Chapter 19

166 6 0
                                    

Tahimik na ang kwarto ng pumasok si Rio. Nagtagal pa muna siya sa labas para makapagmuni-muni. Tinitimbang kung alin nga ba ang dapat niyang sundin, ang tama ba sa paningin ng iba o ang mali sa paningin nila pero tama para sa kanya dahil ipaglalaban niya ang totoong nararamdaman niya.

"Hay! Will we remain as friends as what i've told Caevhen earlier, Alana? Or tototohanin ko ba iyong ipinangako ko sa'yong susulutin kita kay Caevhen?"

Nagtatalo ang konsyensya niya at ang puso. Alam niyang mali ang iniisip niyang yayain si Alana na makipagrelasyon sa kanya ng palihim gayong alam niyang may boyfriend na ito na nasa paligid lang din. Maiipit lamang ito sa pagitan nila at ayaw niyang maguluhan ito lalo kung ipipilit niya ang kagustuhan.

Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kama niya ng mapansing nasa kwarto na si Alana kaya lumihis siya ng landas at naupo na lamang sa tabi nito sa kama.

"Will I let you decide for us, Alana? Hihintayin nalang ba kitang magdesisyon kung sino ang pipiliin mo sa aming dalawa?" He stroked her hair.

Malalim na ang tulog ni Alana kaya hindi manlang nito naramdaman na nakatunghay na pala siya rito.

"You don't know how much I love you, Alana. Noon pa mang mga bata pa tayo. I admire you to the point na wala na akong ibang naging kaibigan dahil ikaw lang ang gusto kong makasama. I did not realize na I was falling in love with you dahil inakala kong gusto lang talaga kitang maging kaibigan. Pero ngayon i'm pretty sure about my feelings towards you, Alana. I love you kaya ipagla..." Natigilan siya ng mahawakan ang isang bagay sa daliri ni Alana ng subukan niyang gagapin kamay nito.

Itinaas niya ang kamay ng dalaga para mailawan ng liwanag na nagmumula sa lampshade upang masigurado niya kung ano ang bagay na iyon sa daliri ng dalaga. Napatiim bagang siya ng kuminang sa dilim ang diamond ring na nasa kamay nito. Nasisigurado niyang isa itong engagement ring.

Huminga ng malalim si Rio para pigilan ang nagbabadyang pagtulo ng luha sa mga mata niya. "Akala ko kaya mo akong ipaglaban, Alana. Hindi pala. I can see that you've decided so I think hindi na ako aasa pa. What we have ends here. Pipilitin ko nalang magmove on at kalimutan ka. Pipilitin ko nalang hanapin ang babaeng nararapat para sa akin."

Tumalikod na si Rio at iniligpit ang mga gamit niya. Plano niyang lumipat na lang kwarto at ng hindi na niya makita pa ng madalas ang dalaga.

***
Maagang gumising si Alana para sana makausap si Rio. Tatanungin niya sana ito kung totoo ba iyong sinabi nito kay Caevhen noong nakaraang gabi pero nagulat siya ng nag iisa na siya sa kwarto at wala na ang mga gamit nito.

Kinatok niya si Josh pero kibit-balikat lang ang naging sagot nito sa kanya. Hindi rin nito alam kung nasaan si Rio.

Nagtatanong pa rin ang isip ni Alana kung nasaan nga ba si Rio hanggang sa niyaya siya ni Caevhen na magbreakfast at maligo sa pool. Si Rio pa rin at ang biglaan nitong pagkawala ang laman ng utak ni Alana kahit na si Caevhen ang kasama niya.

"Sige na, Hon. Hali ka na rito. Ang sarap ng tubig." Nakangiting yaya sa kanya ni Caevhen habang naglulunoy ito sa infinity pool.

"Mamaya nalang. Malamig pa ang tubig." Sagot niya rito. Ang totoo ay wala siyang gana. Si Rio lang ang gusto niyang makasama.

"Ikaw ang bahala." Bumalik na ito sa paroot-paritong paglangoy.

"Nasaan ka na ba, Rio? Ano ba ang problema? Bakit bigla ka nalang umalis ng walang paalam?" Malungkot na nangalumbaba si Alana sa harap ng orange juice na iniinom niya hanggang sa may tumapik sa balikat niya.

Nakangiting mukha ni April ang nalingunan niya.

"What are you doing here?" Agad na tumayo si Alana para sana iwasan si April pero agad nitong hinawakan ang kamay niya bago pa siya makalayo.

Imperfectly PerfectWhere stories live. Discover now