Chapter 43

4.7K 96 0
                                    

******

Ang tagal ko nang naghihintay pero wala pa rin siya. Nagsawa na ba siya sa akin? Hindi na ba niya ako mahal? Umaasa na lang ba ako sa wala? Hindi ba sinabi niya noon na kapag nawala ako sa kanya, he would search even the depths of the earth just to find me?

"Then where are you now, Gab? Bakit wala ka pa rin? Naubos mo na ang inip ko. I really miss you so much already," I cried while hugging the pillow beside me. "Sobrang miss ka na namin ni Hash." I buried my face on the pillow and cried my heart out habang bumabalik sa alaala ko kung paano niya ipinangako sa akin na palagi niya akong babantayan at poprotektahan.

******

"Abby, kanina ka pa tingin nang tingin sa orasan mo. Is there something wrong?" Mama asked me.

Nandito kami ngayon sa family dinner sa bahay ng tito ko na kapatid ni Papa. Gomer wasn't here though in-invite naman siya ni Papa. Hindi naman kasi siya gaanong close sa ibang mga relatives namin.

"Kasi, Mama, may audition po sila Gomz tonight doon sa isang bar na nagha-hire ng mga bagong banda..."

She sighed. "And you want to go there? Hindi ba delikado para sa iyo na magpunta roon? Okay lang sana kung kasabay mo ang kuya mo."

"Palagi naman po akong sumasama sa mga gigs nila eh. I'll be fine, Mama. Please, convince Papa na payagan na akong magpunta roon. Please, Mama?"

Wala nang nagawa si Papa nang si Mama na ang humiling sa kanya. Ipinahatid ako agad ni Papa sa driver namin doon sa bar. Pinagmadali ko pa si Kuya Roel dahil baka magsimula na iyong audition at wala na akong abutan dahil di ko naman alam kung pang ilan ang The Freaks sa mga kakanta.

Gusto kong ipakita sa kanila ang suporta ko lalo na at kanina pa text nang text si Gab sa akin at tinatanong ako kung makakarating daw ba ako. Hindi raw siya makakakanta ng maayos kapag hindi niya ako nakita doon. Napangiti ako. Kinikilig ako dahil ang sweet niya talaga. Gusto niya palagi niya akong nakikita sa bawat gigs nila.

Luckily, hindi pa nagsisimula iyong audition pagdating ko doon. I texted Gomer para sunduin ako sa entrance.

Napangiti siya nang makita ako. "Akala ko di ka na papayagan ni Papa. Come on. Let's get inside." Inakbayan niya ako at dinala sa table nila.

Nakita ko agad ang Freaks doon sa may sofa. Magkakaharap sila sa table. Gab was busy tapping the screen of his phone. I felt my phone vibrated in my hand. Napangiti ako nang makita kong may text message siya. Hindi ko na nabasa iyon dahil nakalapit na kami sa table nila.

"Whoa! Dumating din finally ang number one fan ng The Freaks!" sigaw ni Calix.

I wasn't looking at him dahil kay Gab nakatutok ang mga mata ko. Nakasimangot siyang nag-angat ng tingin. Our gazes met. His lips parted a little. A smile broke his lips and I saw relief in his eyes when he saw me.

Umupo kami ni Gomz sa sofa paharap sa kanila ni Calix. I was between him and Yui. Now they were chatting about the other auditionees.

Nagtama ulit ang mga mata namin. His eyes motioned for something. I frowned. "What?" I mouthed.

He looked down on his phone and typed something.

I took my phone and read the message that he sent.

Gab: I'll c u in d comfort room. I'll go ahead then follow me after a minute.

Napanguso ako nang mabasa ko iyon. Nakatayo na siya matapos magpaalam na pupunta muna sa bar counter. I waited for a minute bago nagpaalam kay Gomer para magpunta sa CR. Palinga-linga ako nang makalapit ako sa may labas ng comfort rooms. Nagulat pa ako nang may humablot sa kamay ko at bigla akong hinila. Sisigaw sana ako pero nakita ko agad na si Gab iyon.

Faded Memories (Complete)Where stories live. Discover now