Chapter 16

4.7K 101 1
                                    

Imbes na iwasan ko si Gab ay lalong naging madalas ang paghahalikan namin. I couldn't help it. Kahit ano'ng pilit kong iwasan siya ay di ko na magawa. Para siyang gayuma. Naging sunud-sunuran ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Hinahanap-hanap ko ang mga labi at mga haplos niya.

There were times na hihilahin niya na lang ako sa sulok at doon pupudpurin ng halik ang mga labi ko. Para kaming uhaw sa halik. Minsan nga ay pumasok pa siya sa kwarto ko just to kiss me. Kung makikitulog naman sila sa bahay ay imbes na sa guest room siya matulog ay tumatakas siya papunta sa kuwarto ko at tumatabi siya matulog sa akin sa kama ko. Buti na lang at hindi siya masyadong napapansin nila Gomer. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit hinahayaan ko siya na gawin ang mga iyon sa akin.

Kalalabas ko lang ng art room nang may biglang humawak sa kamay ko. Nagulat ako pero nang mapatingin ako sa tao na iyon ay bigla siyang ngumiti kaya napangiti na rin ako. It was Gab.

Nagiging madalas na ang ginagawa niyang ito sa akin. Nagugulat na lang ako dahil kung minsan ay bigla niya na lang akong yayakapin, aakbayan, or sometimes he will give me a quick kiss on my lips kahit nasa harap pa kami ng maraming tao. Minsan ay hinahatid niya ako o sinusundo sa bahay. And I find it cute and very thoughtful. Nakakakilig kasi pakiramdam ko ay mag-boyfriend-girlfriend kami although wala naman siyang sinabi kung ano ba ang status ng relationship namin. Basta ang alam ko lang ay masaya ako kapag kasama siya.

He entwined our fingers while we're walking. Napatingin ako sa kanya pero diretso lang ang mga mata niya sa dinadaanan namin.

"Abby..." he said after a while. We stopped in the middle of the corridor. Hinarap niya ako sa kanya. Napakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya.

"I love you," he said directly at me.

My heart started beating so fast. Nanlaki ang mga mata ko because of what I've heard. Really? He loves me? And he said those words in front of me and in front of the students around us? May narinig pa akong sumipol at tumili na parang kinikilig. But my focus is only on Gab's face. Napatulala ako.

He gently wrapped his arm around my waist and carefully pulled me up a little. I am tiptoeing until I felt his lips kissing mine. Now he is kissing me passionately. Napangiti ako sa paghalik na ginagawa niya sa akin and I unconsciously put my hands around his neck and kissed him back. Nakakapagpalimot talaga humalik si Gab. Kahit nasa harap kami ng maraming tao ay pakiramdam ko ay kami lang dalawa ang nandito.

I cut the kiss when somebody bumped me and released myself from Gab's grasp.

"Excuse me! PDA much! Mahiya naman kayo sa mga tao sa paligid ninyo. Kung magtutukaan man kayo, pwede sa private place na lang and not on public kasi ang pangit tingnan!" mataray na sabi ng babaeng bumangga sa akin.

I looked at her. Nakataas ang kilay niyang nakatingin sa akin from head to foot. May dalawa siyang kasama sa likod niya na tulad niya ay may pagkamataray din ang dating. Hindi ko siya kilala. She looked at Gab's direction. Biglang nagbago ang expression ng mukha niya na para siyang nasasaktan. I turned to Gab. Nakatingin lang siya sa babae. Parang may kung anong kirot akong naramdaman sa dibdib ko pero binalewala ko na lang iyon.

Hinawakan ni Gab ang kamay ko at inilapit ako sa kanya. "Why? Inggit ka? Makipagtukaan ka rin doon sa MVP mo!" may galit sa tonong sabi ni Gab.

"Gab..." parang maiiyak ang boses na sabi ng babae.

"Let's go, honey. Ipagpatuloy natin ang tukaan natin sa kwarto ko. At higit pa sa tukaan ang gagawin natin," mariing sabi ni Gab at hinila ako palayo sa babaeng iyon.

Faded Memories (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon