Chapter 36

3.8K 85 4
                                    

Para akong wala sa sarili habang nakaupo dito sa labas ng bahay namin at nakatulala lang sa malayo. Kahit pinipigilan ko ang pag-iyak ay tumutulo pa rin ang mga luha ko. Gulung-gulo ang utak ko at hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko.

"Then let me go."

Para akong nalagutan ng hininga nang hilingin niya iyon sa akin kanina. Hindi ako makahinga habang nakikita ko siyang nag-eempake ng mga gamit nila ni Hash para iwan ako kaya umalis na lang ako doon. Napakasakit naman gumanti ng karma sa akin. Noong una nawalan ako ng dalawang anak. Ngayon naman iiwanan ako ng mag-ina ko.

Gusto ko siyang pigilan pero hindi ko magawa dahil natatakot akong mas lalo pa siyang magalit sa akin. Siguro kailangan lang niya ng time and space para makapag-isip at mapatawad ako. Pero di ko alam kung paano ko kakayanin na malayo sila ni Hash sa akin. Iniisip ko pa lang pero para na akong unti-unting pinapatay.

Nasaktan ako noong muntik na niya akong tuluyang iwan noon na hindi lang natuloy dahil naaksidente siya. But it was ten times painful this time dahil hindi lang siya ang aalis, kasama niya ang anak namin na ni ayaw ko ngang nawawala sa paningin ko.

Napalingon ako nang lumabas siya sa front door na karga si Hash at nakabihis na sila pareho ng pang-alis. Kasunod nila si Ate Mila at Manang Lorna hila ang dalawang maleta. Pinahid ko ang mga luha ko. Halos hindi ako makatayo dahil nanghihina ang mga tuhod ko pero pinilit ko pa rin at naglakad palapit sa kanila. Inilalagay na nila Ate Mila ang dalawang maleta sa compartment ng kotse niya.

"Abby, please..." I pleaded her.

Ibinigay niya si Hash sa akin. "Say goodbye to her," sabi niya bago tumalikod sa akin.

"Baba," nakangiting tawag ng anak ko sa akin at hinawakan pa ang mukha ko.

Halos hindi ko na makita ng maayos ang mukha niya dahil hilam na sa luha ang mga mata ko. She was smiling innocently at me without knowing what's happening between me and her mom.

I held her tiny hand while looking at her mom. Alam kong umiiyak din si Abby dahil yumuyugyog ang mga balikat niya. I looked at my daughter. "I'm so sorry, little princess, for making your mama cry again. Ikaw na ang bahala kay Mama, okay? Ikaw muna ang guardian angel niya for the meantime. I want you to be her source of joy and strength. Bad kasi si Papa, lagi na lang pinapaiyak si Mama." Hinaplos ko ang pisngi niya at hinalikan ko ng paulit-ulit ang mukha niya kaya nabasa na rin ng mga luha ko ang mukha niya. "Papa loves you and Mama so much. Always remember that, okay?"

Humarap na si Abby sa amin. She was crying also but she wasn't looking at me. Kinuha na niya si Hash sa akin kahit na halos ayaw ko pang bitiwan ang anak ko. Sinusundan ko lang si Hash na tingin. She looked at me also and smiled at me. Inaabot pa niya ang kamay niya sa akin pero hindi ko na magawang hawakan iyon. I tried to smile at her dahil ayokong ipakita sa kanya how broken I was right at this moment.

Ipinasok na ni Abby si Hash sa backseat and settled her on the baby's car seat there before she went to the driver's seat. Hindi pa rin siya tumitingin sa akin even for the last time. Binuhay niya ang makina ng kotse at wala na akong nagawa kundi sundan na lang ng tingin iyon habang palabas ng gate namin.

Napatingin ako sa bahay namin. Kakayanin ko bang mag-isa dito? Napatingin ako sa gate na isinasara na ni Manang ngayon. Tangina, di ko mapigilan ang mag-alala. Abby's emotional right now. Paano kung maaksidente na naman siya habang nagmamaneho? Kasama pa naman niya si Hash.

Napabuga ako ng hangin bago mabilis na sumakay sa kotse ko at sinubukang habulin sila. Minsan na siyang muntikan mawala ng tuluyan sa akin. When that truly happens, na talagang mawala siya o sila ni Hash, sisiguruhin kong kasama nila ako sa hukay the next day.

Faded Memories (Complete)Where stories live. Discover now