Chapter 44

6.5K 126 3
                                    

****** 

Hindi ko siya pinansin sa pagwawala niya. I went inside my house at ipinasok siya sa kwarto ko. I locked the door and put her down on my bed. She was sitting on the edge while I was squatting on the floor in front of her. Binalot na naman kami ng matinding katahimikan. Walang may gustong magsalita. Nakikiramdaman kami pareho.

I sighed deeply before speaking. Dàmn! My insides were trembling because of so much nervousness. "Abby... I'm so sorry," I said in my most sincere tone.

I saw her tears fell on both sides of her cheek as I said those words. I tried to touch her pero tinabig niya lang ang mga kamay ko. Napakagat na lang ako sa labi ko para pigilin din ang maluha. Nasasaktan ako sa resistance niya sa akin pati na rin ang nakikita siyang nasasaktan ng ganito.

"Sorry? Do you think that's enough? I've waited for you. Hinintay ka namin ni Hash. Araw-araw akong umaasa, nag-aabang, at nagdadasal na sana ay sundan mo kami. Everyday I was waiting for you to show up pero ni bakas at anino mo ay wala akong nakita. Alam mo ba kung gaano kahirap para sa akin ang maghintay ng ganoon katagal? Para akong tino-torture tuwing umiiyak si Hash at hinahanap ka. Pero ayokong bumalik sa iyo dahil gusto kong ikaw ang magkusang maghanap sa amin. Gusto kong ikaw naman ang mag-effort para sa akin. I want you to prove yourself to us."

Hindi ako kumibo. Hinayaan ko lang muna siyang ilabas ang lahat ng mga sama ng loob niya sa akin dahil hindi naman ako nagpakita sa kanya para makipagtalo.

"Akala ko ba mahal mo ako? Mahal mo kami? Bakit naghintay ka pa ng ganito katagal bago ka nagpakita? Bago mo kami sinundan dito? Anong klaseng pagmamahal ba ang meron ka, Gabriel, kung kaya mo naman pala kaming tiisin ng ganito?

"Tapos ngayon nandito ka sa harap ko saying sorry? Sa iyo na sorry mo! Nakatiis ka nga ng mahigit tatlong buwan na hindi kami nakakasama, di ba? Napakaduwag mo, Gab. Akala mo ba di kita kayang patawarin? Ganoon ba kababaw ang tingin mo sa pagmamahal ko sa 'yo? Matagal na kitang pinatawad, Gab, pero ang sakit-sakit dahil araw-araw akong umaasa na dadating ka pero araw-araw mo rin akong binibigo." She was crying the whole time she was telling me all her disappointments in me.

I held her hand tightly. She was trying to free herself but I didn't let her.

"Abby, pwede bang makinig ka muna sa akin please?" I pleaded.

Umiling siya. "Bakit, may magandang rason ka bang maibibigay para sa mahigit tatlong buwan na natiis mong malayo ka sa amin dahil hindi ako naniniwalang hindi mo agad nalaman kung nasaan kami."

"Abby..." I tried to hug her pero nagpumiglas siya. I held her hands again. "Abigail, pwede bang makinig ka muna? I knew how much you hated me when you learned about everything that happened in the past. Nasaktan ako ng sobra noong iniwan n'yo ako. Miserable ang naging buhay ko, Abby, when you left me. I was thinking about you and Hash every second. Halos mabaliw ako. Hindi ko alam ang gagawin ko so I just gave you the space and time that you needed so you could move on and heal from all the pain that I've caused you before I show myself to you again."

Napatingin siya sa akin. Pulang-pula ang mukha at ilong niya habang sunud-sunod ang pagpatak ng mga luha niya.

"Just like you, hirap na hirap din ako na malayo sa inyo. Pero sinundan ko kayo agad, Abby. I was just here. Araw-araw kong sinusubaybayan ang mga mga ginagawa n'yo. Do you really think na makakaya kong magtiis ng sobrang tagal na hindi kayo nakikita at nakakasama? Abby, I begged your father to tell me kung nasaan kayo ni Hash but he was so mad at me noong nalaman niya iyong mga ginawa ko sa iyo kaya ayaw niyang ipaalam sa akin kung nasaan kayo.

"Nagpapasalamat na lang ako kay Gomer dahil hindi siya nakatiis na nakikita tayong parehong nahihirapan kaya tinulungan niya ako. A week after you left me, sinundan ko na agad kayo rito. Gustung-gusto ko kayong lapitan at yakapin pero di ko magawa. I kept myself on distance. Kahit hirap na hirap akong hanggang tingin lang ang nagagawa ko ay tiniis ko dahil gusto ko munang matutunan mo akong patawarin sa mga nagawa kong kasalanan sa iyo and to heal first from all the pain that I've caused you dahil natatakot akong baka mas lalo ka lang lumayo sa akin. Yes, Abby. Duwag ako. Palagi akong naduduwag when it comes to you," umiiyak na din na sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya.

Faded Memories (Complete)Where stories live. Discover now