Chapter 2

6.4K 147 5
                                    

**********Sa bawat araw na dumaraan ay lalo kong nararamdaman ang pagiging malamig ng pakikitungo sa akin ni Gab. I know he hates me so much. Ako rin naman ang naging dahilan niyon.

Napilitan lang si Gab na pakasalan ako dahil sa ako mismo ang nag-push na ituloy iyon. We were fresh graduates from college when our parents announced about our engagement in the public. Nahuli kasi kami ni Gomer na kaibigan ni Gab at itinuturing kong kuya sa mismong condo ni Gab at isinumbong kami sa parents namin. That was one of the reasons why they decided for us to get married.

Ayaw niya. He even talked to me personally na tanggihan ko iyon para di matuloy ang kasal. Pero dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya at sa kagustuhan kong makasama siya ay di ako pumayag sa pakiusap niya. Desisyon ko na lang kasi ang hinihintay nila noon. Kahit umayaw man si Gab, kung gusto ko naman ay itutuloy pa rin iyon.

Until our wedding day came. He said these words after the wedding ceremony: "This is what you want, right? Fine! But always keep in mind that I will never be a good husband to you. Fúck, Abigail! Sinasabi ko sa 'yo, laslaspagin lang kita! Tangna!" nakatiim-bagang na sabi niya sabay alis sa harapan ko.

I cried that time pero desperado talaga ako. Even though it was very selfish on my part, I really love Gab with all my heart. Lagi kong tinatanong ang sarili ko kung bakit siya pa? Pwede naman iyong iba na lang, di ba? Pero isang sagot lang ang parati kong naisasagot sa sarili ko. Mahal na mahal ko kasi talaga siya.

Kung sa harap ng mga magulang namin we look like we're in good terms, kapag kami na lang dalawa, it's excruciatingly worst. Gab treated me like his personal slave and whóre. Gagalawin niya ako hanggang kailan niya gusto. Kahit saan pa basta gusto niya ay hindi ako pwedeng tumanggi. At pagkatapos niyon ay iiwan niya na lang ako basta.

He was a well-known womanizer way back in college. Alam kong ganun siya kaya ayaw niya rin matali nang maaga. Para daw siyang sinasakal sa kasal at hindi niya magagawa lahat ng gugustuhin niya. Ayaw niya ng responsibilidad.

Pero kahit ganoon ang pakikitungo niya, I still stayed with him. I did my job as a faithful wife. I served him like my king. Kahit ganoon ang sitwasyon namin, I still loved him. Kahit gawin pa niya akong parang katulong niya, okay lang basta makasama ko siya.

Tanga na kung tanga. Sefish na kung selfish, pero wala eh, mahal ko talaga siya. Kahit saktan pa niya ako ng paulit-ulit, kahit itulak niya ako palayo mula kanya ay handa kong tiisin at magmukhang tanga basta huwag niya lang akong iwan. Baliw na nga ako kung maituturing pero di ko kayang mabuhay nang wala siya. Sa kanya umiikot ang mundo ko. Siya ang buhay at lakas ko. Siya at siya lang ang mamahalin ko hanggang may hininga pa ako.

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang biglang nag-ring ang cellphone ko.

Calling... Nicz

Saka ko lang naalala ang usapan namin.

"Hello..." I said as I answered the call.

"My goodness, Abigail Fernandez Montreal! Puti na ang mga mata ko dito kahihintay sa 'yo! Lusaw na make up ko. Tubig lang ang iniinom ko! Gutom na ako!" sunud-sunod na saad niya.

I rolled my eyes. OA talaga ang babaeng ito. "Sorry, papunta na ako." Magsasalita pa sana siya but I ended the call already. Siguradong magmumura na naman iyon.

******

When I arrived at our meeting place, agad kong nakita ang nakakunot-noong bestfriend ko. Halatang inip na inip na siya.

Camilla Monique Dominguez is my childhood bestfriend. She knows almost everything about me even ang sitwasyon namin ni Gab. Siya lang ang nakakaalam sa mga nangyayari sa pagitan namin ni Gab.

