Chapter 31

129 4 0
                                    

"Bro, balik sa loob!" Sigaw ni Jim.

Sakto kasing bubuksan ni Rio ang pinto ng bahay niya ng dumating sina Jim at Justin. Itinulak siya nito pabalik sa loob at isinarado ng mabuti ang pinto.

"Ano'ng ginagawa n'yo dito? Bakit kayo nandito?" Singhal ni Rio sa dalawa. Inambahan n'ya ng suntok ang dalawa.

"Bro! Bro! Chill lang. Hindi kami naparito para makipag away sa'yo. Tumawag si Jockey sa phone at inexplain sa amin ang totoo. We're here to apologize, bro. Sorry at hindi kami kaagad naniwalang hindi ka talaga masamang tao. Sorry at pinagdudahan ka namin." ani Jim.

"Yes, bro. We're really sorry. Dapat nagtiwala kami sa'yo. Matagal tayong nagkasama at sana inisip manlang namin 'yon bago ka namin husgahan." dagdag pa ni Justin.

Napabuntong hininga na lamang si Rio. "Okay lang. Nangyari na ang nangyari. Naiintindihan ko kayo. Nalaman ko kay Jockey na may pinakita sa inyong ibedensya si Josh. Siguradong kagagawan din iyon ng Mr. Stermon na 'yon. Naloko lang niya kayo. Oh siya, aalis na muna kami ni Jockey. Tara, Jock."

"Bro, 'wag kang lumabas. Please lang." Pigil ni Justin sa kanya.

"Bakit? Pupunta kami ng NBI ni Jockey ngayon. Hihingi ng tulong para mapasok namin iyong lumang mansyon na nagsisilbi ring shabu laboratory ni Mr. Stermon."

"Basta huwag kang lalabas. Delikado. Nagtaxi na nga lang kami papunta dito para hindi mapansin ng media. Nand'yan sila sa may gate ng subdivision, nag aabang sa paglabas mo dito." Paliwanag ni Justin.

"Bakit? Ano'ng meron? Tungkol pa din ba 'yon sa love story namin ni Alana? Okay lang 'yon, wala namang problema doon eh."

"Hindi, pare. Check this out. You're all over the news."

Binuksan ni Justin ang tv at saktong news tungkol sa kanya ang binabalita.

"Ang sikat na bokalista ng bandang 'Her Kryptonite' na si Rio Castro ay kasalukuyang pinaghahanap ng mga pulis dahil sa reklamong isinampa ng dati niyang PA na si Alana Perey. Ayon kay Perey, itong si Rio Castro daw ay ilang araw siyang kinidnap at dinala sa isang barrio sa isa sa malalayong bayan sa Davao. Ayon pa dito, natuklasan n'ya sa pangangalaga si Castro ang ilang sachet ng ipinagbabawal na gamot at ng kinompronta niya ito ay sinaktan siya nito at pinagbantaang papatayin kapag nagsumbong sa mga pulis hanggang sa nailigtas ito ng boyfriend niyang doktor at mga kaibigan nito. Sa kung sinumang nakakaalam sa kinaroroonan ni Rio Castro ngayon ay kung maaari lamang na magpunta sa himpilan ng pulis na malapit sa kanila para ireport ang naturang singer at mahuli sa lalong madaling panahon." Report ng newscaster.

Kaagad na pinatay ni Justin ang tv pagkatapos nilang mapanood ang balitang iyon.

"Fvck! Ano'ng nangyayari kay Alana? Bakit n'ya ako idinidiin?" Tanong ni Rio sa mga kagrupo. Kibit-balikat lamang ang isinagot ng mga ito.

"Hindi rin namin alam, bro. Baka dahil pa rin ito sa nangyari sa barrio. Inako mo kasi ang katauhan ng Mr. Stermon na 'yon." Sabi ni Jim.

"Okay lang na maniwala siya pero hindi ko siya kinidnap. Ni hindi ko nga siya pinagbantaan at lalong wala akong itinatagong droga. Kasalanan ko ang lahat. Sa kagustuhan kong mailigtas siya sa kapahamakan ay inako ko ang katauhan ng Mr. Stermon na iyon. Ang masakit ay naniwala si Alana sa kasinungalingang iyon. Siguradong ginatungan pa ito nina Joshua at Caevhen na naniniwalang ako nga talaga ang tang*ngang druglord na 'yon. Argh! Kung sino ka mang hayop kang Mr. Stermon ka, hintayin mo ako! Magtutuos tayo!" Sigaw ni Rio sabay pasok sa kwarto niya.

