Chapter 21

4.5K 72 0
                                    

WARNING: SPG

*****

I was walking alone in the school corridor. Pagabi na kaya wala na masyadong mga estudyante. Galing kasi ako sa fine arts building dahil sa isang art exhibit. I already called Gomer and told him na mauna na siya umuwi dahil may practice pa siya sa frisbee. Magta-taxi na lang ako pauwi.

Napangiti ako nang maalala ko na naman ang mga nangyari sa amin ni Gab this past five months. Ibang-ibang Gabriel talaga. He was so sweet, caring and thoughtful. Para kaming mag-boyfriend-girlfriend kahit hindi naman. Parang bumalik lang kami sa dati noong high school pa lang kami. Ang kaibahan lang ngayon ay fubus kami.

But we have happy memories together. Hindi naman puro séx lang ang ginagawa namin. Madalas niya ako ipinapasyal sa kung saan-saan. Mahilig din siyang mag-swimming kaya palagi niya akong hinihila sa mga resorts, but he strictly forbade me into wearing too revealing swimsuits dahil para sa mga mata lang daw niya ang buong katawan ko. Yes, he's too possessive but I really love the idea of him possessing me. Kaya nga nang minsang isinama niya ako na mag-gym ay di na naulit iyon dahil muntik na siyang mapaaway dahil pinagpipiyestahan daw ako ng mga mata ng mga lalaki doon na parang gusto na akong kainin ng buhay.

Sabay din kami nagre-review para sa exams. Madalas din ay sabay kaming gumagawa ng mga plates namin para sa engineering subjects namin doon sa condo niya. He was patiently teaching me with the things na hirap ako intindihin especially sa mga computations at sa mga measurements sa plates. At kapag pagod na ako sa kakaguhit at kakasukat ay minamasahe pa niya ang likod ko. Kapag sobrang antok na ako ay pinapatulog na niya ako at pagkagising ko ay makikita ko na lang na tinapos na niya pati ang plates ko. Napaka-thoughtful talaga ni Gab.

Masasabi ko na nag-level up na talaga kami. One month na lang at ga-graduate na kami. Kahit ganito lang kami ay ayos lang sa akin. Alam kong concern din si Gab sa akin kaya I'll never lose hope that someday, Gabriel will learn to reciprocate my love for him. Napangiti ako sa naisip ko.

Napahinto ako nang may narinig akong parang nagtatalo. Hindi naman ako nosy na tao pero parang gusto kong pakinggan ang usapan nila. Pamilyar kasi sa akin ang boses nila. My heart was beating so fast. Parang kilala ng puso ko ang isa sa kanila kaya lumapit ako sa may pinanggagalingan ng mga boses. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Awtomatiko akong nakaramdam ng selos at sakit. It was Gab. Nakatalikod siya sa akin pero alam kong siya iyon. At ang babae naman ay si Carmela. Parang tinusok ang puso ko. Carmela was back at natatakot ako sa pwedeng mangyari sa pagitan namin ni Gab.

Hindi ko masyadong marinig ang pinag-uusapan nila kaya lumapit pa ako ng bahagya. Carmela was crying. She tried to hugged Gabriel pero umiwas ito. My heart is beating too fast as I look at them.

"Babe, I'm back! I'm back for good. Hindi na kita iiwan ulit. I'm so sorry. Mahal na mahal kita, Gabriel," naiiyak na saad nito. Yumakap pa siya kay Gab, but Gab pushed her away from him.

"Sorry, Cam," saad nitong umiling.

"Sorry for what, babe? Di ba mahal mo ako? Nandito na ako. Tayo na ulit," desperadang sabi pa nito.

"Sinabi ko na sa 'yo, di ba? Hindi pa ba malinaw sa 'yo iyon? Ayoko na!" sigaw ni Gab.

"No, babe! I know you still love me. Libog lang iyang nararamdaman mo para sa kanya. Wala lang ako kaya siya ang ginawa mong parausan," iyak ni Carmela.

Parang tinusok ang dibdib ko sa narinig. Alam kong darating ang pagkakataong ito na babalik si Carmela at alam ko kung saan ako lulugar sa sitwasyong ito pero hindi pa ako handang mawala si Gab sa akin.

Faded Memories (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon