Chapter 5

207 5 0
                                    

Pumasok sa kwarto ang lalaking kasing-tangkad at kasing-katawan ni Rio. Iyon lang, mukha itong mas seryoso at mas maputi, mestisuhin ang dating kasi may lahing Amerikano. Kaiba kay Rio na maputi nga pero medyo singkit ang mata na nagbibigay dito ng Asian look.

"Bro, nauna ako sa'yo." Nakangiting bati ni Rio sabay tayo para makipagfist-bump dito.

"Traffic sa dinaanan ko eh." Nakangiti din nitong sagot sabay tapik sa likod ni Rio.

Halatang close ang dalawang lalaki. Bukod kasi sa magkaedad ang mga ito ay magkababata rin at magkaklase mula Elementary hanggang High school. Noong College lang sila nagkahiwalay dahil sa Amerika nag-aral si Rio at nagbalik na lamang sa Pilipinas matapos nitong grumaduate ng College.

Natuon ang paningin nito kay Dana at sandaling nangunot ang noo niya. Pero agad ding itinago ng kanyang mga ngiti ang pagtataka na rumihistro sa mukha niya.

"Oh, Josh, meet my new PA, Dana Perez. Dana, ito ang best buddy ko, si Joshua Thompson." Pakilala ni Rio sa dalawa.

"Hi. Nice to meet you po, sir Joshua." Bati ni Dana pero nananatiling nakayuko.

Tinitigan ng mabuti ni Josh si Dana. Nilapitan niya ito at nakipagkamay siya sa dalaga. "Its nice to meet you, Dana. Napakamahiyain mo naman. Sana magtagal kang kasama namin. At kung may gawin sa'yong kabulastugan itong si Justin at Jockey magsumbong ka lang sa akin ha?" Sabi nito sabay tapik sa ulo ni Dana.

Parang nakahinga ng maluwag si Dana sa tinuran ni Josh. Nawala ang agam-agam sa puso niya. Akala niya ay nakilala na siya ng lalaki. Mabuti at hindi naman pala. Nakatulong ang ilang taon nilang hindi pagkikita lalo na at nag iba na rin ang itsura niya ngayon.

"Salamat po, sir Joshua." Nginitian nalang din niya ang lalaki.

"Ahem. Hindi pa nga dumidiga itong si Rio, mukhang sinusulot mo na agad, pareng Josh, ah. Ang bilis din eh." Pang aasar pa ni Jockey.

"Hindi ko gusto si Dana no. Magtigil ka nga, Jockey. Hindi siya ang perfect girl for me." Pagdedepensa ni Rio sa sarili.

O sadyang pinapaniwala niya ang sariling wala nga talaga siyang nararamdaman kay Dana. Pero ang totoo ay may damdamin siyang umuusbong pa lamang na pilit na niyang sinusupil bago pa nito tuluyang balutin ang systema n'ya.

"Perfect girl, ha? O virgin na pwedeng iharap sa dambana? Mukha namang virgin itong si Dana ah. 'Di ba, Dana?" Pang aasar pa nitong si Jockey.

"Hey! Stop that, Jock. Its not funny. Hinihiya mo na itong babae. It's so disrespectful of you. Ano naman kung ayaw ni Rio sa kanya? I like her. Kung ayaw ni Rio, akin si Dana. Okay ba 'yon, bro?" Sabi ni Josh sabay kindat kay Dana.

"Of course not. She's my PA." Mabilis na sagot ni Rio.

"Hahaha! Ayaw niya daw oh. Pero ayaw din namang pakawalan. Magpakatotoo ka nga, bro. You like Dana." Sulsol pa ni Justin.

"Hindi nga kasi!" Singhal ni Rio dito.

Tok tok tok...

Agad silang natigil sa pagkakantyawan at pagbabangayan ng may kumatok sa pinto ng dressing room.

"Tawag na po kayo,mga boss. Sa dance studio daw po muna. Mamaya pa daw kayo sa recording at may gumagamit pa."

"Sige. Susunod na kami." Sagot ni Rio dito.

"Pakikuha mo 'yong white t-shirt at 'yong stretchable na black pants d'yan sa bag ko. Magbibihis lang ako." Utos nito kay Dana.

Agad namang naghalungkat ang dalaga para hanapin ang kailangan nito.

"Ito na, Rio. Ito rin 'yong towel mo." Iniabot ni Dana ang mga gamit n'ya dito.

"Thanks. Dito ka nalang maghintay, Dana. Diyan lang naman kami sa kabila," sabi nito kay Dana. "Tara na, bro. Hindi ka ba magbibihis?" Baling nito kay Josh na nasa tabi pa rin ni Dana nakaupo hanggang ngayon.

Imperfectly PerfectWhere stories live. Discover now