Pagbalik niya sa may sala ay may dala na itong backpack na may lamang ilang pirasong damit, baril, mga bala at perang panggastos.

Nakasuot na rin ito ng jacket at itim na sombrero.

"Saan ang punta mo? 'Di ba sabi ko sa'yo 'wag kang lalabas?" Tanong ni Jim ng makita siya.

"Sa lumang mansyon. Kailangang malaman ko kung sino talaga ang Mr. Stermon na iyon. Kailangang malinis ko ang pangalan ko at magagawa ko lang iyon kapag inako na niya na siya talaga ang totoong druglord at hindi ako. Kailangang aminin n'ya ang kasalanan niya at 'wag siyang duwag na nagtatago sa pangalan ko."

Agad s'yang tumalikod sa mga ito at pumunta sa likod-bahay. Binuksan ang warehouse at inilabas ang Ducati na matagal na niyang hindi ginagamit.

"Sasama ako." ani Jockey na kanina pa pala nasa likod niya.

"Sige. Ito ang helmet, isuot mo. Doon tayo sa sekretong lagusan dumaan." Pinaandar ni Rio ang motor at umangkas na rin si Jockey.

"Tara. Nasabihan ko na rin naman sina Justin at Jim na bantayan ang goon na bihag natin."

Agad na umalis ang dalawa sakay ang motor ni Rio. Ilang minuto lang at nakapark na sila sa may talahiban sa likod ng lumang mansyon.

"Doon tayo dumaan sa may sirang pader. Mas mataas ang mga talahib doon kaya siguradong hindi nila tayo mapapansin." mahinang sabi ni Rio sa kasamang si Jockey.

Tumango naman ito at ikinasa ang sariling baril. Kita kay Jockey ang takot pero para sa kaibigan ay kakayanin niya. Butil-butil na ang pawis sa noo niya at nangangatog na ang tuhod niya.

"Hoy! Anyari sa'yo, pre?" Tanong ni Rio ng mapansin n'ya si Jockey.

"Wala ito, pre. Naiihi lang ako." sagot naman nito.

Napatawa ng mahina si Rio at naalala ang unang beses nilang makaharap ang mga goons dito mismo sa likod ng lumang mansyon. Kumaripas ito ng pagpatakbo ng kotse at iniwan sila ni Alana ng malaman nitong mga goons ang nakaharap nila.

"Ano'ng tinatawa-tawa mo d'yan, Rio?" Naniningkit ang matang tanong ni Jockey.

"Wala. Tara na nga." Gumapang na si Rio sa damuhan.

Kinalabit nito si Rio. "Hoy! Kung inaakala mong natatakot ako, hindi ah. Ang tapang ko yata."

"Oo na. Ikaw na matapang. Hali ka na nga. Natatagalan tayo dito."

Magkasunod na gumapang ang dalawa patungo sa may pintuan sa likod ng mansyon.

Nagpalinga-linga at nakinig sa paligid bago tumayo at dahan-dahang binuksan ang pinto hanggang sa nakapasok na silang dalawa. Isinarado nila ulit ang pinto at nagtago sa may pader para siguraduhing walang bantay.

"Clear. Suyurin natin ang mga kwarto. Hanapin natin ang kwarto ng druglord na 'yon."

Magkasunod na isa isang binuksan nila ang mga kwarto mula sa ground floor hanggang makarating na sila sa penthouse.

"Wala sila dito." Nanlulumong napaupo si Rio sa hagdanan ng mapagtantong walang tao sa lugar.

"Kaya pala walang mga bantay. Wala palang tao dito. Paano na?" Tanong ni Jockey kay Rio na halatang nabunutan ng tinik. Akala niya ay mapapalaban na sila ng tuluyan ni Rio.

"Hindi tayo titigil hanggang sa mahanap natin sila. Umuwi ka na muna sa bahay ko. Paaminin mo 'yong goon para malaman natin kung nasaan ang amo n'ya. Torturin mo kung kinakailangan." Utos nito kay Jockey.

"Okay. Pero bakit ako lang ang uuwi? Paano ka?"

"Huwag kang mag alala. I'll be fine. May pupuntahan lang ako."

"Sino naman?" Takang tanong ni Jockey.

"Basta lang. Tara na. Umalis na tayo dito."

Imperfectly PerfectWhere stories live. Discover now