rio.

"Kung hindi lang sana nangyari iyon. Kung naging malakas lang sana ako at naipagtanggol kita, hindi sana tayo nagkahiwalay. Everything that I do now makes me do it for you. Being a gym buff, doing mix martial arts, muay thai, boxing and kick boxing, karate, taekwondo, pati pa nga target shooting ginagawa ko na these past years. Ayoko nang magkamali at maulit ang nakaraan. Iyong wala manlang akong nagawa just to save you. Ang lampa ko kasi noon. Pero ngayon sigurado na akong kapag nagkita tayo wala nang sinuman ang makakapanakit sa'yo because i'm fit to protect you. At isa sa dahilan kung bakit pinasok ko ang show business ay para malaya akong makapunta sa iba't ibang sulok ng daigdig. Nagbabakasakaling magkita tayong muli."

Napatanaw siya sa mga ulap. Para bang biglang nagkahugis at nagkakulay ang mga ulap sa langit sa kanyang paningin at nabuo ang imahe ni Alana noong huli niya itong makita. "Hay! Maraming babae sa mundo, Alana. Sobrang dami. May almost perfect na sa sobrang perfect, madalas ay may nagmamay ari na at 'yong iba ay naghihintay pang mahanap sila, ng mga kagaya ko. I always wished for the perfect one pero parang pinaglalaruan yata ako ng tadhana. Ito sobrang imperfect pa na kagaya ni Dana ang iniharap sa akin ng tadhana. Hmmm. Ewan ko ba, sa dami ng babaeng nakasalamuha ko, hindi kita ni minsan man nakalimutan. You were once my perfect girl. Siguro nga you still is the epitomy of perfection for me, Alana. Ikaw kasi ang ginagawa kong batayan sa paghahanap ko ng 'the perfect one'. Na sana kasing talino mo siya, kasing bait mo siya, kasing gaan mo siyang kasama, iyon bang nasasakyan niya ang trip ko kagaya mo. Iyong sobrang positive and a goal seeker kagaya mo, iyong sobrang down to earth at maawain sa kapwa kagaya mo. You never learn how to fight at hindi ka naghangad ng masama sa kapwa mo kahit pa nagkasala sila sa'yo. You are simple yet so perfect. Kagaya mo ang hinahanap kong babae, Alana. I don't even care about the physical appearance that much though I must admit na mahilig rin akong tumingin sa magaganda. Its the perfection within one's self. Iyon ang madalas wala sa mga babaeng nasa paligid ko. Some have the beauty, some have the brains, some may have both but they lack the heart that you have, Alana."

Napainom nalang ng kape si Rio at kinalma ang mabilis na tibok ng puso niya. Palaging ganito ang nararamdaman niya kapag naaalala niya si Alana. "Walang sinumang babae ang nagpadama sa akin ng ganitong klaseng pagtibok ng puso, Alana. Iyon bang kinakabahan ako na naeexcite, na natutuwa, na parang kinukurot at kinikiliti ang puso. Ikaw lang. Corny man o OA pero that's how I feel whenever I remember you. Magpakita ka na naman na sa akin oh." Hiling ni Rio sa hangin.

Imperfectly PerfectWhere stories live. Discover now