Chapter 39

124 3 0
                                    

"Opo, Chief, siya nga iyon!" anang pulis sa kasama nito. Natatandaan nilang ito 'yong pulis na nasa front desk kanina bago 'daw' ito rumisponde sa emergency. Ito marahil ang Chief of Police sa istasyong iyon.

Nagtaka naman sina Rio kung ano ang pinag uusapan ng mga ito. Sinipat sila ng Hepe bago niyaya sa opisina nito. "Hali kayo sa opisina ko. Doon tayo mag usap."

Nagpatiuna ito kaya sumunod nalang din sila. Agad naman silang pinaupo sa upuan sa tapat ng mesa nito ng makapasok na sila.

"Ikaw si Rio Castro, tama ba ako? Ikaw 'yong wanted na singer 'di ba?" tanong ng Hepe kay Rio ng makaupo na ito sa harap nila.

"Ako nga po iyon, sir. Pero naparito po kami para linawin ang pangyayaring 'yon pati na isumbong ang taong totoong may gawa n'on," paliwanag ni Rio.

"Totoo 'yon, Chief. Hindi totoong ako ang nagreklamo ng pangingidnap kay Rio. Ang totoo nga n'yan ay siya pa itong nagligtas sa akin mula sa lalaking iyon. Tingnan n'yo po ito, Chief. Ang dami ko pong pasa pati na sugat. Si Caevhen Dela Vega talaga ang may gawa nito sa akin." Hinubad pa ni Alana ang jacket para ipakita sa pulis ang proweba ng pambubugbog ni Caevhen sa kanya.

Tiningnan lang silang dalawa ng hepe at saglit itong nagpaalam para lumabas. May tatawagan lang daw muna.

"Nasaan na kaya si Jockey?" Pabulong na tanong ni Alana kay Rio ng mapansin n'yang kanina pa ito nawawala.

"Hindi ko nga rin alam. Hayaan mo na. Baka may binili lang iyon d'yan sa labas." kibit-balikat na sagot naman ni Rio.

Kapwa sila tahimik na naghintay sa pagbabalik ng hepe pero laking gulat nila ng posasan silang pareho ng mga pulis na pumasok sa opisina ng hepe.

"Teka! Ano ba ang nangyayari? Nasaan ang Chief ninyo? Bakit n'yo kami hinuhuli? Naparito kami para magreklamo at hindi para sumuko."

Nagpupumiglas si Rio pero hindi parin siya nakaligtas sa pagposas ng pulis sa kanya.

"May karapatan po kayong kumuha ng abogado ninyo. Kung wala po ay kukuha ang gobyerno ng abogado para sa pagdepensa sa inyo." anang pulis bago sila sapilitang ipinapasok sa naroroong selda.

"Hep! Ano ito? Ano'ng ginagawa ninyo sa dalawang iyan?" Tanong ng kakarating lang na tao. Nakacap, sunglasses, black jacket, black pants at black boots ito.

"Sino ka? Bakit ka nakikialam dito? Hala! Ipasok na ang mga iyan sa selda." utos ng pulis sa mga kasama nito.

"Agent Franz. NBI." anito.

Nagsitigil naman ang mga pulis at parang naistatwa sa kinatatayuan ang mga ito.

"Nandito ako para kunin ang dalawang iyan. They should be under my custody. Sa akin ang kasong ito. Kung may duda kayo or whatsoever, magreklamo kayo sa head ko. Hala! Ipasok ang mga iyan sa kotse ko." Utos ni Agent Franz.

Para namang mga maamong tupa ang mga pulis na sumunod sa pinag uutos nito.

Tinapik nito ang isang pulis sa balikat. "Ikaw na ang bahala sa officer mo. Salamat sa tulong ninyo."

Sumaludo pa si Agent Franz at agad na pinaharurot ang kotse palayo ng presinto.

Naiwang nakatulala at nakatanaw na lamang ang mga pulis.

Maya-maya pa ay nagsipasukan na ang mga ito sa istasyon at bumalik sa trabaho.

"Nasaan na ang dalawa?" Tanong ng Hepe ng bumalik ito.

"Eh Chief, may kumuha po eh. Taga-NBI. Agent Franz daw ang pangalan. Sa kanya po daw ang kasong ito kaya wala kaming nagawa kundi ang ibigay sa kanya ang dalawa. Nagmamadali po eh kaya hindi na po namin kayo nahintay." Paliwanag ng pulis.

Imperfectly PerfectWhere stories live. Discover now