Chapter 14

4.8K 90 0
                                    

WARNING : Medyo SPG

******

I'm watching Gabriel while he's surfing. Nakaupo lang ako dito sa buhangin paharap sa kanya. Niyaya niya akong mag-swimming pero tumanggi ako. Nakakaramdam pa rin ako ng pagkailang sa kanya everytime na tumititig siya sa akin pero kapag sobrang lapit naman niya ay parang gusto ko siyang yakapin. Sobrang nalilito na ako. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko para sa kanya.

Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi naman maitatangging sobrang gwapo ng lalaking ito lalo na kapag ngumingiti siya ay parang nadadala akong ngumiti din. Matikas ang dating ng katawan niya.

I shut my eyes tightly nang biglang may gumuhit na scenario sa paningin ko habang pinapanood si Gab. The scenario was so familiar to me. I was also sitting on the seashore habang nagsi-surf siya. Nilapitan niya ako at niyayang mag-surfing. Pumayag naman ako. Pero habang tumatayo ako sa ibabaw ng surfboard kasabay ng mga alon ay na-out of balance ako at nahulog sa tubig.

Nahirapan akong huminga habang naiisip ko iyon. Binuksan ko ang mga mata ko at tumingin ulit kay Gab. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa biglaang pagsakit niyon. Napapikit ako ulit. Nilamon ako ng mga alon until I passed out while drowning in the seawater. When I gained consciousness, I coughed and drew out the water that I inhaled. I opened my eyes and I saw Gab's worried stricken face. Bigla niya akong niyakap habang paulit-ulit na nagmumura.

I shook my head. What happened next? Pilit kong iniisip kung ano ang sumunod na nangyari pero wala na akong maalala. Hindi ko matandaan o maalala kung saan at kailan iyon nangyari.

I looked at him again and bit my lower lip. He look so dàmn hot. Naka-swimming trucks lang siya at nakakasilaw ang magandang hubog ng katawan niya. His firm muscles. Those perfectly sculptured abdominal muscles. Sheeez! What the heck, Abigail?! Are you lusting over Gabriel?

Nakasabay siya sa hampas ng mga alon. Napalunok ako at yumuko habang sinasaway ang sarili ko. Am I fantasizing about him? Shucks!

Hindi ko na napansin na nasa harap ko na pala siya at tapos na palang mag-surfing. Tumingala ako at tiningnan siya. He gave me a soft smile and offered his hand. Napatingin ako doon at nag-aalangan ako kung tatanggapin ko ba o hindi, but in the end I decided to take it. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako patayo.

Dama ko ang init ng katawan niya kahit basa siya. I don't know why but I always feel safe in his hands. Parang miss na miss ko ang mga kamay niya na nakahawak sa kamay ko. Napangiti ako at napatingin sa kamay namin nang bigla niyang pagbuhulin ang mga ito. Napahinto ako sa paglakad kaya napatingin siya sa akin. Kipkip niya sa kabilang braso ang surfboard niya. Sobrang pamilyar sa akin ang ganitong pakiramdam at ganitong scenario.

"Why?" he asked curiously.

"Uhmmm... I-iyong kamay mo," nauutal pero nakangusong sabi ko. Sheez! Bakit ba ako nauutal?

Napatingin siya sa akin at sa kamay namin. Tumawa siya kaya kumunot ang noo ko.

"Ano'ng nakakatawa, Gabriel? Bitiwan mo na lang kaya ako. Kaya ko namang maglakad nang di nakahawak sa kamay mo," asar na saad ko sabay nguso.

"Stop pouting your lips, Abby, because everytime you're doing that, natutukso akong halikan ka," saad niya na nagpalakas ng tibok ng puso ko.

Mas lalo niya lang hinigpitan ang paghawak sa kamay ko. Hinila ko iyon pero hinila niya rin pabalik sa kanya. I tried my best para makawala sa pagkakahawak niya.

"Let me go, Gab," nakangusong saad ko sabay hila ulit ng kamay ko but that was a wrong move. Hinila niya ako nang malakas palapit sa kanya kaya nabunggo ako sa matipunong katawan niya. Napatingin ako sa kanya.

Faded Memories (Complete)Where stories live. Discover now