Chapter 30

139 5 0
                                    

"Saan n'yo ako dadalhin? Hindi ito ang daan pabalik sa bayan ah. Let me call my lawyer!" Sigaw ni Rio sa mga pulis na nakabantay sa kanya habang tumatakbo ang sinasakyan nilang mobil.

Napansin kasi ni Rio na ibang direksyon ang tinatahak nila. Sa tantya niya ay mag aapat na oras na silang nasa daan pero hindi pa rin sila nakarating ng bayan. Akala ni Rio ay sa shortcut lang sila daanan pero hindi pala. Ibang daan na ang pinapatunguhan ng mobil na sinasakyan nila.

Kinatok ng isang pulis ang salaming bintana sa likod ng driver at ilang saglit pa ay huminto sa gilid ng daan ang sinasakyan nila.

Bumaba ang isang nakasobrerong pulis mula sa unahan. "Ano'ng problema?

"Tatawagan daw niya ang lawyer niya." Sagot ng isang pulis na nagbabantay sa kanya.

Sa pagtataka ni Rio ay naghagalpakan ng tawa ang mga pulis.

"At ano'ng nakakatawa? I think you're violating the law. Hindi ba dapat idiretso n'yo ako sa presinto at hindi n'yo ako dinadala sa kung saan?"

Lalong nagsitawanan ang mga pulis at hinarap siya ng nakasombrerong pulis na bumaba mula sa harapan ng mobil. Hinubad nito ang cap at doon na nanlaki ang mga mata ni Rio.

"Mukhang nakikilala mo na ako, Rio Castro." ani Tonyo.

"Mga hayop kayo. Hindi kayo mga totoong pulis. Kayo 'yong tinakasan ko noong nakaraang araw. Ano ba ang gusto n'yo ha? 'Di ba inako ko na ang pagkakakilanlan ng boss ninyo para hayaan na ninyo kami ni Alana? Tigilan n'yo na siya!" Singhal ni Rio kay Tonyo habang nagpipilit makawala sa posas.

"Tigilan? Bakit namin s'ya titigilan? Nakuha na ba namin ang formula? Hindi pa 'di ba? Once nakuha na namin 'yon, doon lang kami titigil." Sinikmuraan siya ni Tonyo na ikinaigik n'ya. Napaubo si Rio sa ginawa ni Tonyo.

"Hayaan n'yo na ang gagong 'yan. Huwag n'yo na ulit akong istorbohin at naghihintay na ang chopper na sasakyan natin pa-Maynila. Kailangan na nating magmadali."

Maya-maya ay tumunog ang cellphone ni Tonyo.

"Hello, boss?" ani Tonyo ng sagutin nito ang tawag.

"Opo, boss. Dadalhin po namin s'ya sa'yo." Sabi lang nito tapos pinatay na ang cellphone.

"Naghihintay na si boss sa mansyon. Kailangan na nating sumunod doon."

Bumalik na ito sa harapan ng mobil at umandar na ulit ang sasakyan.

"Hayop talaga kung sino man ang Mr. Stermon na iyon. Sobrang mautak siya. Nagkamali ako sa pakikipagkasundo sa kanya. Hindi pala s'ya marunong tumupad sa usapan. Kailangan kong makawala rito. Kailangan ako ni Alana. Baka napaano na rin sila nina Joshua at Caevhen. Hindi naman alam ng mga iyon kung sino ang kalaban namin. Wala rin silang alam sa self-defense kaya madali lang ng mga iyon makukuha si Alana mula sa kanila. Kailangan kong makatakas dito. Kailangang maipagtanggol ko si Alana." Naisaisip ni Rio.

Sa isang patag na lugar sila tumigil. Isa itong nakatiwangwang na palayan na hindi na natataniman kaya tumigas na ang lupa. Sinlaki ito ng isang football field kaya maaari ngang makalapag ang chopper na sasakyan nila dito.

Pinababa siya ng mga goons na nagpanggap na mga pulis mula sa mobil habang nakaposas pa rin ang mga kamay.

"Bakit wala pa rin ang chopper? Hindi ba dapat kanina pa 'yon naghihintay dito?" Tanong ni Tonyo sa mga kasama.

"Ewan din namin, Tonyo. 'Di ba ikaw ang may contact doon sa piloto?"

Napailing nalang si Tonyo at sinubukang kontakin ang piloto ng chopper na sasakyan nila pabalik ng Maynila pero walang sumasagot. Unattended ito.

Imperfectly PerfectWhere stories live. Discover now