Chapter 19

5.9K 94 0
                                    

I was covering my body with my favorite blanket while snuggling and shaking inside it. Ang sama-sama ng pakiramdam ko. Nanghihina ang buong katawan ko. I'm having a fever right now. Pagkatapos ng nangyari sa amin ni Gab three days ago ay nagkaganito na ako. I asked one of my closest friend who is a nursing student in our university and she said that it's just normal to have a fever after séx kapag binigla ka lalo na kapag first time mo.

Nagising na lang ako kinabukasan na nag-iisa na lang sa kwarto ni Gab. Nahiya naman ako sa sarili ko when I saw his bedsheet and comforter with my blood stains. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya pagkatapos ng nangyari sa amin. Pero ako, kahit katiting na pagsisisi ay wala akong naramdaman. Masaya ako na siya ang nakauna sa akin. Kahit hindi making love iyon kung maituturing, at least sa kanya ko isinuko ang lahat sa akin.

Um-absent na lang ako noon sa mga class subjects ko. Nagpasundo na lang ako sa personal driver namin. The next day ay pumasok pa ako sa school kahit iba na ang pakiramdam ko, hoping na makita ko siya at makausap, pero kahit anino niya ay di ko nakita. Parang tinusok ang puso ko. Wala lang talaga sa kanya ang nangyari sa amin pero para sa akin ay isang magandang alaala iyon na kahit sandali lang, I was still able to be with the person I love and be intimate with him.

"Ate Abby, kumain ka na. Tapos inumin mo 'tong gamot, oh. Naku! Papagalitan ako ni Nanay nito pag di kita napakain," si Gwynne-Gwynne. Kanina niya pa ako pinipilit na kumain pero wala akong gana dahil sa sama ng pakiramdam ko. Mas gusto ko pa matulog nang matulog kesa kumain.

"Hmmmm..." Iyon lang ang naisagot ko. I didn't even open my eyes.

"Ate, masakit pa ba balakang mo? Baka napilayan ka kaya nilagnat ka! Naku, ipapahilot na kita kay Nanay!" pag-aalala niya.

"Hindi, Gwynne, ok lang ako. Mawawala din 'to." Nakapikit pa rin na saad ko.

Naramdaman kong hinawakan niya ang noo ko. "Mainit ka pa din, Ate! Gusto mo papuntahin ko si Ate Nicz dito?"

Umiling ako saka nagtalukbong ng kumot sa ulo ko. Huling kausap ko kay Nicz ay kasama niya ang tunay na mga magulang niya kaya ayaw kong maistorbo pa siya.

Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko at narinig ang boses ni Gomer. I felt when he removed the blanket which covers my head and felt him touched my forehead.

"Bhe, ayos ka lang?" Umupo siya sa tabi ko. "Pinatawag kasi ako ng profs mo at ibinigay sa akin ang pointers para sa exams niyo. Ano ba kasi ang nangyari sayo? Tatlong araw ka nang ganyan. Dalhin na kaya kita sa ospital. Baka kung ano na 'yan. Saan ka ba kasi natulog noong isang gabi?" sunud-sunod na tanong ni Gomer.

Napalunok ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

"Siya, sige, hindi na muna kita iistorbohin sa pagpapahinga mo. Pagaling ka, bhe. Lagot ako kay Mommy nito kapag nalamang may sakit ka," saad niya pa sabay halik sa noo ko.

My eyes were still closed. Naririnig ko sila. Nag-aaway na naman sila ni Gwynne. Ewan ko ba sa dalawang ito.

"Hoy! Gwenang! Lumabas ka muna at nang makapagpahinga ng mabuti si Abby. Nangangamoy isda dito oh," panunuya ni Gomer.

"Tae mo, Goryo! Pinapakain ko pa si Ate Abby. Laters na, baby ok?" balik pang-aasar ni Gwynne.

"Panggulo ka lang! Hala! Labas!"

"Oo na! Eto na po, Señor Goryo, lalabas na!" asar na saad ni Gwynne. "Ate, iiwan ko na lang ang pagkain mo dito ha. Kain ka na lang ha? Pinapalabas na kasi ako ng halimaw dito," bulong ni Gwynne sa tainga ko saka humalik sa pisngi ko.

Faded Memories (Complete)Where stories live. Discover now