Chapter 10

178 5 0
                                    

"Can you please take that off, Dana?" Naiinis na sabi ni Rio kay Dana ng nasa kwarto na sila at nagbibihis ito.

Actually kanina pa siya inis dito. Inis dahil sa kabalahuraan nito pero mas naiinis siya dahil kanina pa siya pinagpapawisan ng malapot lalo ba kapag naaalala niya ang ayos ni Dana kaninang kumakain ito ng breakfast. Parang sinisilaban ang buo niyang pagkatao lalo na ang pagkalalaki niya dahil sa nakabuyangyang nitong kasexyhan kanina. Halos sumungaw na kasi ang pintuan ng langit sa pagkakataas ng paa nito kanina. Pero hindi lang iyon. Iyong makinis nitong mga hita at maputing singit ay sapat na para mag init siya.

"Problema mo, Kuya? Eh ganito naman ang get up ko pagpunta natin dito ah? Okay lang naman sa'yo tapos ngayon galit ka d'yan."

Simpleng white tshirt lang ang suot ni Alana kung saan lutang na lutang ang kaputian niya, naka-maong pants lang din ito at sneakers. Nakakacap na rin siya ulit at thick glasses.

"Problema ko? Eh ayan, balot na balot ka. Kanina talop na talop ka." Sabi pa nito habang nakairap kay Alana. "Kanina pinapag init mo ako, ngayon 'yong ulo ko na 'yong nag iinit dahil sa suot mo." Bulong pa ni Rio.

"Ano ika mo, Kuya? May sinasabi po kayo?" Tanong ni Alana na halata namang inaasar lang ito. Dinig na dinig niya ang sinabi ni Rio at natatakot na siya sa nangyayari.

"I'm doing everything I can just for you to be disgusted and disappointed of me pero baliktad yata ang nangyayari. Its as if ipinapagkanulo ko pa sa'yo ang totoo kong pagkatao. Hay!"

"Wala. Look, I don't want to be laughed at. Sino ba ang magsusuot ng ganyang get up kung sasakay ka ng bangka at papasyal sa underground river? If you want to come with me... CHANGE YOUR CLOTHES! We might take a plunge in there. I'll give you 10 minutes to dress up. Be late and i'll go alone. I'll be at the lobby." Pagalit na sabi nito bago tumalikod sa kanya.

"Hmp! Suplado! Gusto mo lang ulit akong makitang nakaswimsuit eh!" Padabog na naghanap ng maisusuot si Alana sa bag na dala niya.

Isang black two piece ang napili niyang isuot at pinatungan lang ng white sando at maong na short shorts. Nakalugay na ulit ang shoulder length niyang buhok na itinago niya kanina sa cap na suot, pinalitan na niya ng bolero ang cap at nagsuot ng rayban sunglasses instead sa thick glasses na suot. Nagsuot lang siya ng espadrilles para sa paa.

"Haist. Ang dami kasing arte!"

Agad na lumabas ng kwarto si Alana at tinalunton ang lobby kung saan naghihintay na si Rio. Pero nakadama ng disappointment ang dalaga ng hindi niya ito nakita.

Napabuntong hininga si Alana at naupo na lamang sa couch.

"Grabe ka naman, Ralph, ang bilis mo namang mang iwan." Napahalukipkip si Alana habang nakaupo sa couch. Nagtatampo talaga siya sa ginawa ng binata.

"Did you just call me 'Ralph'?"

Napatayo bigla si Alana ng marinig ang boses nito sa likuran niya. Dahan-dahan siyang lumingon at nabanaag niya sa mukha nito ang sobrang pagtataka.

"Did you call me 'Ralph'?" Pag ulit nito sa tanong ng hindi siya sumagot.

"May sinabi ba akong Ralph? Parang wala naman ah. Rio kaya ang sinabi ko." Pagmamaang-maangan pa ni Alana.

"I heard you, Dana. I heard you." Hinawakan siya nito sa mga balikat. Wari'y pinapaamin na sinabi niya talaga ang pangalan nito.

"Eh wala nga akong sinabing Ralph, Kuya. Sino ba si Ralph ha?"

"My real name is Ralph Israel." Binitawan siya nito at naupo sa couch. "And you can't deny. Narinig ko ng malinaw ang sinabi mo dahil nasa likuran mo lang ako the whole time."

Imperfectly PerfectWhere stories live. Discover now