Chapter 38

131 3 0
                                    

"Magtulog-tulugan ka. May papalapit na mga yabag. Huwag na huwag kang didilat kahit na anong mangyari, kahit na ano pa ang marinig mo." ani Alana sabay pikit ng mga mata.

Bumuntong hininga si Rio at ginaya ang ginagawa ni Alana. Nagtulog-tulugan na rin siya. Eksaktong pagpikit n'ya ay may pumihit ng doorknob at may mga yabag na lumapit sa kamang kinaroroonan nila.

"Success, dude." Narinig ni Rio na sabi ni Jim saka naghigh-five ang mga ito.

"Sabi sa'yo gagana eh. Kanina pa kasi gutom ang mga iyan." sagot naman ni Justin.

"Tawagan mo na si Caevhen. Siya na ang bahala kina Rio. Ayokong mainvolve rito. Droga lang ang kailangan ko." turan ni Jim.

"Ako rin naman eh. Kung hindi lang tayo ginigipit ni Caevhen. S'ya lang naman kasi ang supplier na kilala natin. Mahirap nang magtiwala sa iba lalo na at mga kilalang tao tayo sa industriya. Mahirap ng matigil ang bisyo ko, tol. Hindi ako nakakatulog 'pag hindi nakahithit eh." Sabi pa ni Justin.

"Kung hindi lang sana dumating ang babaeng iyan sa buhay ni Rio ayos ang buhay natin. Alam kong seryoso na ang tang*nang 'yan d'yan sa babae. Mawawalan na 'yan ng carreer kapag nagpakasal sila at tayo? Damay tayo, tol. Mawawalan din tayo ng trabaho at hindi na natin masusustentuhan ang bisyo natin. Mabuti at nag offer sa atin si Tonyo. Ilang milyon din ang ibibigay nila sa atin pati na ilang taong supply ng droga. Hindi tayo mauubusan, tol." Tawa ng tawa si Jim na halatang high na sa droga.

"Bakit hindi ko agad napansin na pati sila mga adik na pala? Si Josh nalang pala ang matino kong kabanda pati si Jockey na napatigil ko na rin. Pero hindi ko alam kung buhay pa si Jockey ngayon. Alam kong may ginawa na ang dalawang ito sa kanya." bulong ni Rio sa sarili. Galit na galit na siya dahil kaya palang ipagpalit ng dalawa ang pagkakaibigan nila para sa droga.

"Itatawag ko na lang kay Caevhen itong lugar ni Rio. Tara na. Umalis na tayo. 'Di rin naman magigising ang mga iyan hanggang mamaya eh." Sabi ni Justin.

Nakarinig si Rio ng mga papalayong yabag at pagsarado ng pinto. Ilang sandali pa ay tunog ng kotse ang narinig nilang papalayo.

"Mga hinayupak! Mga walang kwentang kaibigan!" Sigaw ni Rio ng masiguradong wala na ang mga 'kaibigan' n'ya.

"Hindi ito ang oras para magwala ka, Rio. Tara na. Umalis na tayo dito. Siguradong nakatawag na ang mga iyon kay Caevhen. Kailangan na nating makalayo dito bago pa man siya dumating." Sabi ni Alana.

Napahinga na lamang ng malalim si Rio bago kinuha ang backpack na may laman na mga gamit at pagkain.

Kaagad silang bumaba para sana kunin ang motor para lang mapaatras.

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Jim. Nakatutok na sa kanila ang baril nito. "I knew it. Hindi namin kayo basta-basta maiisahan. Ang hirap din kung sobrang matatalino ang kalaban mo kailangan mong maging mas matalino kaysa sa kanila. Ika nga, matalino man ang matsing napaglalangan din." nakangising anito habang nilalaro sa kamay ang hawak na baril.

Agad nag-isip si Rio. Hindi sila pwedeng mahulog ulit sa kamay ni Caevhen. Sigurado siyang papatayin na sila nito. Sa klase ng pagkatao ni Caevhen hindi ito natatahimik kapag hindi nakakapaghiganti sa mga tumatraidor sa kanya, hindi ito napapalagay kapag may nakakaisa sa kanya.

Itinapon n'ya kay Jim ang bag na hawak sabay sunggab dito. Pero nagkamali siya ng tantya dito. Malakas din pala ito at kahit na nahulog ang baril na hawak nito ay nakuha pa rin s'ya nitong igupo. Nagpambuno sila pero natalo siya nito. Nahawakan nito ulit ang baril at itinutok sa kanila.

