Chapter 44

144 3 1
                                    

"You look good on that wedding gown, honey. It fits you perfectly." Nakangiting sabi ng mommy ni Rio kay Alana.

Sinipat din ni Alana ang sarili sa salamin at masasabi nga niyang she looks exceptionally stunning on her wedding day. Her eyes sparkles with happiness and love na nakikita iyon sa kabuuan ng kanyang magandang mukha sa ilalim ng kanyang belo.

Ang ganda rin ng pagkakahamis ng kanyang wedding gown sa kurba ng kanyang katawan.

"Thanks, mom." Nakangiti rin niyang sagot rito.

"I'm glad that it's you, honey. You and Ralph are perfect for each other. Naitadhana yata talaga kayo para sa isa't isa."

Ngiti lang ulit ang naging sagot niya rito. Pinipigilan ang sariling umiyak dahil pumapasok na sa balintataw niya ang mga alaala ng nakaraan. Ang mga pinagdaanan nilang hirap ni Rio at pati na ang mga masasayang alaala niya kasama ito.

"Oh oh! I'm not here to make you cry, Hija. I'm just checking on you. At sasabihin ko ring mauuna na kami sa simbahan. Ang driver na ang bahalang maghatid sa'yo doon."

"Sorry for being so emotional, mom. Ganito pala talaga kapag ikakasal na no? Nasesenti?" Pinilit na lamang ngumiti ni Alana para pigilan ang nagbabadyang pag iyak.

"I feel you, Hija. Ako man ay ganyan din noong ikinasal kami ng daddy ni Ralph. O siya, iiwan na kita dito ha? See you later, anak. Just enjoy the moment."

"Thanks again, mom. Salamat po sa lahat. Lalo na po kay Ralph."

"Ikaw talaga. You're welcome, anak. Anyway, your driver is ready. When you're done, andyan na siya sa labas naghihintay. Labasin mo nalang."

"Opo, mom."

Niyakap muna siya nito ng mahigpit bago lumabas sa kwartong kinaroroonan niya.

Niretouch muna siya ulit ng baklang make up artist niya at umalis na rin ito.

Ilang minuto muna niyang pinakalma ang sariling emosyon at muling binistahan ang sarili sa salamin.

"You have to look really good for him today, Alana. Let him be proud of you. Make him the most lucky guy on earth 'cause he deserve it. Ang dami na niyang sinakripisyo for you at ito lang ang maibibigay mong kapalit, ang pagmamahal mo sa kanya." aniya sa sarili.

Maya-maya pa ay tumayo na siya at hinawakan ng isang kamay ang mahaba niyang trahe de boda. Lumabas na siya ng kwarto at naglakad patungo sa kotseng magsisilbing bridal car para sa kanya.

"Let's go, Manong." sabi niya pagpasok sa kotse.

Nakita niyang tumango ang driver at pinaandar na ang sasakyan. Kunot-noong tinitigan niya ito dahil naiba ang driver niya. Iba kasi ang madalas na nagdadrive para sa kanila kapag lumalabas sila ni Rio. Ang driver niya ngayon ay nakasunglasses at sombrero para takpan ang itsura pero halata pa rin na sunog ang malaking bahagi ng mukha nito kahit anong pagtatago ang ginagawa nito. Ipinagkibit-balikat na lamang niya at baka ito talaga ang driver ng bridal car sapagkat nirentahan lamang itong limousine na sinasakyan niya at hindi ang sasakyang madalas nilang ginagamit.

Tahimik na nagmamasid at nagmumuni-muni si Alana habang nasa byahe sila patungong simbahan ng mapansin niyang nag iba ang direksyong dinadaanan ng kotseng sinasakyan niya.

"Manong? Alam mo ba kung saan ang patungong simbahan? Hindi dito ang daan." Kaagad niyang sabi sa driver para sana ay ibahin nito ang dinadaanan at ibalik sa daang patungong simbahan pero parang wala lang itong narinig at ipinagpatuloy ang pagmamaneho.

Nakaramdam na ng kaba si Alana kaya sinubukan niyang hanapin ang cellphone sa pouch na dala niya.

"Akin na 'yan!" Hindi niya namalayang nakabantay pala sa kilos niya ang driver mula sa rearview mirror.

"No! Ibalik mo ako sa simbahan!" Singhal niya dito sabay dial sa cellphone na hawak niya.

"Sige. Subukan mong tumawag kundi sasabog ang baho ng ulo mo." Nakita niyang naglabas ito ng baril at itinutok sa kanya kaya napatigil siya sa akmang pagtawag ng saklolo.

