Chapter 22

138 4 0
                                    

"Boss, nasa Davao po sila. Sa isang maliit na baryo malapit sa dagat." Balita ni Tonyo sa amo ng tawagan siya nito dakong hapon.

Napangisi si Mr. Stermon sa narinig mula sa alalay niya. "Really? Mas pinili pala nilang magpunta at magtago sa ganyang lugar? Good. Mas malayo mas maganda. Mas malayo sa mata ng mga taong nakakakilala sa kanila at sa press kaya mas madali ang pagpatay kay Alana Perey. Nakasunod pa rin ba kayo sa kanila hanggang ngayon?"

"Yes, boss. Nakadisguise sila pero wala po silang kawala sa pagbabantay namin. Mula airport ay nasundan namin sila hanggang dito sa bahay na tinutuluyan nila ngayon. Nakatulong po ang private plane ninyo kaya kahit na hindi kami nakasakay doon sa eroplanong sinakyan ng dalawa ay nauna pa kaming dumating dito sa Davao para masubaybayan sila. Ano, boss? Kailan namin itutumba si Alana?" Excited na tanong ni Tonyo na ngayon ay pasilip-silip sa siwang ng bintana sa bahay na inupahan nila. Katapat lamang ito ng bahay na kasalukuyang tinutuluyan nina Alana at Rio.

"Huwag muna, Tonyo. Let them live kahit kaunting oras pa. Hayaan muna natin silang magpakasaya at ng isipin nilang nakawala na sila sa paningin ko, sa paningin ni Mr. Stermon. Hahaha! Lalo na si Alana. I want her to be inlove head over heals with Rio bago natin pasabugin ang inihanda nating show para sa kanila. Good job, Tonyo. Such a good job." Nakangising anito habang nilalaro sa kamay ang stage ball na hawak.

"Salamat, boss. Tumawag lang po kayo sakaling may iutos kayo ulit. Siya nga po pala. Huwag po kayong mag alala kay April Barredo. Hawak ko po sa leeg iyon. Saka isa din siya sa magpapatunay na si Rio at ikaw, este si Mr. Stermon ay iisa."

"Good. Mabuti ng may back up plan tayo kaagad, Tonyo. Tuso din iyang si Alana kaya kailangan pulido ang niluluto nating sorpresa para sa kanya. Tatawag nalang ulit ako." Pinatay na niya ang cellphone at tumanaw sa bintana.

"Pasensya ka na Rio kung ikaw ang magiging pain ko kay Alana. Step by step, Mr. Stermon, step by step. Makukuha mo din ang Alana na iyan. Lalo na ang formula na nasa kanya."

Nakangising inalala ni Mr. Stermon ang ginawa niyang plano. Kinasabwat niya ang alalay niyang si Tonyo para magawa iyon.

"Kung hindi man agad ako magtagumpay, may mga tao namang magpapatibay na si Rio at si Mr. Stermon ay iisa na siyang ikakasira ng paniniwala mo sa lalaking mahal mo, Alana, at iyon ay si Josh. Pahihirapan ko ang loob mo kagaya ng paghihirap kong mahanap kita at mabawi ang formula na dapat ay sa akin."

Pinaimbestigahan ni Josh ang tunay na pagkatao ni Mr. Stermon. Pero nahuli ng mga tauhan ni Mr. Stermon ang taong umaaligid sa mansion na nagsisilbi niyang laboratoryo ng droga. Umamin ang nahuli nila na nakasubaybay ito sa mga nangyayari sa mansyon para malaman ang tunay na pagkakakilanlan ng druglord. Pero siguradong mabibigo rin ito dahil nakamaskara palagi si Mr. Stermon at maski na si Tonyo ay walang ideya sa tunay na itsura ng amo niya. Kaya kahit na magkadaupang-palad pa sila, magkakiskisan ng siko o magkabungguan sa daan ay hindi rin siya makikilala kahit ng kanang-kamay niya.

Pinapatay ng mga tauhan ng totoong Mr. Stermon ang umaligid sa mansyon at pinadala kay Josh ang pekeng resulta ng imbestigasyon na magtuturo kay Rio bilang siya. Kaya ang iisipin ni Josh ay traidor ang kaibigan niyang si Rio at ito ang hinahanap nilang druglord na nagtatangka sa buhay ni Alana.

"Magugulat ka nalang sa magiging laman ng backpack mo, Rio. I hope you discover it first, Alana, para mas mapadali ang mga plano ko. But if not, an alternative plan will be on its way. Mas magiging exciting ang laro nating dalawa, Alana." Nakangising ani Mr. Stermon.

Hindi siguro namalayan ni Rio na iba na ang laman ng isa niyang backpack until this very moment. Earlier kasi ay inutusan ni Mr. Stermon si Tonyo na palitan ang nilalaman ng isang backpack na dala ni Rio. Imbis na mga damit ay mga kopya ng dokumento na pinirmahan ni Alana bilang kasunduan nila sa binubuong formula pati na mga latest picture ni Alana sa Palawan, mga pictures ng parents niya at mga activities ng mga ito ang laman ng backpack. Samantalang ang naiwan sa hotel ay ang mga damit ni Rio at ang itinanim na droga, maskarang kagaya ng suot ni Mr. Stermon at stage ball na kadalasang hawak nito na siyang ibinigay ng inutusan nilang room attendant para ibigay kay Josh.

"At ikaw naman, April Barredo. Dahil sa pagiging mukhang pera mo nasisigurado kong malaki ang maitutulong mo sa akin, magtagumpay man ang plano ko o hindi. Kung magtagumpay mas mainam pero kung hindi? Sa'yo ko ipapaako ang lahat ng kasalanang nagawa ko. Hahaha!"

Noong una ay talagang binalak lang ni Mr. Stermon na gamitin si April para nakipaglapit kay Alana at ng mahanap nito ang formula sa gamit ng dalaga. Pero alam niyang tuso si Alana at hindi ito basta-basta magtitiwala lalo na sa taong may nagawang pagkakamali sa kanya.

Tama ang ginawa ni April sa paglalapit kay Rio at Alana pero laking gulat niya ng magreport ang tauhan niyang magkasamang umalis ang dalawa. Doon na niya pinasundan ang dalawa hanggang sa makarating ang mga ito sa Davao. Doon na mas nabuo ang plano niya. Mas naging madali ang lahat para sa kanya.

"Hahaha! Ang saya naman nito. Malapit na rin naman tayong magkita, Alana. Just enjoy every moment na masaya ka. Sisiguraduhin kong magiging unforgettable para sa'yo ang kamatayan mo. Makakapagrelax ako habang hinihintay ang tamang oras. See you soon, Alana. Hahaha!"

***

Imperfectly PerfectWhere stories live. Discover now