Chapter 7

207 4 0
                                    

"Alam mo, Dana? Bakit kaya hindi tayo mauna na sa Palawan? Its Thursday tomorrow at wala naman na kaming show until this weekend na sa Palawan na nga. I want to unwind hangga't may pagkakataon. Sulitin natin ang dalawang araw. Nakakapagod din ang magtrabaho kaya kailangan ko ring magrelax kahit konti." Napatingin si Alana sa katabi niyang si Rio.

Nakapikit ito habang hinihilot ang sintindo na wari'y pagod na pagod sa ginawa nito buong maghapon.

"Nakakaubos din marahil ng energy ang pagsasayaw ng ilang oras." She concluded.

Hindi kagaya niya na utak lang ang gumagana at kakaunting galaw lang ang ginagawa kapag nasa laboratory. Pero kagaya nito, hindi rin niya maiwan iwan ang trabaho. Halo dito, halo doon. Research dito, research doon. Minsan nakakabagot din pero iniisip nalang din niya ang end result, ang makabuo ng mga formula ng mga gamot na makakatulong pa lalo sa pagpapabuti sa kalusugan ng tao.

"Hindi kagaya ng pinagawa mo sa akin, Mr. Stermon. Hindi ka makatao. Makasarili ka! Balak mo pang gamitin ang isang inosenteng kagaya ko sa mga maiitim mong plano. I want to help the people, not crush them and destroy their future. Kaya pagbabayarin kita, Mr. Stermon. Hindi ko hahayaang patuloy kang makasira ng pamilya at kinabukasan ng dahil sa drogang iyan!" Nanggagalaiting turan ni Alana habang hawak ng mahigpit ang manibela at nakatingin ng diretso sa daan.

"Dana, are you with me?" Untag ni Rio sa kanya.

"Ah ha? O-oo naman. Iniisip ko lang kung magdadala ba ako ng swimsuit. Parang hindi ko rin naman kasi magagamit kasi puro istreets marks ang tiyan ko. Hahaha!" Palusot pa ni Alana. Kapag naaalala kasi niya si Mr. Stermon nawawala talaga siya sa kasalukuyan. Gustong-gusto na talaga niyang maipakulong ang taong iyon.

"Tss! Kung maraming stretch marks 'yan, huwag na. Baka masuka pa ako." Naiiling na sabi ni Rio.

"Ay grabe s'ya sa akin oh. Mag iimpake na po pagdating sa bahay, boss. Gusto ko rin naman pong mag skimmy beeping sa Palawan." Nakangiting baling ni Alana dito.

"Ano'ng skimmy beeping? Baka skinny dipping." Pagcocorrect niya pa sa sinasabi nito.

"Ah. Hihihi. 'Yon na nga po ang sabi ko, Kuya." Nakangiting baling nito kay Rio.

"Tsk! Sayang. Ke ganda-gandang babae, may pagkaslow din. Akala ko pa naman childish lang siya. Mukhang ingot din ang isang ito ah. Hay! Hindi pala talaga siya para sa akin." Naiiling na sabi ni Rio sa sarili.

"Nakakatuwa ka naman, Ralph. Imbis na pagtawanan mo ako, ikinocorrect mo lang. Ang sarap palang magtanga-tangahan minsan. Hmmm. I guess i'll love doing this for now. Nakakagoodvibes naman pala ang magbiro sa taong ito. Ang cute niya lalo." Nakangiting turan ni Alana sa sarili. "Ops! Did I say cute? Naa! May boyfriend na ako ngayon. At ayokong magkasala. I should really keep my thoughts to myself."

"Excited na po ako, Kuya. Malaki po ba ang dagat doon?" Untag niya rito. Natahimik na naman kasi si Rio.

"Well, yes. Malaki naman. Gusto ko nga sanang maglibot sa Puerto Princesa the last time that we were there pero as usual kapos na naman sa oras. Trabaho ang pinunta namin at hindi bakasyon." Pagpapaliwanag pa nito.

Natutuwa talaga si Alana kay Rio. Hindi manlang ito nagbago despite of everything. Iyong kayamanan, kasikatan, kagwapuhan...lahat na yata ng 'K' nasa kanya but he remained grounded and down to earth. Lalo tuloy siyang humanga sa pagkatao ng kababata.

"Ano pong meron sa Puerto Princesa, Kuya? Dagat pa rin naman yata ah." Inosenteng tanong nito.

"Underground River ang madalas puntahan ng mga tao doon."

"Anderground reber?" Tanong ni Alana.

Nakita niyang napangiti si Rio.

"Hindi anderground reber. Its un-der-ground ri-ver. Ayoko na ngang iexplain sa'yo. Hindi mo rin naman magegets eh. Hindi kasi ako magaling magdescribe. Puntahan nalang natin. Basta maganda d'yan. Papasok tayo ng kweba." Sagot ni Rio sa kanya habang nakangiti.

Imperfectly PerfectWhere stories live. Discover now