Chapter 32

3.8K 77 0
                                    

I suddenly woke up in the middle of the night when I heard a faint whimper. Napatingin agad ako sa gilid ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong gising si Hash pero halos di na makagalaw dahil nakayakap and forearm ni Abby sa katawan niya. She whimpered again uncomfortably kaya napabangon na ako para angatin ang braso ni Abby na mahimbing na mahimbing na natutulog sa tabi niya.

This was the first night of Hash here in our house so we've decided na itabi siyang matulog sa amin. Pero hindi yata magandang idea ang naisip namin dahil mukhang balik na naman sa dati ang himbing ng tulog ni Abby at baka hindi namin mamalayan na napisa na pala niya si Hash. Siguro ay bumabawi ang katawan niya sa mga puyat bago siya nanganak.

I took my little princess in my hands bago sumandal sa headboard at idinapa siya sa dibdib ko. Sabi sa internet ay importante daw ang ganitong posisyon sa mga newborn babies so they could get warm.

"Ikaw ha, little princess, mahilig ka talaga magpuyat kahit noong nasa tummy ka pa ni Mama. Sleep ka na lang sa chest ni Papa, okay?" I gently caressed her head pero mukhang wala talagang balak matulog itong prinsesa ko. I caressed her nape while humming her favorite song from Aladdin at napansin ko na tumigil siya sa pagkawag ng mga kamay niya at ilang saglit pa ay nakapikit na. Napangiti ako. Ganoon lang naman pala ang dapat gawin para patulugin siya.

Hindi ko na nga namalayan na nakatulog na pala ako at nagising na lang nang biglang umiyak si Hash sa dibdib ko. Kahit anong pag-alo at pagkanta pa ang gawin ko ay ayaw talaga niyang tumigil sa pag-iyak. At kahit anong ingay din ng iyak niya ay hindi man lang nabubulabog ang mama niya. I knew something's wrong with her kaya hindi na ako nagdalawang-isip na gisingin si Abby.

Napabalikwas din siya ng bangon nang marinig ang malakas na pag-iyak ni Hash. "Why? What happened?" She took Hash from me.

"Eh ano ba ang possible reasons kaya umiiyak ang baby?" Pati tuloy ako ay nabablanko na.

"Full na ang diaper? Nag-poop?" Tiningnan niya ang diaper ni Hash. "Di naman eh. Baka gusto mag-burp! Sabi ni Mama umiiyak daw ang baby pag gusto mag-burp."

"Di pa nga nakakakain, burp agad?" nawiwirduhang tanong ko.

"May newborn baby ba na nakakakain agad ha?" pilosopong tanong niya.

"Tsss... Dede nga ang pagkain niya eh," sagot ko naman. Nagkatinginan kami.

"Gutom!" sabay pa naming sabi habang nakaturo sa isa't-isa.

She pulled the hem of her shirt up bago inilapit ang bibig ni Hash sa nip niya. Hash immediately sucked on it and stopped crying. 

Abby closed her eyes and hissed out.

"Masakit?" I asked curiously.

"Medyo. Di ako sanay eh. Grabe naman makasipsip 'tong anak mo, Gab."

Napangisi ako. "Pag ako kasi ang sumisipsip diyan, I always make sure na soft and tender lang para di ka masasaktan--araaaay! Ang sakit mo talaga manghampas, honey!"

Faded Memories (Complete)Where stories live. Discover now