Chapter 23

140 4 0
                                    

"Sa wakas may tao na. Akala ko nasa dead end na tayo eh. Manang, pwede po bang magtanong?" ani Rio sa unang taong nadaanan nila ng makarating sa isang liblib na barrio matapos ang mahigit isang oras na paglalakad ng bumaba sila sa de pasaherong bus mula sa Davao City.

Dahil sa wala naman talagang particular na direksyong tatahakin ay nagpahatid sa taxi sina Rio at Alana sa isang bus station na patungo sa iba't ibang dako ng Davao. Sumakay sila sa isang bus at napadpad sa isang maliit na barrio malapit sa dagat.

"Aba'y pwedeng pwede naman. Ano ba 'yong atin, Hijo?" Magiliw namang sagot ng Ale na nagwawalis sa labas ng bakuran nito.

"Eh hinahanap po kasi namin si Carlito Gomez dito eh. Kilala po ba ninyo siya?" Magalang na tanong ni Rio sa matandang babae.

"Naku eh sa liit ng barrio na ito kilala ng mga tao ang bawat isa. Eh walang Carlito na nakatira dito, Hijo." Sagot naman ng matanda na ngayon ay itinabi na ang walis na hawak, inayos ang salamin sa mata nito at binistahan sila ng tingin. Natanggal na nina Alana at Rio ang disguise na suot kanina pa sa bus sapagkat kampante silang wala ng makakasunod pa sa kanila sa lugar na ito.

"Naku, ganoon ho ba? Paano na 'yan, mahal? Wala naman pala dito ang tatay mo." Malamang wala talaga kasi nag aalibi lang si Rio para makahanap ng matutuluyan sa barrio.

Wala siyang nakuhang sagot mula kay Alana kaya hinarap na lamang niya ang matanda. Hindi manlang nito sinuportahan ang arte niya.

"Paano ho ba ito, Manang? Mukhang maling impormasyon ang nakuha namin. Manang, may alam po ba kayong bahay paupahan dito? Eh napadpad po kasi kami ng Davao para hanapin ang tatay niya. Galing pa po kaming Maynila kaya hindi po kaagad namin kayang bumalik doon. Desidido rin po kaming hanapin ang tatay niya kaya mananatili sana kami dito sa probinsya ninyo kahit mga ilang linggo lang. Baka kasi nasa kalapit barrio lang naman ang tatay niya." Paliwanag ni Rio. At the back of his mind, pinapanalangin niya na sana maniwala ang matanda sa alibi niya para pwede silang makapagtago sa lugar na ito.

"Naku, walang ganyan dito, Hijo. Ni wala pang kuryente sa barrio na ito kaya walang taga bayan ang nagtatangkang mangupahan dito kahit na maganda ang dagat sa lugar namin. May nagagawi pero hanggang hapon lang sila at umuuwi rin sa bayan. Doon kasi may mga bahay paupahan. Halos 2 oras kasi ang layo nito mula sa bayan. Mainam nga lang na dito naipatayo sa malapit ang highway na dinadaanan ng mga bus papunta sa mas malayong probinsya kaya hindi masyadong mahirap ang transportasyon. Mahigit isang oras lang ang paglalakad patungo sa highway." Napasigaw na lamang ng 'yes!' si Rio sa utak dahil tamang tama ang lugar na ito na mapagtaguan nila. Walang kuryente which means walang tv kaya hindi sila mangangambang makikilala sila ng mga tao sa lugar na ito.

"That's better. Este... ang ibig ko pong sabihin ay ayos lang po. Hindi naman marangyang hotel ang hinahanap namin. Ayos na po sa amin kuhit dampa lang basta may matuluyan kami. Kailangan lang po talaga naming mahanap ang tatay ng asawa ko." Napatingin si Alana kay Rio dahil sa sinabi nito pero hindi manlang ito kumibo.

"Kung gusto n'yo talagang dumito, sa bahay ko nalang kayo manatili. Dalawa lamang kami ng anak kong babae sapagkat ang anak kong lalaki ay nasa Maynila at nagtatrabaho. Bakante ang kwartong ginagamit niya kaya pupwede kayo doon pansamantala." Napayakap si Rio sa matanda dahil sa tuwa.

"Naku, sobrang salamat po, Manang. Hulog po kayo ng langit sa amin."

Napangiti naman ang matanda sa tinuran ni Rio.

"Ano baga ang pangalan ninyo, Hijo? Tawagin nalang ninyo akong Nana Ameng. Amelia ang tunay kong pangalan." Pakilala ng matanda.

"Ako po si Ralph at ang asawa ko po si Dana."

"Kay gwapo mo, Hijo, at kay ganda naman ng asawa mo. Bagay na bagay talaga kayong dalawa." Nakita niyang namula si Alana sabay irap sa kanya kaya nginitian niya ito ng pagkatamis-tamis.

Imperfectly PerfectWhere stories live. Discover now