Chapter 20

154 5 0
                                    

"Why don't you just focus on me, Hon?"

Nagulat si Alana ng marinig ang boses ni Caevhen mula sa likuran niya. Iniwan na siya ni April para sundan si Rio at ipaliwanag ang totoong nangyari at kung bakit suot niya ang singsing na bigay ni Caevhen gayong hindi naman siya omoo dito. Naiwan siyang nakatitig sa kawalan at iniisip ang nararapat niyang gawin. Sobra rin kasi siyang nasaktan ng makitang may ibang kasama si Rio.

"Vhen, I told you hindi na nga kasi kita mah..."

"Shhh..." He stopped her. Ayaw na marinig ni Caevhen ang sasabihin ni Alana dahil alam na naman niya kung saan papatungo ang usapan nila. "As i've told you, ako lang ang dapat mong mahalin, Alana. Focus on me. Isipin mo kung paano mo ako minahal noon. Don't think about other guys."

Niyakap ni Caevhen si Alana mula sa likod. Mahigpit niya itong niyakap para ipadama sa babae kung gaano niya ito kagustong manatili sa buhay niya.

Napabuntong hininga na lamang si Alana at hinawakan ang kamay ng nobyo.

"I'm lucky to be a part of your life, Caevhen. Mabuti kang tao, sweet, understanding, mabait at mapagmahal. Iyan 'yong quality ng lalaki na hinahanap ng isang babae sa isang boyfriend. Sorry, Vhen. Sorry talaga. Hindi ko kayang maibalik sa'yo ang pagmamahal na ipinapadama mo sa akin sa araw araw. Pero... I'm giving you up, Vhen. Sorry."

Agad na tinanggal ni Alana ang pagkakayakap ni Caevhen sa kanya at hinarap ito. Kinuha mula sa daliri ang diamond ring na bigay nito ng nakaraang gabi at inilagay sa palad ng lalaki.

"No! Hindi ako papayag, Alana. No!" Sinubukang ibalik ni Caevhen kay Alana ang singsing na ibinigay nito.

"I hope you can find that perfect girl for you. Iyong magagantihan ang pagmamahal na inaalay mo. Makakakita ka rin ng babaeng deserving na makatanggap ng singsing na 'yan lalo na ng pagmamahal mo. I'm sorry, Vhen." Agad siyang naglakad palayo dito.

"Alana! Let's fix this! Mag usap naman tayo oh. Hindi ako papayag na makipaghiwalay ka sa 'kin. Alana!" Sigaw ni Caevhen.

Hindi na siya pinakinggan pa ni Alana. Bagkus ay mabilis siyang tumalilis paakyat ng kwarto niya. Samantalang, naiwan si Caevhen na nakatanaw sa kanya habang nakakuyom ang mga kamao.

Hindi alam nina Alana na sa may hindi kalayuan ay nakita nina April at Rio ang nangyari.

"See that? She returned the ring. Kasi nga totoo ang sinabi ko sa'yong hindi siya omoo. Tinanggap lang niya iyong singsing dahil napilitan lang siya. Nagpromise naman daw kasi iyong lalaki na maghihintay sa maging sagot ni Alana, na saka na siya ooo kapag ready na siya. Pero nakita mo naman na ibinalik. Talagang ikaw na ang mahal niya, Rio." Sulsol ni April.

Hinarap siya ni Rio ng may pagtataka. "What's your purpose in doing this, April? Ano ang makukuha mo sa pagtulong mo kay Alana?

"Hmmm. Sabihin na nating ito ang way ko ng paghingi ng sorry sa kanya, sa inyong dalawa. Kasi aaminin ko, I had been a witch. Kamuntikan ko pang ipahiya sa karamihan si Alana pati na ikaw. Naging matapobre ako at mapanghusga sa paningin ng nakararami." Paliwanag ni April.

"So pinapabango mo lang ang pangalan mo sa media kaya mo ito ginagawa? Bilib din talaga ako sa'yo, April." Napapailing na ani Rio.

"Do you see the media? Hindi, 'di ba? I said its just my way of saying sorry. Gusto ko lang makabawi sa ginawa kong pagkakamali. Hindi naman siguro masama 'yon no? Haist! Kaysa nakikipag argue ka sa akin, bakit hindi mo nalang sundan si Alana? Go! Say sorry and win her!" Utos ni April sabay tulak kay Rio papasok ng hotel.

Napatitig si Rio kay April at ngumiti. "Salamat."

Kaagad niyang sinunod ang utos ni April na puntahan si Alana sa kwarto nito at suyuin.

"Ganyan nga Alana at Rio. Magpasalamat kayo sa akin. Pagkatiwalaan n'yo akong dalawa. Sige lang. Mahulog kayo sa bitag ko. Lalo na ikaw, Alana." Nakangising turan ni April sa sarili habang nakatanaw sa papalayong si Rio.

