Chapter 15

4.3K 86 0
                                    

WARNING: Medyo SPG

******

Monique was the one who shouted habang tinatakpan nito ang mga mata ni Gwynne-Gwynne, ang sampung taong gulang na anak ni manang Glaiza, ang kasambahay namin. Pakiramdam ko ay namumutla na ako sa kaba.

I pushed Gab away from me when I heard Monique's shout. Dali-dali akong bumaba mula sa sink. I don't know how to explain on what just happened. I looked at Gab's direction. He's just looking at me then he smirked. Parang wala lang sa kanya na may nakakita sa amin.

Lumapit ako kay Nicz. I feel so uneasy. Gab walked towards us. Hinawakan niya ang butt ko then nilagpasan kami. Nakatingin lang ako sa kanya but he didn't look back again. Ibinalik ko ang atensyon ko kay Nicz.

"Hoy, Abby! Ano yung nakita ko?" biglang tanong nito.

Hindi ako nakapagsalita agad. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang mga nakita niya. Hinila ko siya papunta sa kwarto ko. I locked the door immediately as we got inside. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. We sat on my bed at ikinuwento ko sa kanya kung ano ang nangyari. I also explained my feelings towards Gab. Parang hindi pa ito makapaniwala.

"Waaaahhh! Abby, iba na 'yan! Baka ma-in love ka sa playboy na iyan sige ka! Ikaw din ang masasaktan sa huli if you fell for him," saad nito.

"I don't know, Nicz. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko kapag nandyan na siya. Alam mo iyon?"

"Iyan ang hindi ko alam! Malay ko ba sa nararamdaman mo sa kanya," pilosopong sagot niya. "Naku, Abby! Sinasabi ko sa iyo, habang maaga pa putulin mo na iyang nararamdaman mong iyan kay Gabriel. Wala akong tiwala sa lalaki na iyon. Mamatay man si Magellan."

"Di ba, Ate, patay na si Magellan?" singit ni Gwynne-gwynne habang nilalaro ang mga stuffed toys ko. Muntik na akong matawa sa sinabi nito. Napakamot naman si Nicz sa ulo.

"Oo nga no?! Ay! Huwag ka nga makinig sa usapan ng mga magaganda. Doon ka maglaro ng games sa computer ni Abby," taboy niya sa bata.

"Makapagsalita ka naman diyan, ate. Maganda kaya ako. Bungal nga lang," sabat na naman ni Gwynne na nagpatawa sa akin. Kahit papaano eh nabawasan ang kabang nararamdaman ko.

"Oo na po! Kulet mong bata ka! Anyway, Abby," baling ulit niya sa akin. "Alam mo naman na womanizer iyon, di ba? Papabiktima ka pa ba? Hindi porke magkakilala ang parents niyo eh

makikipagmabutihan ka doon sa lalaking iyon! Hindi siya deserving para sa 'yo. Paglalaruan niya lang ang feelings mo!" dagdag pa niya.

I heaved a deep sigh. Alam ko naman iyon eh. Kapag kumagat ako dito eh mahuhulog lang ako at alam kong wala namang sasalo sa akin sa bandang huli.

I was thinking so deep about what Nicz told me. Hindi ko alam kung paano ko sisimulang iwasan si Gab o kung paano ko puputulin itong nararamdaman ko sa kanya. Meron nga ba? I sighed. Nalilito na ako sa nararamdaman ko.

******

I tried to avoid him. After what happened few weeks ago ay hindi ko na siya tinitingnan. Natutukso kasi ako everytime I look at him. I could feel na nakatingin siya sa akin madalas dahil sa bigat ng mga titig niya pero pinipilit ko ang sarili ko na huwag siyang lingunin. Kapag alam kong papalapit siya sa akin o di kaya'y magkakasalubong kami ay umiiba na ako ng direksyon maiwasan ko lang siya.

I was silently walking on the corridor of our school. Medyo malayo ito sa karamihan dahil ito iyong part ng school na hindi gaanong nadadaan ng mga estudyante. Galing kasi ako sa arts building ng school. I am one of the school's artists kung saan magko-compete kami ng mga artworks namin sa iba't-ibang school. Shortcut kasi ito papuntang parking lot kaya dito na ako dumaan. Baka kasi hinihintay na ako nila Gomer.

Faded Memories (Complete)Where stories live. Discover now