Chapter 45

144 3 1
                                    

Patagong sinundan ni Rio bridal car hanggang sa makarating sila sa isang bulubunduking lugar. Malayo na sa bayan at sa mga kabahayan.

Bumaba siya sa motor at itinago ito sa talahiban bago dahan-dahang sinundan ang lalaking bumaba mula sa limousine at ang nakawedding gown na si Alana.

Nagmasid lang muna siya sa magaganap pero hinanda ang sariling iligtas si Alana kung sakaling may gawing masama ang lalaki dito.

"Ano'ng ginagawa natin dito, Caevhen?" Narinig niyang tanong ni Alana sa lalaki.

"Caevhen? Sh*t! Buhay ang hinayupak?" Napakuyom ng kamao si Rio habang nakamasid sa dalawa. Mas pinili n'yang hubarin ang coat and tie na suot niya. Baka sakaling kailangan niyang labanan ito ay hindi siya mahihirapang gumalaw.

"Ano pa, Alana? Eh 'di ibabaon ang ebidensya bago pa man makita ng mga pulis." Nakangising sagot nito kay Alana.

"Ano'ng ibig mong sabihin, Caevhen? Ano ang ebdensyang ibabaon? Bakit hindi ka nalang sumuko at pagbayaran ang nagawa mong kasalanan sa batas?"

"Sino ka para turuan ako? Ha?! Kung hindi ka lang sana sandamukal na tanga at boba wala tayong problema ngayon! Milyones, Alana. Milyones kada araw ang sahod mo sa akin. Kung hindi ka lang sana nagmatigas ang nagtaas ng ihi, maayos ang lahat ngayon. Gagawin pa mandin sana kitang reyna ko. Papakasalan kita. Hihiga ka sa pera sa piling ko. Pero ano ang ginawa mo? Sinira mo ako! Sinira mo ang negosyo ko! Sinira mo ang buhay ko! At sinira ng tang*nang Jockey na 'yon ang mukha ko! Kaya kung ginawa n'yong miserable ang buhay ko? Aba siyempre dapat gawin ko ring miserable ang buhay n'yo. Ano kayo siniswerte?"

Kaagad itong nilabas ang baril na itinutok rin kay Alana kanina.

"No! Huwag, Caevhen. Please. I promise. Wala na akong sasabihin sa mga pulis. Mananahimik na kami. Hindi ka na namin papakialaman basta hayaan mo na kami." Pagmamakaawa ni Alana rito habang umaatras.

"As i've said, no! Pero tama ka. Dapat ko nang ibaon sa limot ang nakaraan at magsimula ng bago.Kasama na ang mga taong may kinalaman sa nakaraan ko! At ikaw ang uunahin ko!"

Walang awang sinipa nito si Alana sa tiyan. Nabigla si Rio sa nangyari dahil hindi manlang inalala ni Caevhen na babae ito pero mas nagulat siya ng imbis na matumba lang si Alana ay nawala itong bigla sa harapan ni Caevhen.

Hindi na siya nag aksaya ng panahon at sumugod na sa kinaroroonan ni Caevhen para alamin kung ano talaga ang nangyari kay Alana.

Nabigla si Caevhen sa pagsulpot ni Rio kaya hindi ito nakahuma ng suntukin niya ito. Sumubsob ito sa lupa at saglit na nahilo. Nagkaroon naman ng pagkakataon si Rio na hanapin si Alana.

"Alana! Alana!" Sigaw ni Rio ng makita nito si Alana.

Walang malay na bumagsak ito sa malalim na hukay. Sigurado siyang si Caevhen ang nagpagawa ng butas, plinano niya talaga ito.

Nagbalik sa gunita ni Rio ang nakaraan. Nang mga bata pa sila at nangyari din ito kay Alana. Nahulog ito sa butas at binugbog siya ng bully. Wala siyang nagawa dahil mahina siya pero ngayon sisiguraduhin n'yang magagawa na niyang protektahan si Alana.

Galit na binalingan niya si Caevhen pero sa pagkabigla niya ay sipa ang sumalubong sa kanya. Nagpagulong-gulong siya pababa mula sa matarik na bahaging kinaroroonan nila.

