Chapter 40

4.7K 97 0
                                    

ahammm... hehehe! :) hello guys!, Dedicated po ang chapter na ito sa inyong lahat na readers ng FM dahil sa 100k na suporta nyo sa FM mula umpisa hanggang ngayong malapit na ang ending especially to @ForsomeTeens dahil sa encouragement mo kay Gab sa previous chapters. Bukas pa po sana ang update pero dahil nag-100k ang reads ng FM kagabi dahil sa inyo ay eto ang regalo namin sa inyo!

Nais ko lang po magpasalamat sa lahat ng sumusuporta sa Faded Memories. Shocks!, HAPPY 100k Reads na kay 'BABA' natin.!, kyaaaah!!!, ay!, hahaha!, kinilig lang ako. sorry!, this is so unexpected. salamat sa aking bff at editor sa pagpapaganda ng mga scenes (@leleleah) alang-alang po sa inyo mga ka-baba!, hahaha!. By the way salamat po talaga sa suporta. Highly appreciated po!. Sa mga palaging nagvo-votes, salamat! At lalo na sa mga matiyaga na palaging nagpopost ng comments na sobrang heartwarming at nagbibigay ng inspiration at motivation sa amin para makagawa kami ng magandang updates at ma-edit ng maayos ang mga eksena, maraming salamat! napaka-rewarding po makatanggap ng votes at comments galing sa inyo!

Congratulations sa ating lahat!!! :)♡♡♡

******

"Dude, are you even aware na nakakahiya itong ginagawa natin? Pakshet, nakakabakla ito!" reklamo ni Gomer habang naglalakad kami dito sa park.

He was holding Hash's left hand while I was holding her right hand. Inilalakad namin si Hash para ma-exercise at lumakas ang leg muscles niya since nakakatayo na rin naman siya para matuto nang lumakad. It was so nice to see her making very small steps while laughing. Pero tama si Gomz, hindi nga magandang tanawin na kaming dalawa ang nakahawak sa magkabilang kamay ng anak ko habang namamasyal kami dahil nakakabaklang tingnan.

"Language, dude!" saway ko sa kanya.

"Language mo mukha mo! Makipag-ayos ka na kasi kay Abby para kayong tatlo ang gumagawa nito. Family bonding n'yo dapat 'to eh. Hindi bonding nating tatlo kasi nakakadiring tingnan. Kalalaki mo kasing tao pero naduduwag ka kay Abigail."

I took a deep breath and looked at him seriously. "Hindi ko alam kung paano ako magpapakita sa kanya. Natatakot kasi akong ipagtabuyan niya ulit. Sobrang sakit makatanggap ng rejection, Gomz, especially from the person that you truly love."

"Gusto mo bang kausapin ko na si Abby? I'll try to convince her para makipag-ayos na sa iyo."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. "Seryoso? You'll do that? Payag ka na talagang magpakita ako kay Abby?"

"Mas gugustuhin ko na iyon kesa naman tayong dalawa ang naglalabas kay Hash para ipasyal kapag nasa school ang mama niya."

"Mama!" biglang sigaw ni Hash saka tumawa.

Sabay pang nanlaki ang mga mata namin ni Gomz nang marinig iyon. Napaupo ako sa harap ng anak ko at hinawakan ang katawan niya to support her body.

"Did you say mama, Hash?"

"Ma-ma!" Then she chuckled again.

Fúck it! She really did say mama! She's almost ten months when she finally said it. Sayang at wala si Abby kaya hindi niya narinig ang unang beses na tinawag siya ng anak namin.

I took my phone to record her on video. "Say mama again, baby girl. Ma-ma."

My little girl giggled, showing her one lower tooth. "Mama!"

"Langya! Mama daw, dude! Naku, matutuwa si Abby kapag narinig niya iyan," sabi ni Gomer na nakaupo na rin sa tabi ko.

Natutuwa kong hinalikan ang pisngi ni Hash. "Very good little, princess. Now naman say pa-pa."

"Baba!"

Biglang humalakhak si Gomer. Pati si Hash ay tumawa rin ng malakas habang nakatingin sa tito niya. Akala siguro ay nakikipagtawanan si Gomer sa kanya.

Faded Memories (Complete)Where stories live. Discover now