Chapter 35

130 5 0
                                    

"Oh, how nice." Naibulalas ng mama ni Alana ng dumating sila sa mansyon ng mga Castro.

Dito pansamantalang dinala ni Rio ang mga magulang ni Alana. Bukod sa maraming guards ang bahay dahil sa ang daddy niya ay isang business tycoon, marami ring maids at butler na magbibigay ng pangangailangan ng dalawa. Isa pa nasa business trip ang mommy at daddy niya kaya walang tao sa bahay liban sa mga utusan.

"Kaninong bahay ito, Rio?" Tanong ng daddy ni Alana.

"Sa amin po. Actually kina Mom at Dad lang. May sarili na rin kasi akong bahay pero hindi ko kayo pwedeng dalhin doon. Mas safe kayo dito. Mababantayan kayo ng mabuti ng mga guards." sagot naman ni Rio habang tinatalunton ang daan patungo sa kwartong gagamitin ng mag asawa. Kasunod nila ang mga maids na may dala sa mga gamit ng magulang ni Alana.

"Ang laki ng bahay n'yo. Ang dami pang gwardiya sa labas. Nakakahiya naman sa parents mo na dito mo kami pinatuloy, Hijo." Anang mommy ni Alana.

"Okay lang po, mom. Gusto ko pong maging ligtas kayo dito. Ako na po ang bahala kina Mommy at Daddy. At saka wala pa sila dito. Nasa Europe, may business trip kasi si Dad."

Napatango-tango na lamang ang dalawa. Binuksan ni Rio ang kwarto at ini-on ang ilaw. Tumambad sa mag asawa ang isang magarang kwarto.

"Wow! Parang five-star hotel naman itong bahay ninyo, Hijo." Turan ng mommy ni Alana at sinipat ang mga gamit sa kwarto.

"Feel free to use everything, mom. May mga maids din po dito na pwede ninyong utusan kapag may kailangan kayo. Ilang araw din siguro akong mawawala. Kailangan ko pa po kasing puntahan si Alana."

Napatingin sa kanya ang dalawang matanda.

"Iiwan mo kami rito? Akala namin mag aadventure tayo? Nasaan na ba si Alana?" Tanong ng daddy ni Alana.

"For now po, wala po munang adventure. Kailangan ko pong mag isang iligtas si Alana mula doon sa ex-boyfriend n'yang druglord."

Napataas ng kilay ang mommy ni Alana.

"Aba akala ko never magkakaboyfriend ang anak ko. May boyfriend na nga may ex pa. Hay! Masekreto masyado ang batang iyon."

"Oo nga, mahal. Magkakaapo na siguro tayo bago natin malaman na may boyfriend s'ya o asawa. Hahaha!" Sabi naman ng tatay ni Alana.

Napailing lalo si Rio. Mas concern pa talaga ang mga ito sa kagustuhang magkaapo at sa lovelife ng anak kaysa sitwasyon nito sa ngayon.

"Huwag mong isiping hindi kami concern sa bunso namin, Rio. Alam naming kaya mo siyang iligtas at tiwala kami sa'yo. Nakikita naming mabuti kang tao at mahal mo ang anak namin. Kung kailangan mo ng tulong magsabi ka lang." Tinapik siya ng daddy ni Alana sa balikat.

Napakamot nalang ng batok si Rio. Wala pa nga siyang sinasabi parang nababasa na nito ang nasa utak n'ya.

"Magpahinga na po kayo, Mom, Dad. Aalis na po ako. Pupuntahan ko na si Alana. Inuna ko lang po kayo kasi baka magamit pa kayo para iblackmail s'ya. Huwag na huwag po kayong aalis dito. Sa bahay lang naman ni Josh na kabanda ko ang punta ko. Pinsan kasi ni Josh ang hinayupak na druglord na 'yon. May tutulong naman sa akin na mga kaibigan."

"Dalangin namin ang kaligtasan n'yo ni Alana, Hijo. Iuwi mo kaagad siya dito. Tapos gawin n'yo kaagad ang apo namin." Nakangiting turan ng mommy ni Alana.

"Sige po, mom." Natawa nalang si Rio bago tumalikod. Inutusan ang mga kasambahay na ibigay ang lahat ng pangangailangan ng dalawang matanda. Pinahigpitan din ni Rio ang seguridad sa mansyon. Inutusan ang mga gwardiya na ipakulong ang lahat ng magtatangkang pumasok sa mansyon at kung lumaban barilin na rin. Mas importante sa kanya ang kaligtasan ng dalawa, importante para sa kanila ni Alana.

Imperfectly PerfectWhere stories live. Discover now