Kaagad siyang sinundan ni Caevhen at pinagtatadyakan pa.

"Hayop kang pakialamero ka! Ang lakas ng loob mong hamunin ako!" Sigaw nito sa kanya habang pinagsisipa siya.

Nakahanap naman ng paraan si Rio at nahawakan ang paang tumatadyak sa kanya. Nasipa niya ang isa pa nitong paa sabay tulak sa paang hawak niya dahilan para mapahiga rin si Caevhen sa lupa. Doon na nakaganti si Rio. Siya naman ang naupo sa ibabaw nito at pinagsusuntok si Caevhen.

"Hayop ka! Tigilan mo na kami! Mamatay ka na!" Singhal ni Rio dito habang patuloy na sumusuntok.

"Bibitawan mo ba siya o mamamatay ka nalang ng walang laban?" Tanong na nagpatigil sa ginagawanag pagsuntok ni Rio kay Caevhen. Narinig n'ya ang pagkasa ng baril sa likod n'ya kaya napataas siya ng kamay.

"Get off of me, you son of a bitch!" Sigaw ni Caevhen sabay tulak kay Rio. "Mabuti at dumating ka, Tonyo. Baka napatay na ako ng animal na 'to."

Inundayan ng suntok ni Caevhen si Rio. Sa ilong ito tinamaan kaya kaagad itong nagdugo. Napuno na ng dugo ang damit niya. Sinuntok pa siya ng ilang beses ni Caevhen bago ito tumigil.

"Ikaw na ang bahala d'yan, Tonyo. Pagod na ako."

Napangisi naman si Tonyo at kaagad na pinagtatadyanan at pinagsusuntok si Rio.

Walang malay na ang binata ng tigilan ni Tonyo.

"Wala ka pala eh!" Sigaw pa ni Tonyo sabay sipa dito. "Ano ang gagawin natin dito, boss? Tulog na eh." Nakangising tanong ni Tonyo kay Caevhen.

"Itapon mo rin sa butas. Paulan na oh. Sa lalim ng butas na 'yan kahit na hindi na natin tambakan mapupuno rin ng tubig 'yan. Mamamatay rin ang dalawa kalaunan."

Sinunod naman ni Tonyo ang inutos ni Caevhen. Itinapon nila ang walang malay na si Rio sa malalim na hukay kung saan naroroon si Alana.

"Let's go!"

Nakangising sinulyapan ng dalawa ang walang malay na sina Rio at Alana bago iniwan. Nasiyahan ito ng makitang may tubig na ang loob ng hukay.

"Ilang saglit lang, mamamatay na rin kayo kagaya ng issue patungkol sa akin. Wala ng makakaalam na buhay pa ako. Wala na. Malunod na sana kaagad kayo. Hahaha!"

***
"Nasaan na ang bride at groom? Bakit wala pa sila? Kanina pa naghihintay ang pari." Tanungan at bulungan ang mga tao sa simbahan.

Pasado alas 9 na ay wala pa rin sina Rio at Alana. Nagsisimula na ring umulan kaya wala silang magawa kundi ang hintayin ang pagdating ng dalawa.

"Balae, where's Ralph?" Tanong ng mommy ni Alana sa daddy ni Rio.

"Nang tinawagan ko kanina ay on the way na siya pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Medyo nag aalala na ako, balae." Pag amin ng daddy ni Rio.

"Nauna lang din ako sandali kay Alana kanina. I checked on her bago ako pumunta rito sa simbahan. Nakaready na rin kanina ang kotse kaya dapat nasa pagitan lang ng 5 to 10 mins.ang interval ng pagdating namin dito. Pero 30 mins.na wala pa sila." sabi naman ng mommy ni Rio.

"Paano na 'to, balae? Naghihintay na ang mga bisita. Sa malas ay umulan pa. Hindi tuloy tayo makalabas."

"Maghintay nalang muna tayo. Umuulan na rin kasi. Kapag hindi pa sila dumating matapos ang 30 mins.ay ipacancel na natin ang wedding. Nakakahiya sa mga bisita at sa pari. Ipanalangin na rin nating okay lang silang dalawa."

Imperfectly PerfectWhere stories live. Discover now