Chapter 14

177 4 0
                                    

"Sana kasi ako nalang siya, Alana." Nasabi ni Josh habang nakatanaw sa dalawang sweet na sweet na naglalalangoy sa infinity pool.

"Hay! Pero ganoon talaga ang buhay, hindi lahat ng gusto natin makukuha natin at hindi lahat ng mahal natin mamahalin tayo pabalik. Magkaganoon man, pipiliin ko paring makasama ka, Alana, kahit pa nasasaktan at nagseselos ako ng sobra sa tuwing nakikita kitang masaya kasama si Rio." Sabi pa nito sabay tungga ng bote ng beer na hawak niya.

"Care to have some company?"

Napalingon si Josh sa nagsalita sa likuran niya. Si April lang pala. May kasama itong waiter na nagdala ng inumin nito. Matapos mailapag ng waiter ang inumin sa table kung saan naroroon si Josh ay kaagad din itong umalis.

Kaagad namang naupo si April sa tabi nito. "Sorry ha? Dito na ako naupo. Napansin kasi kitang nakatitig kay Rio at sa PA nito kanina pa. Ni hindi mo nga napansin na kanina pa rin ako nakatayo rito sa likuran mo." Sabi ni April sabay lagok sa inumin nito.

"Tss! Pakialam mo ba? Eh sa masaya silang titigan habang naglalaro diyan sa pool." Nilingon niya saglit ang babae bago niya ibinalik ang paningin kay Alana na kasalukuyang sinasabuyan ng tubig si Rio habang tawa ng tawa.

"Eh bakit hindi saya ang nakikita ko sa mukha mo, Josh? If i'm not mistaken... JEALOUSY? ENVY? ANGER? May gusto ka rin ba sa Dana Perez na 'yon? Magpapakamartir ka rin ba para sa kanya kagaya ng ginagawa ni Rio?" May diing tanong ni April kay Josh.

"Wala ka bang magawa sa buhay mo, April, at pinapakialaman mo ang buhay ng may buhay?" Tumayo si Josh bitbit ang bote ng beer na iniinom niya.

"Oh, bakit ka aalis? Ayaw mong pag usapan? Masakit ba?" Panunuya pa nito sa kanya sabay hawak sa kamay niya para pigilan ito.

Iwinaksi niya ang kamay ni April at hinarap ito. "Kung hindi ka masaya sa buhay mo huwag kang mandamay. Ano naman sa'yo kung mahal ko nga si Dana? At ano ngayon kung nagseselos ako sa kanila? Ano ngayon kung nagpapakamartir ako para kay Dana? Choice ko 'yon, April. And i'm telling you this. Kapag may ginawa kang masama kay Dana? Ako ang makakalaban mo!"

Agad siyang naglakad palayo dito. Nag iinit ang ulo niya kay April kaya mas mabuti nang tumalikod siya kaysa mabastos pa niya ang babae.

Ganoon niya man ka gustong mapaghiwalay sina Alana at Rio ay hinding hindi siya gagawa ng ikakalungkot ng dalaga. Mas gugustuhin niyang makita itong masaya kaysa unahin ang pansariling kagustuhan niya.

Mayamaya pa ay narinig niya ang ringtone ng cellphone niya.

"Hello, cous?" Kunot-noong sinagot niya ang cellphone ng makita sa screen ang pangalan ng pinsan niyang si Caevhen.

"Hi, cous. Kamusta? May balita na ba kay Alana?" Kaagad na tanong nito.

Napailing na lamang si Josh. Hindi niya ugaling magsinungaling pero sadyang kailangan niyang gawin ito para sa kaligtasan ni Alana.

"Naku! Wala pa rin, cous. May out of town shows kasi kami kaya hindi ako makakita ng oras para makatulong sa paghahanap sa girlfriend mo. Sorry, cous, ha? Ikaw ba? Kamusta ang paghahanap mo?"

"Wala pa nga rin, cous eh. Tamang ba ang sinabi ng katulong mo na nasa Puerto Princesa, Palawan, daw kayo ng mga kabanda mo?"

"Oo, cous. Andito nga..."

"Ah, cous? I'll call you some other time. Kailangan ako sa emergency room." Agad nitong pinatay ang cellphone ng hindi siya pinapatapos magsalita.

"Tsk! Mahirap talaga kapag doktor ang propisyon. Laging on-call." Ipinagwalang bahala nalang ni Josh ang naputol na tawag at bumalik nalang sa loob ng hotel. Yayayain nalang niyang magbilyar sina Jockey kaysa saktan ang sarili sa panonood kina Rio at Alana na nagkakasayahan sa infinity pool.

Imperfectly PerfectOn viuen les histories. Descobreix ara