Sandaling tumigil ang sinasakyan nilang bridal car at hinarap siya ng driver.

Tinanggal nito ang cap at ang sunglasses niya. Tumambad kay Alana ang nakangising mukha nitong sunog ang kalahati.

"Cae-Caevhen? Buhay ka?! Paano? Bakit?" Gulat na gulat si Alana ng mamukhaan ang driver.

"Miss me? Nagtaka ka pa talaga ha? Well, ano ba naman 'yong eexplain ko sa'yo ang nangyari 'di ba? Mamamatay ka rin naman after this." Nakangising ani Caevhen.

"Ganito kasi 'yon, pinasok ni Jockey 'yong bahay ni Josh kung saan ako naroroon. Pinagpapatay ng put*ngna ang mga tauhan ko at inakyat ako sa kwarto. Nag away kami at nabaril 'yong lampshade sa kwarto, nagspark at ayon nga nagkasunog. Pareho kaming nawalan ng malay at mabuti nalang dumating 'yong iba kong tauhan at sinagip ako. Ayon, ang gagong Jockey lang ang namatay. At kung tatanungin mo ako kung bakit inakala ng mga pulis na ako ang isa sa mga namatay sa sunog? Aba eh naniwala ang mga tang*na sa drama ng tauhan ko. Eh 'di malaya akong nakakagala kung saan ko gusto ng walang pinagtataguan. Sino ba naman ang maghahanap pa sa patay na 'di ba? Hahahaha!" Pagkukwento pa nito habang nilalaro sa kamay ang baril na hawak.

"Hayop ka!"

"Kayo ang mga hayop! Sinira n'yo na ang pangalan ko, sinira n'yo pa ang business ko! Nawala na tuloy ang bilyones ko!" Nanlilisik ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.

"Wala kaming kasalanan sa'yo, Caevhen! Ikaw ang sumira ng pangalan mo at hindi kami! Hindi ka karapat-dapat magkaroon ng bilyones dahil masama ka!"

"Tahimik!"

Sinampal siya ni Caevhen dahil sa sobrang galit kaya natahimik si Alana habang sapo ang pisnging sinampal nito.

"Gusto mo talagang nasasaktan ka! Akin na 'yang cellphone mo at manahimik ka!" Wala nang nagawa si Alana kundi iabot ang hinihingi nito.

Agad naman nitong pinaandar ulit ang sasakyan ng makuha ang cellphone niya.

"Saan mo ako dadalhin?" Hindi niya matiis itanong.

"Saan pa eh 'di sa kamatayan mo!" Tawa ito ng tawa habang nagmamaneho.

Walang ibang nagawa si Alana kundi ang manalangin na sana ay malaman nina Rio na nawawala siya at hanapin siya nito para iligtas.

***
"Saan ka na, Ralph? Kanina pa kami naghihintay dito." Tanong ng papa ni Rio sa kanya ng tawagan siya nito sa cellphone.

Tiningnan niya ang orasan at malapit na ngang magsimula ang kasal nila pero wala pa siya sa simbahan.

Paano ba naman kasi ay naflat-tire ang motor niya habang tinatahak ang daan patungong simbahan. Sa hotel kasi siya natulog sapagkat ayon sa pamahiin bawal magkita ang ikakasal isang araw bago ang kasal nila, sinunod lamang niya ito.

Pero ngayon ay nagsisisi siya kung bakit sa hotel sa ka kabilang bayan pa siya natulog at pinauna pa ang mga guards niya sa simbahan.

"Sandali nalang ako, Dad. Naflatan ako eh. Pero tapos na rin yata si Manong. Please tell Alana na darating ako." aniya.

"Eh maski si Alana ay wala pa rin dito. Hindi ba kayo excited sa kasal n'yo at pareho kayong late?"

Natawa na lamang si Rio sa tanong ng daddy niya.

"Syempre excited po. Oh sige na, Dad. Tapos na akong magpavulcanize. Papunta na po ako."

Pinatay na n'ya ang cellphone,nagbayad na sa nagvulcanize ng motor niya at bumyahe na ulit patungong simbahan.

Pero kaagad din s'yang napapreno ng mapansin ang bridal car na nirentahan nila para kay Alana. Sigurado si Rio na iyon ang sasakyan ni Alana patungong simbahan dahil siya ang pumili nito.

Kaagad siyang nakaramdam ng galit ng mapagtanto ang nangyayari.

"Sh*t! Not again! Nasa panganib si Alana."

Imperfectly PerfectUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum