Chapter 11

6.7K 113 0
                                    

Tumihaya ako mula sa pagkakadapa sa kama ko and frustratingly pulled my hair. Shít! Magdamag na akong pagulong-gulong dito sa kama ko. Malapit nang mag-umaga pero di pa rin ako nakakaisip ng magandang way para ligawan si Abby.

Kailangan kong bumawi sa lahat ng mga nagawa ko sa kanya. Pero ano ba ang pwede kong gawin para makabawi? Ano ba ang mga hilig ni Abby? Simple lang naman siya at di materialistic.

Arts! Bilhan ko kaya siya ng sandamakmak na paintings. Napailing ako. Bakit ko naman gagawin iyon eh si Abby naman ang greatest painter ng buhay ko.

Wag na lang regalo. Daanin ko kaya sa traditional. Ipag-igib ko ng tubig o ipagsibak ko ng kahoy. Tangna, nababaliw na yata ako sa mga naiisip ko. Mayaman si Abby, di niya kailangan iyon.

Napatingin ako sa gitara ko na nasa sofa. I sighed sadly. Naalala ko noong kinantahan ako ni Abby sa classroom namin before we graduated from college. Galit ako noon sa kanya at di ko siya kinakausap because that was the time when I learned about the fake pictures. Idinaan niya sa kanta ang mga gusto niyang iparating sa akin. She cried that time in front of our classmates and I really wanted to hug and kiss her but I kept myself from doing so.

What if I'll do the same for her? Haranahin ko kaya siya. Baka pakinggan na niya ako. Ano'ng kanta ba ang mga hilig ni Abby?

A triumphant smile formed my lips. Kinuha ko ang cellphone ko and started browsing YouTube.

******

Microphone, stand, speakers. Kumpleto na.

Isasara ko na sana ang compartment ng kotse ko nang biglang may tumulak sa akin kaya muntik na akong masubsob sa loob niyon. Kasunod niyon ay malakas na tawanan. Galit akong lumingon. I saw Travis, Calix, and Yui laughing but it was Calix who pushed me.

"Gago kayo! Wala pa 'kong tulog kaya wag n'yo 'kong asarin," seryosong bulyaw ko sa kanila.

"Kulang ka na sa himas ni Abby kaya napaka bugnutin mo. Tigang ka na, dude!" sabi ni Travis kaya nagtawanan na naman sila.

Tinitigan ko sila ng masama. "Bakit ba kayo nanggugulo dito ng ganito kaaga?"

"Yayayain ka sana namin mag-jogging pero mukhang may lakad ka yata," si Calix.

"Saan ka ba pupunta ng ganito kaaga at may dala ka pang mike at speakers?" tanong ni Yui habang nakatingin sa loob ng compartment.

Isinara ko na iyon. "Haharanahin ko si Abby."

Natahimik sila pero maya-maya pa ay biglang nagtawanan.

"Seryoso ka ba, dude? Sa gabi nanghaharana at hindi pagkatapos tumilaok ng mga manok sa umaga!" natatawang sabi ni Travis.

"Walang pinipiling oras ang taong in love. Kapag natutunan niyo nang magmahal, maiintindihan niyo rin kung bakit ako nagkakaganito. Kahit magmuka pa akong tanga at katawa-tawa sa gagawin ko, wala akong pakialam. Mahal na mahal ko si Abby kaya desperado na akong gawin ang kahit anong bagay basta bumalik lang ulit siya sa poder ko," seryosong sabi ko sa kanila.

Natahimik silang tatlo at nag-iwas ng tingin sa akin.

"Diyan na nga kayo. Mga bwisit!" Sumakay na ako sa driver's seat. Nagulat na lang ako nang magpasukan ang mga loko sa backseat ng kotse ko. "Tangna! Magsibaba nga kayo!"

"Dude, moral support mo kaya kami," si Travis.

"At taga-comfort mo kapag binasted ka na ni Abby," si Calix na halatang nagpipigil ng tawa.

Napailing na lang ako. "Mga kaibigan ko ba talaga kayo?!" sigaw ko na sinagot nila ng tawanan.

******

Faded Memories (Complete)Where stories live. Discover now