Agad na dinaluhan ni Alana si Rio at hinila ito para makalayo kay Jim.

"Tama na, Jim. Hindi na kami lalaban." ani Alana sabay pagitna sa dalawa.

"Hindi kayo lalaban?! Talaga lang ha? Wala akong tiwala sa inyo! Mga madugas kayo. Hala! Lumuhod kayo! Ilagay n'yo sa batok n'yo ang mga kamay ninyo."

"Hayop ka, Ji..."

"Ralph, 'wag! Sumunod nalang tayo." Pigil ni Alana dito. Akma kasing tatayo si Rio para sugurin ulit si Jim.

"Eh kung barilin nalang kaya kita! Tiyak na mas malaki ang ibabayad sa akin ni Caevhen." anito habang nanlilisik ang mga mata at akmang kakalabitin ang gatilyo ng baril na nakatutok sa kanila.

Napapikit naman ang dalawa at hinintay ang pagputok ng baril na hawak ni Jim.

Pero imbis na putok ng baril ay pagbagsak ng katawan ni Jim sa sahig ang narinig nila.

Napadilat kaagad sila at nakita nila si Jockey na may hawak na tubo habang nakatunghay sa walang malay na si Jim.

"Jock! Buhay ka!" bulalas ni Rio sabay tayo.

"Aba syempre naman. Masamang damo yata ito." Nakangising sagot ni Jockey habang nilalaro pa sa kamay ang tubong ipinanghataw niya kay Jim.

"Akala namin may ginawa nang masama sa'yo sina Jim." Itinayo ni Rio ang nahihirapang si Alana. Masakit pa rin ang katawan nito dahil sa pambubugbog ni Caevhen.

"Kamuntikan na. Mabuti nalang at nagtiwala ako sa kutob ko. Imbis na kainin ang ibinigay nila, ang ginawa ko ay nagkunwari lang akong kumakain pero iniluluwa ko rin kapag hindi sila nakatingin. Nagkunwaring nakatulog din sa kwarto kaya hinayaan na nila ako." Paliwanag nito

"Hay! Mabuti nalang pareho kayo ng naging kutob ni Alana. Nakaligtas tayo dahil d'yan. Tara na, dumiritso na agad tayo sa mga pulis. Mahirap na at baka maabutan pa tayo ni Caevhen dito." sabi ni Rio sabay bukas ng pinto.

Agad namang sumunod si Jockey at Alana sa kanya. Kinuha ni Rio ang kotse sa garahe at agad na pinatakbo ng makasakay na ang dalawa.

"Hindi ito ang daan papuntang police station, Rio." Puna ni Jockey ng ibang direksyon ang tinahak ng kotse nito.

"I know. Iikot tayo. Kailangan nating mailigaw sina Caevhen sakaling masundan nila tayo. May alam akong alternative route patungong presinto." Napatango-tango na lamang si Jockey at patingin-tingin sa rearview mirror para makasiguradong walang sumusunod sa kanila.

Tahimik lamang silang tatlo habang nasa byahe. Ilang minuto pa at nagbalik na sila sa ruta na patungo sa presinto.

"Malapit na tayo." Nakangiting sabi ni Rio. Kinapa sa jacket niya ang usb na ibinigay ni Joshua at ng masiguradong nandoon pa rin ay nagconcentrate na ito sa pagmamaneho.

"Sana naman wala ng maging aberya hanggang sa makapagsumbong na tayo sa mga pulis." ani Alana habang palinga-linga pa rin kagaya ni Jockey.

"Wala na 'yan. Andito na tayo." Sabi ni Rio.

Nagpark ito at sabay-sabay silang bumaba sa sasakyan.

"May irereport po sana kami." ani Rio ng nasa front desk na sila.

Sinipat sila ng police na nasa front desk. Eksakto namang tumunog ang telepono kaya sinagot muna nito bago sila binalingan. Tumayo ito imbis na kunan sila ng pahayag.

"Pasensya na po, sir. May emergency po. May kailangan lang kaming respondihan. Pwede po bang maghintay muna kayo dito?"

Hindi na ito naghintay sa sagot nila at inaya na ang ilan pang pulis na nasa presinto para umalis. Ang naiwan namang police ay busy sa pagsagot ng telepono kaya hindi rin nila makausap.

"Maghihintay nalang ba tayo dito o aalis muna?" Tanong ni Jockey.

"Dito nalang muna tayo. I'm sure babalik din kaagad ang mga pulis." sagot naman ni Rio.

"I hope this is not another trap." ani Alana.

Imperfectly PerfectWhere stories live. Discover now