Chapter 11

199 5 0
                                    

"Don't me, Josh. Parang hindi ka naman bakla sa mga kilos mo at galaw eh." Pagdududa pa ni Alana habang nakatingala kay Josh. Mas matangkad kasi ito sa kanya.

"Hindi talaga." Sigaw ng isipan ni Josh pero hinding hindi iyon lalabas mula sa bibig niya. He wanted Alana to stay away from Rio. Kung magtitigan kasi ang dalawa ay alam ni Josh na may something, may spark, meron pang damdaming itinatago ang dalawa para sa isa't isa na kagaya ng nakita niya noong high school palang sila. Noon, ipinagwalang bahala niya lang kasi they are too young for that stuff, pero ngayon na they are 23 and they have a stable state of mind, masasabi ni Josh na hindi nawala ang tinatago nilang pagmamahal para sa isa't isa kahit pa sabihing hindi alam ni Rio na si Dana at si Alana ay iisa.

"Why sisteret? Do I have to look like a gay and act like a gay to be considered a gay? Actually, hmmm... I don't want you to go near Rio kasi I'm inlove with him."

Nakita niyang namilog ang mga mata ni Alana at sumungaw ang napakatamis na ngiti sa mga labi nito.

"Ah kaya. So paano pa kita pagkakatiwalaan na hindi mo ako ihuhulog sa hagdanan o lulunurin sa tubig kapag namasyal tayo gayong inlove ka kay Ralph na dikit na dikit naman sa akin ngayon?" Hindi nakasagot si Josh. Parang mali pa yata ang napili niyang alibi ah. "Joke! Sige. Magmula ngayon, sayo na ako didikit. Maiiwasan nang malaman ng iba ang sekreto ko, maiiwasan pang mahulog ang loob ko kay Ralph. Hindi kita aagawan ng fafa. Promise."

Nakahinga ng maluwag si Josh sa naging sagot nito. Nakangiti niyang inakbayan si Alana at naglakad na sa hallway para hanapin ang kwarto niya.

"Pasok ka. Umupo ka lang muna diyan sa couch. Magbibihis lang ako at alam kong kanina pa naiinis iyong si Rio. Ayaw na ayaw niyon ang pinaghihintay." Sabi niya kay Alana at naghalungkat ng maisusuot sa bag bago pumasok sa banyo.

Bumalik ito suot ang isang itim na printed beach shorts at black sando kung saan kitang kita ang matigas nitong mga muscles.

"Witwew! Akala ko ba bakla ka, sister? Eh ikaw yata ang kukuyugin ng mga bakla eh. Ang macho mo, te." Kinikilig kilig pang sabi ni Alana habang humahalakhak.

"Haist! Ang ganda niya talaga lalo na kapag tumatawa. Kahit pa siguro totoong bakla ako magkakagusto talaga ako sa kanya." Naisaisip ni Josh.

"Tsk! Pinagdiskitahan mo na naman ako. Tara na nga. Naghihintay na si fafa Rio." Agad niyang inakbayan si Alana hanggang sa makalabas sila ng kwarto. Imbis na pumalag ito sa pagkakaakbay niya ay lalo pa itong humawak sa bewang niya kaya lalong napangiti si Josh. "Pwedeng pwede akong magpanggap habang buhay kung ganito ka lang kalapit palagi sa akin, Alana."

Nakaakbay si Josh kay Alana hanggang sa makarating sila ng lobby. Nakita ni Josh ang agad na pagtayo ni Rio ng malingunan sila nito.

Agad na humakbang papalapit sa kanila si Rio pero titig na titig pa rin ito sa kanya na wari'y babalatan siya nito ng buhay.

"Bakit ang tagal n'yo? At bakit ka nakaakbay sa kanya?" Maangas na tanong ni Rio sa kanya sabay hila kay Alana para mapunta sa tabi niya.

"She's my PA at wala kang karapatang akbay-akbayan lang siya basta basta." Sabi pa nito sabay akbay kay Alana.

Nagkatitigan silang dalawa ni Alana at nakita niya ang confusion sa mga mata nito. "Ganito ba talaga kalakas ang dating ni Rio sa'yo Alana? Bakit parang ang bilis mo lang bumigay sa kanya gayong iba naman ang sinasabi mo. Kitang kita na hindi mo siya mahihindian." Napabuntong hininga si Josh sa isiping iyon.

"Eh sa nagbihis pa nga ako 'di ba? Saka hindi naman siya nagrereklamo sa pag akbay ko sa kanya ah. Dana, baby, come here. Huwag ka d'yan sa monster na 'yan."

Akmang lilipat si Alana sa tabi ni Josh ng mariin siyang ikinulong ni Rio sa mga yakap nito. Nakita ni Josh ang sobrang pamumula ng dalaga.

"Dito ka lang, Dana. I'm your employer at dapat sa akin ka lang didikit. Understand?" Malumanay na tanong ni Rion kay Alana habang nakayakap pa rin dito ang mga kamay niya.

Imperfectly PerfectWhere stories live. Discover now