Chapter 33

3.9K 77 0
                                    

Ilang oras pa lang ako dito sa trabaho pero inip na inip na ako. Nandito nga ang katawan ko pero nasa bahay naman ang utak ko. Wala nga akong naintindihan sa presentation sa board meeting kanina because I was busy texting Abby, asking her how they were doing. Wala rin akong maintindihan sa mga nakasulat sa documents na nandito sa portfolio para sa certain project that Dad wanted me to review dahil napapatitig ako sa picture ng mag-ina ko sa ibabaw ng table ko. Fúck! I was so dàmn smitten by them. They're my life, my everything.

I missed being with them all the time. Since Hash turned three months yesterday, sinabihan ako ni Dad na bumalik na sa trabaho today. Hindi na tuloy namin magagawa ang daily early morning routine namin na ipasyal sa park sa loob ng subdivision namin si Hash.

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang biglang tumunog ang phone ko sa tabi ng portfolio. I immediately grabbed it.

Abby Honey Ko calling...

I was so excited to answer the call when I saw Abby's name on the screen. Sinalubong agad ako ng tunog ng iyak ni Hash sa background. "Ba't umiiyak si Hash, honey? What happened?"

"Nagising ng alanganin at nag-aalboroto na naman. Kanina pa siya iyak nang iyak, Gab. I tried to feed her pero ayaw naman niya. Dinala ko na sa may garden pero useless din. Ikaw lang naman kasi ang nakakapagpatahan sa kanya pag naiistorbo ang tulog niya eh."

"Gusto mo umuwi na lang ako? Aayusin ko lang itong-"

"No, Gab. Don't do that. Nakakahiya na kila Daddy eh."

I groaned out of frustration. "Nakakainis. I want to see her, Abby. Open mo nga Skype mo sa tablet, honey. Gusto ko kayong makita, please."

"Sige, wait lang saglit."

I opened my Skype in my laptop and waited for Abby to appear in the monitor. Ang sarap na naman ng pakiramdam ko when I saw the two most important women in my life. "Hey, little princess! Why are you crying, my little baby girl?" Kumaway ako sa monitor. She stopped crying at napansin ko na galaw nang galaw ang mga mata niya na parang hinahanap ako. "Finished na mag-cry ang drama princess ko?"

"'Nak, papa's there oh." Tumuro si Abby sa screen. She held Hash's hand and waved it. "Hi, Papa! How are you there in the office?"

Napangiti ako. "I was so bored a while ago. But when I finally see my pretty little princess, Papa got too excited that I wanted to go home already and kiss you, my little darling."

"Awwww... Papa's too sweet, right Hash? Tell Papa you miss him and you love him." Inilapit ni Abby si Hash and looked at the screen. "I miss you, Papa. I love you, too. Pasalubong mo po kay Mama later. Chocolate mousse cake lang daw po."

Natawa ako bigla. "Galing sumegwey ng mama mo ah!"

She grinned at me. "Of course, honey ko. I love you, Gab."

I smiled at them. "And I love you both, honey and Hash." I sighed deeply. I was dreading the time kapag bumalik na ang memory niya. Paano ko kakayanin kapag nagalit si Abby sa akin? Mamatay ako kapag iniwan niya ako at inilayo niya si Hash sa akin.

******

"Excited to see Papa, Hash?" We're on our way to Montreal Fernandez Tower. Karga ko siya dito sa backseat ng kotse. Ayaw na kasi ni Gab na mag-drive ako ng sasakyan dahil masyado siyang paranoid na baka maaksidente na naman daw ako kaya kumuha siya ng driver para sa akin. We're going to surprise her papa. Nagluto kasi ako ng lunch at naisip ko na mas masarap kumain kung kasalo ko si Gab.

I heard her whimpered kaya inilapit ko siya sa may bintana. "Look outside, little princess. There are plenty of cars oh." But she doesn't seem to like the view. She whimpered again and was about to cry kaya nilibang-libang ko na. She's now three months old at sabi nila Mama ay ang bilis daw niyang lumaki.

Faded Memories (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon