Chapter 7

6.7K 148 2
                                    

I was sitting outside the emergency room, waiting for the doctor who was checking Abby. Ni hindi pa ako nakapagpalit ng t-shirt o nakapaghugas ng kamay man lang. I still have her blood on my shirt.

Hindi ko na maintindihan kung ano ang nararamdaman ko ngayon. I'm blaming myself because of what happened to her. Halo-halo ang nararamdaman ko. Gusto kong umiyak. Natatakot ako at nag-aalala.

Nasa ganoong ayos ako naabutan nila Travis, Calix, Gomer at Monique. Bigla na lang akong sinugod ni Monique at pinaghahampas.

"Gago ka, Gabriel! Ano'ng ginawa mo sa kaibigan ko? Hayop ka!" sinampal niya ako.

Hindi ako umimik. Tinatanggap ko na lang ang mga panankit niya. Tama naman kasi siya, hayop nga talaga ako dahil nagawa kong saktan ang sarili kong asawa.

Inaawat na ni Calix si Monique pero nagpupumiglas pa rin siya.

"Bitawan mo ako, Calixto! Tàngina 'yang kaibigan n'yo! Walang puso! Hayop! Mas pinaniwalaan pa niya ang ibang tao kaysa sa asawa niya! Pùta! Wala kang kwentang asawa! Iniisip mo ba talaga na kaya kang lokohin ni Abby, ha?!" umiiyak na sigaw niya.

Suddenly a hard punch hit my face. Halos mahulog na ako sa kinauupuan ko dahil sa lakas niyon. It was Gomer. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Hinawakan niya ang kuwelyo saka hinilang patayo at hinarap sa kanya.

"Fúck you, Gabriel! I don't know what's happening between you and Abby pero kayang-kaya kitang bugbugin ngayon pag may nangyaring masama kay Abby!" galit na galit na saad niya.

Lumapit si Travis para awatin si Gomer. "Kalma lang, dude. Nasa ospital tayo."

Patulak niya akong binitawan at umalis sa harap ko. I couldn't blame him with what he feels right now. Alam kong nag-aalala lang siya. Maging ako ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nalilito ako.

Matagal ko nang alam na jérk ako but now I feel like I'm the biggest douchebàg in the world for all the things that I did to my wife. Bakit nga ba mas nagtiwala pa ako sa ibang tao kaysa sa asawa ko? Paano ko nagawang isipin na makakaya akong lokohin ng sarili kong asawa when since high school days ay walang ibang pinapansin si Abby sa mga lalaking nanliligaw sa kanya, and during college days she'd been very vocal with her feelings for me.

Tangina lang! Saan napunta ang logic ko? Si Abby na yata ang pinakamabuting babae na nakilala ko sa buong buhay ko pero sinaktan ko lang siya nang sobra-sobra. Nanghihinang napaupo na lang ako ulit sa waiting chair habang naiiyak. Napasabunot ako sa buhok ko out of guilt and frustration.

"Who is the relative of the patient?" tanong ng doktor na lumabas mula sa ER.

Mabilis akong napatayo. "I'm her husband." I answered quickly. Narinig ko pang may ibinubulong si Monique pero di ko na lang pinansin iyon.

"Your wife was two months pregnant. Ligtas na siya but I'm very sorry to say na hindi namin nagawang iligtas ang baby. She'd lost a lot of blood already bago n'yo pa siya nagawang dalhin dito. I'm really sorry, Mister."

Parang bigla akong tinakasan ng lakas dahil sa narinig ko. Feeling ko anytime ay bibigay ang mga tuhod ko at babagsak na lang ako sa sahig. Dàmn it! It was my fault. We lost our precious baby because of me.

"Ililipat na namin siya sa private room." He tapped my shoulder before he went inside the ER again.

I heared Gomer's curses. Binigyan niya ako ng isa pang suntok. Inawat naman siya ni Travis at Calix.

"Dude, tama na!" awat ni Travis

"Gago ka, Gab! Napakapabaya mo! Tangna ka! I warned you before di ba na tigilan mo si Abby kung di mo naman kayang saluhin ang nararamdaman niya para sa 'yo! Pero ano? Ginawa mo pa rin! Hinayaan mo siyang mahulog sa 'yo nang tuluyan. Ni hindi ko nga nakikita na inaalagaan mo siya simula noong ikinasal kayo! Tapos ngayon pati anak n'yo nawala ng dahil sa kagaguhan mo! Fúck you, Gabriel!" galit na galit na sigaw nito. Binato niya muna ako ng nagbabantang tingin bago tumalikod at umalis.

Faded Memories (Complete)Where stories live. Discover now