"Buti naman at dumating ka na! Pwede nang pagprituhan tong upuan ko sa init dahil sa kahihintay sa 'yo!" mataray na singhal niya but then she still kissed my cheek.

"Sorry, Nicz, alam mo naman."

"Tsk! Si Gab?! Yung magaling mong asawa?! My goodness, Abby, ba't ka ba nagtitiis sa mokong na 'yon! Tangna niya talaga!" inis na saad niya. She doesn't like Gab dahil sa ugali at treatment nito sa akin.

"Sorry talaga. Tinanghali kasi ako ng gising kas-"

"Kasi hinintay mo magdamag ang mabait mong asawa? Ganon?!" putol niya sa sasabihin ko.

I nodded shyly.

"Gago talaga 'yon! Di ba niya sinabi sa 'yo na nagkaroon sila ng welcome party para kay Travis the jerk?!"

Umiling ako. I know Travis Jorge Uehara. Kabarkada nila ito way back in high school.

"Tamo! Tamo! Hintay ka nang hintay pero hindi naman dumating! Bwisit talaga 'yang asawa mo! Wala talagang pakialam sa 'yo!" nanggigigil na saad niya.

I smiled bitterly. Sanay na ako doon.

Wala kaming ginawa ni Nicz kundi ang kumain, mag-shopping at siyempre ang mag-bonding. Masasabi kong sobrang na-miss namin ang isa't-isa. Busy kasi siya as a catwalk model kaya minsan lang kami magkita. At ako naman ay busy sa Gab ko.

"Alam mo, Abby, bakit di mo isali iyong mga artworks mo sa isang exhibit? Ang gaganda kaya ng mga gawa mo. Kakainggit nga iyang talent mo," sabi niya habang tinitingnan ang isang painting. Nandito kasi kami sa isang mini art exhibit inside the mall.

Ngumiti ako. Art is my passion. My life next to Gab. I love to draw and paint. Kapag frustrated ako or in the mood man, nagpe-paint ako. Parang stress reliever ko na rin. In that way ay nailalabas ko ang mga saloobin ko. I have my own art room sa bahay at doon ako tumatambay kapag walang ginagawa.

"Bakit ba kasi nag-engineer ka pa eh di mo naman nagagamit? Board passer ka nga pero nasa bahay ka lang naman at pinagsisilbihan ang walang kwenta mong asawa. Sana kinuha mo na lang iyong course na angkop sa talent mo. Tsk!" mahabang litanya nya.

I'm a licensed civil engineer. Tulad ni Gab ay board passer din ako. Dahil sa sobrang pagkagusto ko sa kanya, pati course niya ay ginaya ko. Ngumiti ako. "Okay lang iyon, bess. At least I have him."

"Pssssh... Whatever! Puro ka Gab! Gab here! Gab there! Gabriel everywhere! But that fúcking Gabriel doesn't care about you at all!" inis na saad niya habang kumukumpas pa sa hangin ang mga kamay saka tumalikod sa akin.

Bumuntong-hininga ako. Unang lumabas si Nicz kaya sumunod ako. I was checking my for my phone inside my bag. Biglang huminto si Nicz kaya nabunggo ko siya.

"Oh bakit?" tanong ko pa. Narinig kong nagmura siya. I saw her eyes focused on one direction so I followed her line of vision.

Bigla akong nabato sa kinatatayuan ko. I saw Gab with Carmela, ang first love niya. Ang nag-iisang babeng sineryoso at minahal niya.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Parang sinaksak ng libo-libong kutsilyo ang puso ko at nanginginig ang mga tuhod ko. Suddenly what Gab told me at the reception right after the wedding flashed back in my mind.

"Happy? Kasal ka na sa akin. Pero ito ang tatandaan mo. Hindi ako magiging faithful habang nagsasama tayo."

******


Faded Memories (Complete)Where stories live. Discover now