***
Mga katok sa pintuan ng kwarto ni Alana ang nagpatahan sa kanya. Nakadapa siya sa kama habang umiiyak. Hindi nga lang siya sigurado kung ano ang iniiyakan niya, kung ang pakikipagbreak niya ba kay Caevhen o ang pagkakaroon ng bagong girlfriend ni Rio.

Lalong lumakas ang pangangatok sa pintuan kaya walang nagawa si Alana kundi ang magpahid ng luha at tumayo para buksan ang pintuan.

"Sino..."

Hindi na natapos ni Alana ang sasabihin ng sibasibin siya ng halik ni Rio. Nanlaki na lamang ang mata niyang nakatitig sa kawalan habang nagpapakasasa ito sa paghalik sa mga labi niyang hindi alam kung papaano gagantihan ang mapusok na halik nito gayong hindi niya pa alam kung paano makipaghalikan.

Hinihingal na napatigil si Rio sa paghalik kay Alana na para bang inakyat nito ang 17th floor na kinaroroonan ng kwarto niya gamit lamang ang hagdanan.

"Ano'ng ginagawa mo dito, Ralph?" Tanong ni Alana sabay talikod dito at naupo sa kama niya.

Kaagad namang isinara ni Rio ang pinto at sinundan si Alana. Lumuhod siya sa harapan nito.

"I'm here to say sorry." Inirapan ni Alana si Rio.

"Sorry for what?" Pagalit na tanong ni Alana.

"Alana, naman eh. Sorry na. I know i've been unreasonable in doing that." Sinubukang gagapin ni Rio ang kamay ni Alana pero agad nitong inilayo ang mga kamay at humalukipkip.

"In doing what, Ralph?" Pagmamaang-maangan pa ni Alana sabay taas ng kilay.

"Hay! Kausapin mo naman ako ng maayos oh." Napasabunot si Rio sa buhok sa pagiging cold ni Alana.

"Ako ba kinausap mo ng maayos? Kung makahalik ka nga diyan 'di ka manlang nagpapaalam eh." Mas tinaasan pa niya ito ng kilay.

"Haist! Oo na. Sorry na. Eh aaminin ko nagalit ako bigla ng makita ko iyong singsing na nasa kamay mo kagabi. Kaya ako nagligpit kaagad ng gamit at naglipat ng kwarto. Pero d'yan lang naman sa kabila eh. At si Laureen? Wala lang iyon. Nakilala ko lang din kaninang umaga." Paliwanag pa ni Rio habang nakahawak sa mga balikat ni Alana.

"Nakilala kaninang umaga tapos ipapakilalang girlfriend? Grabe ka, Ralph." Pumiksi naman si Alana at lumayo ng konti.

"Sorry na nga eh. Galit lang ako kaya ko nagawa iyon. Maski si Laureen nga nagulat ng ipakilala ko siyang girlfriend ko. But I already apologized to her. Now its time for me to apologize to you, Alana. I'm sorry. I really am." Lumapit naman si Rio sa kinaroroonan nito habang nakaluhod pa rin.

"You aren't sorry, Ralph. Lalo mo lang ipinaramdam sa akin na hindi mo nga ako kayang ipaglaban. Na kaya mo akong gantihan ng mas masakit kapag nasaktan kita."

"Sorry na talaga, Alana. Sorry. Hindi ko intensyon iyon. Ano ba ang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako?"

"Wala. Doon ka na sa Laureen mo." Nakahalukipkip na ani Alana.

She heard him chuckle. Tumayo ito at inilabas ang maleta niya. Napatda siya ng pinagsisilid nito sa maleta ang mga damit niyang nasa built in closet.

"Anong ginagawa mo sa mga damit ko, Ralph? Bakit mo nilalagay sa maleta? Hindi pa naman tayo aalis ah. Magsistay pa kaya tayo dito ng mahigit isang linggo bago pumunta sa Bohol para sa show ninyo doon."

Habang sinisilid ni Rio sa maleta ang mga gamit ni Alana ay inilalabas naman ito ng dalaga pabalik ng closet.

"Just sit in there please. Wala akong gagawing masama sa mga gamit mo." Nakangiting turan Rio at iginiya pabalik sa kama nito si Alana at ipinagpatuloy ang pagliligpit ng mga gamit niya sa maleta.

"Saan ba tayo pupunta at nililigpit mo na ang mga gamit ko? Lilipat ba ako sa bago mong kwarto?" Takang tanong ni Alana.

"Nope. But you're coming with me. Itatanan na kita."

Imperfectly PerfectWhere stories live. Discover now