Chapter 34

4K 77 4
                                    

My whole body was shaking while I'm running towards the ER. I saw Abby sitting on one of the waiting chairs there. She was sobbing while looking down at the white cloth with blood stains that she was holding. Paulit-ulit akong napamura sa utak ko habang palapit sa kanya. Nagsisimula na rin magluha ang mga mata ko. Ano ba'ng nangyari sa anak namin?

I gave Kuya Alfred, her driver, a thankful nod bago niya kami iniwan. I knelt in front of her and held her shaking hands that were tightly gripping the cloth.

She slowly lifted her gaze at me with her tear-streaked cheeks. "Gab..." Yumapos agad siya sa leeg ko at umiyak nang umiyak. "Gab, I'm sorry. I'm so sorry. I'm such a neglectful mother."

"Sssssshh..." I caressed her back. Inilayo ko siya ng bahagya para matitigan. "What happened? Tell me, ano'ng nangyari kay Hash?" Even my voice was shaking. Pati ang sarili ko ay sinisisi ko dahil hindi ko man lang naproteksyunan ang anak ko.

"Nadulas siya sa bathroom," hirap na sabi niya saka bumuhos ulit ang mga luha.

I wiped her tears. "Tell me exactly what happened. Paano siyang nadulas?" Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay niya dahil nanginginig ang mga iyon.

"Kasi kakatapos ko lang siya paliguan tapos inaayos ko iyong mga ginamit namin. Di ko naman napansin na gumapang pala siya papunta sa akin. Narinig ko lang siyang tumawa kaya napalingon ako sa kanya. Nagulat na lang ako nang biglang nag-slide iyong kamay niya dahil may basang part doon sa tiles." Lalo pang lumakas ang pag-iyak niya.

"Hindi ko na nahabol. I was able to reach her noong bumagsak na siya at umiiyak na. Tumama iyong chin niya sa floor. Kinabahan agad ako nong nakita kong dumudugo iyon pero nataranta na ako kasi iyak na siya nang iyak tapos ayaw talaga tumigil sa pagdugo iyong sugat niya. Hindi ko halos matingnan iyon kasi natakot na ako. Hindi ko kasi kayang makita siya na nasasaktan ng ganoon. Sorry, Gab. Sorry talaga. Napakapabaya ko. Iyon na nga lang ang trabaho ko, hindi ko pa nagawa ng maayos." She sobbed uncontrollably.

Umupo na ako sa katabing silya saka siya niyakap. I tried to console her. "No, don't blame yourself, honey. It's not your fault. It's just an accident, okay?"

Since Hash turned five months old and learned how to crawl, hirap na kaming bantayan siya dahil kung saan-saan siya nagpupunta. Hindi na namin siya maiwan na natutulog sa kama dahil baka mahulog siya kaya palagi namin siyang sa crib pinapatulog. Kahit sa gabi ay sa crib na rin namin siya pinapatulog. She's now six months old at ang bilis niyang lumaki at sobrang likot na rin niya.

"How is she now? Was she conscious when you brought her here?"

"Oo, iyak siya nang iyak. Tinitingnan na siya ng doktor ngayon sa loob" She held my hands. "Magiging okay naman siya di ba, Gab?"

I smiled at her kahit na ako mismo ay kinakabahan. Tangina! Malayo naman ang baba sa bituka di ba? "Of course, honey, she'll be fine. She's strong like you eh."

Hash was released that day also since the doctor assured us na wala naman daw siyang fractured bones. Medyo malalim lang daw iyong naging cut so they needed to stich it. They told us that the wound would leave a scar on her chin but would fade as she grow up.

It gave Hash discomfort. She couldn't sleep dahil palaging sumasakit iyong sugat niya. Iyak din nang iyak si Abby tuwing umiiyak si Hash kapag sumasakit iyon dahil nagi-guilty siya, although I was assuring her time and time again that it wasn't her fault.

But my little princess seemed to feel her mama's distress kaya kapag nasa mood siya ay nilalapitan niya ang mama niya and she would smile at her and touch her face as if she was comforting her mother and telling her not to cry because she would be fine. I was so proud of her dahil kahit maliit pa lang siya, she could already show her affection on us.

Faded Memories (Complete)Where stories live. Discover now