Chapter 16

143 4 0
                                    

Nanlumo si Rio ng malaman niyang boyfriend pala ni Alana ang dumating. Sa tingin n'ya ay hindi na siya kailangan nito ngayon kasi nasa harapan na nila ang lalaking tunay na nagmamay ari sa puso ni Alana. Kaya pala hindi siya masagot-sagot nito. Taken na pala ang babaeng minamahal niya.

"Ganoon ba? I wasn't informed na may boyfriend na pala siya. But now I know so I better leave you two alone. Baka may pag uusapan pa kayo." Agad na tumalikod si Rio pagkasabi niyon. He don't want anyone to see him shed tears, lalo na si Alana. Nagbabadya na kasing pumatak ang mga luha nito at ayaw niyang kaawaan siya ng dalaga dahil doon.

"Ralph..." Tawag ni Alana mula sa likuran niya.

"I'll be fine, Alana. Maybe, i'll be needing some extra space for now. May susi ka naman ng kwarto. Baka kasi hindi ako makauwi mamaya." Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito at mabilis na tumalilis palabas ng hotel.

Naiwang nakatanaw si Alana sa papalayong si Rio. Napabuntong hininga nalang na hinarap niya si Caevhen.

"How did you know that i'm here?" Walang kagana-ganang tanong niya rito.

"What's with the tone? Didn't you miss me, Hon?" Nakangiting tanong nito saka siya niyakap. Walang nagawa si Alana but to submit to his doctor-boyfriend.

Pero magkaganoon man, hindi niya maiwasang maipagkumpara ang yakap nina Caevhen at Rio. Pareho lang naman silang huggable at mainit yumakap. Pero 'yong hug ni Caevhen parang may kulang para kay Alana. Hindi niya alam kung ano ang kulang pero mas gusto niya ang yakap ni Rio. Feeling safe at protected siya dito.

Kaagad na kumalas si Alana sa pagkakayakap ni Caevhen.

"I-I didn't expect you to be here." Hindi kayang sabihin ni Alana na namimiss niya rin ang nobyo. Magsisinungaling lang siya dito kapag sinabi niya iyon.

Napabuntong hininga ito sa naging sagot niya. "I can sense na may problema. Hindi ka ganyan sa akin noon, Alana. Everytime we see each other, ngiti ang salubong mo sa akin unlike today. I travelled my way here just to see you. Nag aaalala kasi ako. You're mom called me at sinabing pinaghahanap ka ng employer mo. You stole millions of money from them kaya daw maniningil sila. They want their money back, Alana."

Nanlaki ang mga mata ni Alana sa narinig. Ni sa panaginip ay hindi siya naghangad nakawin ang pinaghirapan ng ibang tao. Binabaliktad siya ni Mr. Stermon at sigurado siya doon.

"Nagkakamali ka, Caevhen. Its not true. Sinabi lang nila iyon para lumabas ako sa pinagtataguan ko. I'm innocent." May diing sagot ni Alana sa nobyo.

"Alana, hindi naman ako naniniwala eh. Pero siguro tamang umuwi ka na at ayusin ang gulong ito. Sasamahan kita. Kung nagastos mo na ang perang sinasabi nilang kinuha mo, I can lend you the money that they need. Babayaran natin sila at ng matahimik na ang mga taong iyon."

She slap him. She slap him hard on the cheek na ikinabiling ng ulo nito. Nasapo ni Caevhen ang mukha niyang sinampal ni Alana.

"Hindi ka naniniwala yet you want me to show up and pay for that stolen money they are talking about? Nagpapatawa ka ba, Caevhen? Naririnig mo ba ang sarili mo? Its as if you are telling me na akuin ko ang kasalanang hindi ko naman nagawa. What kind of a boyfriend are you? Pinapatunayan mo lang sa akin na tama itong nararamdaman ko."

Galit din na tumitig si Caevhen kay Alana dahil sa pananampal nito sa kanya. "Hindi ako bumyahe ng malayo para sampalin mo lang, Alana. Concern ako sa'yo kaya ako naparito. Alam mo bang ilang araw na kitang hinahanap? Noong tinawagan ako ni Josh na magpapatulong daw siya sa problema na kinakaharap mo natuwa ako, kasi sa wakas ay makikita na kita. Pero he lied to me. Sinabi niya sa akin na hinahanap ka rin n'ya kaya nalungkot ulit ako dahil hindi pa pala kita makikita. But that didn't stop me from looking for you in every possible place you may go kasi ayaw kitang mapahamak. Maaari ka nilang gawan ng masama sakaling makita ka ng employer mo. Gusto lang kitang isave. Gusto kong matapos na itong gulong ito. Kaya kung kailangan na bayaran nalang natin iyong sinasabi nilang ninakaw mo, gagawin natin just for you to be safe. Money is never an issue to me. Mas importante ang kaligtasan mo. Sinubukan ko lang pumarito ng tumawag ako kay Josh. Nagbaka-sakali na nagsisinungaling lang siya sa akin at magkasama talaga kayo at mabuti nalang na sinunod ko ang instinct ko. Don't worry, iniligaw ko ang mga sumusunod sa akin sa Manila palang. Hindi nila ako nasundan dito." Paliwanag nito.

Imperfectly PerfectWhere stories live. Discover now