Chapter 5

6.3K 141 5
                                    

WARNING : SPG

*****

Pagkapasok ko ng bahay ay agad akong sinalubong nila Mama at ng mommy ni Gab. They kissed and hugged me. Na-miss daw nila ako at bakit daw di kami bumibisita ni Gab sa bahay nila. I lied to them. I told them that Gab was too busy. Buti na lang napaniwala ko sila.

"Oh Gab, Abby, kailan niyo ba balak na bigyan kami ng apo?" magiliw na tanong ni Mommy Gracia.

Lahat sila ay nakatingin sa amin. Napalunok ako nang sunud-sunod. Napaurong ang dila ko. Di ko alam ang sasabihin ko. Natatakot ako.

"Naku, di na kami bumabata, 'no! Dapat makita namin ang ikatlong henerasyon ng pamilya, di ba Mars?" sabi naman ni Mama.

"Nga naman, hijo. Dapat lalaki para kasing gwapo ko," my father added.

"No, Bernard. Dapat kasing kisig ko," natatawa namang sabi ni Daddy Joaquin.

"Oh, ano na? Nagpa-check up ka na ba? Gusto mo samahan kita sa OB? Almost one year na kayong kasal. Who knows baka may laman na iyang tiyan mo," sunud-sunod na sabi ni Mommy Gracia.

Napalunok ako. Tumingin ako sa gawi ni Gab pero mukhang wala siyang naririnig. Maraming mga tanong sila mama pero ngiti lang ang nabibigay kong sagot.

Umubo si Gab tapos nagsalita. "As of now, Ma, Pa, Dad, Mom, ini-enjoy pa muna namin ni Abby ang buhay mag-asawa. We're still young. We're only 22. Parang masyado naman yatang maaga for our age ang magkaroon ng anak," pormal na saad niya.

Sumang-ayon naman sila sa sinabi ni Gab.

Nagpa-deliver na lang sila Mommy ng pagkain para sa hapunan namin. Para di na daw kami magluto.

We were in middle of eating our dinner nang biglang sumama ang sikmura ko. Naduduwal ako. I ran to the bathroom immediately at doon dumuwal nang dumuwal. Dinaluhan naman ako ni mama at Mommy Gracia. Hinimas nika ang likod ko. Sumunod naman sila Dad at pati na rin si Gab.

Pagkatapos niyon ay pinaupo nila ako sa sofa. Nanghihina ako pero di ko ipinapahalata. Napatingin ako sa gawi ni Gab. Nakunot ang noo niya habang mataman akong tinitingnan. Nag-iwas siya ng tingin nang mapansin niyang nakatingin din ako sa kanya.

"Abby, are you pregnant?" tanong ni Mommy.

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba o hindi ang totoo. Tiningnan ako ni Gab. Nakatitig siya sa akin pero di ko mabasa ang expression ng mukha niya.

"Ay, hindi po. Kung anu-ano po kasi ang mga kinain namin ni Nicz kanina sa condo niya kaya baka naghalo-halo sa tiyan ko," nakangiting saad ko.

Bumuntong-hininga sila Mama na para bang dismayado sila sa sinabi ko. "Haaaayy. Sayang naman, Mars. 'Kala ko positive na," saad ni Mommy.

******

Hindi rin nagtagal ang mga magulang namin at nagpaalam din agad sila. Magbo-bonding pa daw muna sila.

Pagkasara ko ng pinto ay nagulat ako nang bigla akong isinandal ni Gab doon. Napangiwi ako dahil tumama ang ulo ko.

"Buntis ka ba?!" he asked in an angry tone.

Napailing ako dahil sa takot. "Hindi, Gab. Nakakain lang talaga ako nang sobra kaya hindi kinaya ng sikmura ko kaya nagsuka ako," nanginginig ang boses ko.

Nagulat na lang ako nang biglang hinila niya ako papuntang kwarto. Pabagsak niya akong itinulak sa kama. He took his shirt off. Hinila niya ang mga binti ko kaya pabagsak akong napaupo sa sahig. I winced again in pain. I automatically held my stomach for fear na baka mapaano ang baby namin.

Faded Memories (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon